Chapter 15: Prinsesa ^///^

244 7 1
                                    

Scarlet's POV

"Hmm..." gumising ako.

Nasaan ako? Inikot ko yung paningin ko sa buong paligid ko.

Nakita ko si Kris na natutulog.

Gumising siya, nagpunas siya ng kanyang mga mata bago tumingin sa akin.

"Scar, gising ka na." masayang sabi niya.

Grabe. Namiss ko si Kris.

"Scar, buti naman at gising ka na. Hindi mo ba alam na nag-alala ako sayo, akala ko iiwan mo na ako. Bakit ka ba kase tumakbo ah?! Paano na lang kung magka-amnesia ka?! Paano na ko." tuloy-tuloy na sabi niya.

"Ah.. Eh.. Si..sino ka? Na.. nasan ako?" nakataas kilay na sabi ko.

Para mas maniwala siya. ^___^ Alam ko magagalit yan. Halata naman sa mukha niya na gulat na gulat siya.

"Anong nasan ka? Anong sino ako? Baliw ka ba?!" sigaw niya.

Tingnan niyo na, sabi na magagalit na naman yan eh. Napaka-impatient talaga nya. Kaya ang sarap nyang inisin eh.

Tiningnan niya ako, seryoso lang yung mukha ko. Pero yung totoo, gusto ko ng tumawa ng malakas. Grabe kasi yung itsura nya nakakatawa!

"So..sorry. Hindi kita kilala." sabi ko.

Ang galing kong mag-acting. Pwede na ba akong mag-artista? Haha.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

"Ano ba?! Hindi ka nakakatawa! Ano bang pinagsasasabi mo ah?!" Kris shouted.

Ang sarap niya talagang asarin. Hehe. Ang cute-cute niyang maasar.

"Pasensiya na pero hindi talaga kita kilala." nakataas kilay kong sabi.

"Ako si Kris.. yung boyfriend mo." nagulat naman daw ako sa sinabi niya.

Boyfriend? Tiningnan niya ako, tiningnan ko lang din siya. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo tapos napakamot siya sa batok niya..

"Siguro nga hindi mo na ako natatandaan." Kris said, sadly.

He turned his back and walked away from me.

Lalabas na sana siya..

"Stupid jerk!" I shouted.

Huminto siya sa paglalakad niya at humarap sa akin.

Nginitian ko lang siya. Tapos ngumiti din siya at tumakbo papalapit sa akin. At niyakap niya ako ng napakahigpit.

Tapos bumitaw agad siya.

He gave me a death glare and he slightly poked my forehead.

"Silly, why did you do that? Pinag-alala mo ko!" He said.

"What did I do?" I asked, innocently.

Umupo siya sa edge ng kama na hinihigaan ko. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.

"I missed you." Kris said.

I look at his tantalizing eyes. Waah! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko kapag nakatitig ako sa mga mata niya?

Unti-unting nilalapit ni Kris yung mukha niya sa mukha ko.

Huh? What will he gonna do? Ikikiss ba nya ako? Omg. He closed his eyes.

What would I do?

Pumikit na din ako. Hindi ko na kase alam ang gagawin ko.

"Ehem. Ehem!" automatic na napamulat ako ng may umubo.

Naitulak ko pa nga si Kris sa sobrang gulat kaya nahulog siya sa kama at napaupo sa sahig.

"Mukhang nakakaistorbo ata kami?" Chanyeol said.

Nandito pala sina Chanyeol? Kasama niya pa sina Kyungsoo, Lay, Tao, Suho, Chen at Baekhyun.

"Buti alam niyo." Kris muttered.

"Bro, kagigising lang ni Scar. Chillax! May bukas pa." pagbibiro ni Chen.

Si Chen talaga ang kulet. Ang hilig-hilig mang-asar ng mokong na ito!

"Oo nga naman Kris. Give her time to rest muna." dagdag ni Tao.

Umupo sila sa may couch. May dala silang mga pagkain galing McDo.

Bigla tuloy akong nagutom.

"Ilang araw na ba akong tulog?" I asked.

"One year na." Kris answered.

One year? Seriously? One year na akong tulog dito?

"Seriously?" I asked.

"Joke lang. Ito naman di mabiro, one week pa lang." Kris said.

Binatukan ko siya.

"Aray! Kagigising mo lang, nambabatok ka na!" Kris shouted.

Di ko siya pinansin at tumingin dun sa iba na nakaupo dun sa may couch, nanonood ng movie at kumakain.

Wow ah. Hindi ba nila alam ang salitang mamigay?

Naaamoy ko yung chicken at yung gravy.. Lalo tuloy akong nagugutom.

Magsasalita pa lang sana ako para manghingi pero inunahan ako ni Kris.

"Excuse me, baka naman gusto niyong mamigay diyan?" Pagpaparinig ni Kris.

Tumingin lang sila sa aming dalawa at nagtawanan.

"Tinitingnan lang namin kung maglalaway kayong dalawa. Dito, kumain na kayo." Baekhyun said.

Spell sutil, B-A-E-K-H-Y-U-N.

Naku. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka nasapak ko na tong si Baekhyun.

Kaagad namang pumunta si Kris dun sa iba at.. kumain.

Patay gutom lang?

At hindi man lang ako inalok para kumain.

Excuse me, nandito po yung pasyente na isang linggo ng hindi kumakain.

Binato ko sila ng mga unan.

"Hahaha. Sabi na sa inyo magagalit yan eh." Kris said, laughing.

Anong pinagsasasabi ng Kris na ito?

"Oo nga pre. Tama ka nga. Haha." natatawang sabi ni Suho.

Tawa naman ng tawa si Chen, Baekhyun at Chanyeol. Kulang na lang magheadbang sila kakatawa.

"Ano ba?! Kung bigyan niyo kaya ako ng pagkain, kesa sa tawa kayo ng tawa diyan." I said.

Lumapit sa akin si Kris na may dalang pagkain.

"Ito na po, prinsesa." Kris said at inabot sa akin yung pagkain.

Prinsesa? ^///^

"Gusto mo ba subuan kita?" Kris said habang nakangiti.

Wow ah. Kailan pa naging ganito kasweet si Wu Yi Fan? The great Wu Yi Fan.

Sana lagi na lang akong may sakit para lagi niya akong alagaan.





__________________________________

Sorry. Short update. ^_________^

I fell inlove with that STUPID JERK (ft. Kris Wu Of EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon