Ba't niligawan mo pa kung iiwan mo rin pala? Ba't nagpapansin ka pa kung sasaktan mo rin pala? Ba't aantayin mo pang mahulog sa'yo ng todo kung iiwan mo rin bigla? Ba't pinapabayaan mo na yung taong pinakitaan mo ng pagpapahalaga nung una? Ba't paulit-ulit mong sinasaktan yung taong nanjan para sa'yo? 'Di porket mahal na mahal na mahal.. ka, di ka iiwan. Pag ang babae, sumuko at napagod. Asahan mong wala ka ng babalikan. Maaarte ang mga babae, ayaw nila sa mga "sinuka" na nila. Kaya ikaw, habang mahal ka pa niya. Habang lumalaban pa siya, ayusin mo na lahat ng gulong nagawa mo. Bumawi ka na. 'Wag mong antayin yung araw na sumaya siya, sa piling ng iba. Yung mga ngiti at tawa niya na hindi na ikaw yung dahilan. Yung ugali niyang sayo niya lang pinapakita, sa iba na niya ipapakita. Ano? Kaya mo? Kaya mo bang makita siyang hawak na ng iba? Kaya mong mawala siya sa buhay mo? 'Wag mong ipagpalit ang tunay na pagmamahal sa panandaliang kaligayahan. Ang tunay na lalaki, ngiti lang ng taong mahal niya, kuntento na. Kaya ikaw, makuntento ka. Magpasalamat ka na lang may taong nagmamahal sa'yo ng lubos. Ng totoo. 'Wag mong sayangin ah? Goodluck! 😚
(c) @gorjxss