3화

18 0 0
                                    

Pasipol sipol ako habang naglalakad lakad sa kalawakan... ng Seoul, hindi Galaxy. Bilang Visual ng EXO, kailangan ko ng free time for myself.

Lingid sa kaalaman ng mga EXO L at ng EXO, matagal na akong nakikipagdate. Siguro bago pa kami nagdebut nakikipagdate na ko.

Bilang ako si Chen ay hindi naman pwedeng kung sino sino lang ang idedate ko. Kailangan high class, hindi naman pedeng kung sino sino lang ang idedate ng isang Kim Jongdae, diba? Kaya napagpasyahan kong idate si Chen, ang most perfect guy you'll ever meet, and that's me. Oo, kadate ko ang sarili ko. At kung pede lang talaga eh matagal ko nang pinakasalan ang sarili ko. Napakapogi kasi eh, sarap pagnasaan. Hue, nababakla na nga ako sa sarili ko pag napapaharap ako sa salamin eh. Kaya pinakiusapan ko na sina Suho hyung, para sa manly image ng EXO, pinatanggal ko ang mga salamin sa kwarto ko.

"Ah, sir? May napili na po ba kayo?" Sabi ng saleslady sa tabi ko. "kanina pa po kasi kayo nakatayo jan eh. Hindi po makadaan yung ibang customers."

"A-ah? Ah oo. Kase ang ganda nung bracelet, magkano?" Sabi ko bago hawakan yung bracelet na kanina ko pa tinititigan. "Tsaka pala miss, binibili ba to ng by partner o isahan lang?"

"Ah sir, sa counter nyo nalang po bayaran, and by pair po yan. BAWAL pong MAGKAHIWALAY." Tumango nalang ako kay ate na parang naninigaw. Nagtatanong lang naman ako. Huhuhu, kasalanan na ba talaga ang maging gwapo?

Kinuha ko yung pair ng bracelet. Sigurado naman akong magugustuhan to ni Minseok hyung eh, ako pa ba? Naghanap pa ako ng ibang pedeng bilhin bago pumunta sa counter para magbayad.

Gaya ng sabi ko kanina, date to kaya hindi mawawala ang pagkain.

Pumasok ako sa KFC, umorder ng pagkain at kumain. Kailangan ko pa bang ielaborate? Nah, too fab for that.

--

"Oy bakla, san ka galing?" Tanong ng kaisa isang tumatawag sakin ng bakla. Sa kasamaan ng mukha nya este sa kasamaang palad eh nakasalubong ko sya habang pauwi ako.

"Naglibog lang" Napangisi naman si Baek at malibog na tumingin sakin. Pota, byun talaga apelyido neto eh.

"NagSOGO ka no?"

"Ulul. Naglibot kase yon. Di pedeng matypo?"

"Ulol ka din, naguusap lang tayo. Hindi nagtetext o nagchachat." Inabutan nya ko ng piso pagkatapos. "Ayan hanap kang kausap mo. Kastress to."

Ngiting tagumpay akong nagpatuloy sa paglalakad. Pagkadating ko sa dorm namin ay saktong nakita ko si Minseok hyung, mukhang nagmamadali at may pupuntahan ata.

"Oh hyung? Wer U going?" Napatingin naman sakin si hyung at iginilid ng kaunti ang ulo nya, parang nagtataka.

"Sabi mo Chen? Sabi ko naman sayo wag ka masyadong nagsasasama kay Chanyeol eh. Nagiging kulang kulang ka na rin tuloy." Umiling iling pa si hyung bago sagutin ang tanong ko. "Magji-Gym kami ni Baekhyun eh. Sama ka?"

"Nakasalubong ko lang kanina si Bae-" bago ko pa naituloy ang sasabihin ko eh may kumulbit na sa likuran ko. Napatalon naman ako sa gulat at lumingon. Muntik ko nang pagsisihan ang paglingon ko dahil para akong nakakita ng multo. Multong mukhang aso.

Hindi ko manlang namalayan na nasa likuran ko pala si Baekhyun na kanina pa pala nakasunod sa akin. Nakangiti sya sakin na hindi ko alam kung nangaasar ba sya o trip nya lang ipakita yung magaganda nyang ngipin. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa ngiti nya, lalo na nung tumabi sa kanya si Hyung.

"Sige Chen, una na kami. Mahaba habang work out pa to." Nakita ko naman na mas lumapad pa ang ngiti ni Baekhyun at di ko alam kung bakit nakakaasar talaga ang ngiti nyang yon. Sabagay, nakakainis naman talaga ang mukha ni Baekhyun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

XiuChen FF: Bracelet And PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon