Lu Han heading to Incheon Airport for his vacation in South Korea.
Sabi ng pinakatsismosong page sa social media, itago nalang natin sa pangalang koreaboo. Minsan tama pero kadalasan mali ang mga balita nila pero hindi ko pwedeng palampasin ang balitang ito, kailangan ko itong ipagtanong. Detective Jongdae "the hunk" Kim activated.
"Hoy, ano nanamang trip yan ha?" Tanong ng baklang paminta nang mapadaan ako sa harapan nya. Suot ko pa ang monocles at cowboy hat ko para mas convincing.
"Trip ng mga gwapo. Eh, hindi ka naman gwapo kaya shut up ka nalang." Tumabi naman ako sa kanya matapos kong makita ang pagkaing hawak hawak nya.
"At tandaan mong hindi ka si Chanyeol kaya umalis ka jan." Panggagaya ni Baekhyun sa tono ko at may kasama pang pingot ha. Bakla talaga eh.
"Choosy ka pa eh mas yummy naman ako dun. Matangkad nga, kaso daig pa ang supot sa liit ng pututoy" Huling sabi ko sabay hablot ng hawak nyang unicorn este Lay's. Tumakbo ako patungong kwarto ni Gramps bago pa pumutok ang namumuong sama ng mukha ni Baekhyun at paulanan ako ng eyeliners. Sayang naman ang rare, unique at sobra sobrang kagwapuhan ko.
"Oh, ba't parang kang hinabol ng tatlumpung bakla hyung? Anyare?" Sabi ng dating bulol na maknae namin na ngayon eh mas matangkad pa sa oldest hyung namin.
"Buti nga hindi ako ginahasa eh. Hays" Sabi ko nalang bago dahan dahang umupo sa sahig, para dramatic. Inilibot ko naman ang tingin ko para maghanap ng pandak na noong tinubuan ng mukha, na may hawak na black card, kaso wala.
"Hyung, may kailangan ka ba kay Suho hyung? Wala kase sya dito eh" Tumango nalang ako at akmang tatayo na para umalis kaso tinamad ako kaya umupo nalang ulit ako.
"Oh di ka pa ba aalis hyung? Uh may kailangan ka pa?" Gegu tong bata nato ah, parang pinapaalis na ko. Napansin kong pasilip silip sya sa cellphone nya na kanina nya pa hawak. Parang may iniintay na text o tawag. Naalala ko naman yung sadya ko kay Suho hyung.
"Se, totoo bang magbabakasyon si Luhan hyung dito?" Napansin kong napatigil sya sa ginagawa nya sa cellphone nya bago ituloy ang pagpipindot doon bago lumingon sakin.
"Oo, hyung." Napatigil ako, ni hindi ko na inisip kung bakit alam nya at walang pagaalinlangan syang sumagot na parang siguradong sigurado sya, napatango nalang ako at ngumiti ng kaunti sabay pinilit na panatilihin ang natural na aura ko, cheerful at troll.
"Ah, ganun ba, siguradong matutuwa si hyung neto."
--
420 words, too short. ㅠㅠ