Hindi ako early bird (angry bird lang, rawr) pero di ko maintindihan kung bakit nauna pa akong magising kay Kyungsoo o kay Chanyeol na mga chef namin. Ganito ata talaga pag gwapo.Inayos ko na ang hinigaan ko bago pagtawanan ang pagtulog ni Baekhyun, ungot ng ungot tapos nakanganga pa akala mo kinakarat ag ag. So unmanly naman.
Lumabas ako sa kwartong iyon at nagpasyang pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi malabong gising narin si Umin hyung ngayon kase sya naman talaga ang early bird (hamster) namin.
Napatigil ako ng mapadaan ako sa kwarto ni Umin hyung, na ginagamit ngayon ni Luhan hyung, nakarinig kasi ako ng ingay. Jusko jugigo, alas kwatro palang ata ng madaling araw. Huhu, di malabong may multo jan. Hahakbang na sana ako pabalik pero dahil gwapo ako at sobrang manly, pinili kong maging matapang at idinikit ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ang ingay.
"Lu-ge." Step back, and you're dead? Joke. Napastep back talaga ako. Kilala ko ang boses na yon eh. Lumapit ako ulit sa pintuan.
"Alam ko kung gano mo kagusto na marinig na tinatawag kitang gege." Kausap nya si Luhan hyung? Pillow talk ba to? O sleeo talk? Kakaotalk? Line naman ineendorse namin ah?
"Kaya sinasadya kong hindi ka tawagin ng ganun kase, bukod sa mas matanda naman talaga ako sayo, eh gustong gusto ko rin pag pinipilit mo ko." Woah, taray naman, pachiks pala to si hyung eh. Kala ko pa naman si Hyung na ang pinakamanly sa'min. Ako pa din pala. Pinagpatuloy ko ang pakikinig ko at idinikit ang tenga ko sa pintuan.
"Kaso nagpasya kang umalis kaya wala na akong matukso, wala nang pumipilit sakin. Namimiss ko na may tinatawag akong gege. Namimiss ko na may napapagtripan ako." Aw, sad. edi sana sinabi mo hyung. Edi sana pinilit kitang tawagin ako na oppa, este hyung.
"Alam mo naman na sayo lang ako kumportableng makipagbiruan diba?" Kumportable? Sa kanya lang? Ano palang tawag sakin hyung?
Lumayo na ko sa may pintuan. Narealize ko lang na para akong tanga don. Baka may makakita pa sakin. Tumuloy na ko sa kusina kase dun naman talaga ako pupunta. Nagtimpla ako ng kape bago umupo sa may salas. Tinaas ko yung paa ko sa mini table sa harapan ko bago buksan ang TV sa harap ko, like a boss.
--
Minutes passed, nagsimula ng umingay sa dorm, sa pangunguna syempre ng Chanbaek. Kasalukuyan na kaming kumakain ng umagahan at ni hindi mo maririnig ang ingay ng kutsara't tinidor dahil mas malakas pa ang bunganga ni Baekhyun sa kahit anong ingay sa paligid namin.
Mula nang umupo ako dito ay hindi ko tinigilan ang paglantak sa pagkain ko with matching oohh ahh pa na kala mo eh nasa commercial ako. Pero kahit na gaano ako katutok sa pagkain ko, di pa rin nakaligtas sa mata ko ang mga skinships, tinginan at malalanding tawanan ng nasa harapan ko. Ang sakit sa mata.
"Minnie, paabot naman nung kanin." Duh, may kamay naman sya eh. Tsaka, Minnie? The eff, at sino naman sya? Si Mickey?
"Seriously, Lulu?" He chuckled. Tss, what's with your eyes hyung? "Minnie? Tatawagin na ba kitang Hello Kitty?" tumawa naman sila pagkatapos. At dito pa talaga sila nagisip ng tawagan ha? How sweet naman. Parang sila lang yung tao dito ah.
"Yah! Iabot mo na nga lang yung kanin, tong baozi na to. Babuuuuy!" Kinurot naman ni Lu hyung si Umin hyung sa pisngi. Psh, may kamay naman sya ah. Kailangan pinapaabot pa. Artiii
"At ikaw, usa?" Bawi naman ni Umin hyung bago iabot ang kanin kay Lu hyung nakangisi pa si hyung at halatang nageenjoy sila. Edi wow. Hindi manlang sya umangal sa pangbebaby sa kanya ni Lu hyung. Ibang iba pag ako yung gumagawa nun sa kanya.