Chapter 1: The Beginning

22 0 0
                                    

Day 1

"Ate! Ate! Gising na, ate!" sigaw ng isang cute na boses sa tenga ko habang kinukurot ang pisngi ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang cute na mukha ni Miggy, ang bunso kong kapatid. Medyo chubby ang mukha niya at mataba-taba ng konti hindi katulad ko na mukang malapit nang mamatay sa gutom. Haha. Joke lang. Hindi naman ako ganun kapayat (although iba yung sinasabi ni Ate Bea).

"Ate, gumising ka na daw sabi ni mama," sigaw ni Miggy.

Four-years-old na si Miggy at pakulit na siya ng pakulit kaya alam kong hindi na ko makakatulog hangga't hindi siya umaalis kaya bumangon na ko sa higaan.

"Bakit daw?"

Tumayo lang sa harapan ko si Miggy. "Papasok ka na daw sa school."

"Ha?" Napakunot ako ng noo. "Anong araw ba ngayon?" Sabay tingin sa phone ko na nasa ilalim ng unan.

June 7

"Ay grabe! June 7 na pala!" Napasigaw ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa banyo para maligo.

Ten minutes later pagkalabas ko ng banyo, nanunuod na ng TV si Miggy kasama si Ate Patricia. Next week pa ata pasok niya kaya hanggang ngayon nandito parin siya sa bahay. Buti pa siya. Samantalang ako malelate pa sa first day ng klase.

"Hoy, Mariestella! Kumain ka na. Nasa mesa yung pagkain. Bilisan mo at malelate ka na," sigaw ni Ate Pat habang nanunuod.

Hindi ko na siya sinagot sa pagmamadali at nagbihis na ko sa kwarto.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ko at pinilit ubusin yung pagkain sa loob ng five minutes. 7:00 yung first class ko sa bago kong school. 6:25 na. Buti na lang at hindi masyadong malayo yung school sa bahay namin. May time pa ko para bumyahe at hindi malate.

Kinuha ko na ang bag ko sa kwarto at nag-ayus ayos ng buhok. Kapapakulay ko pa lang nung weekend ng Ash Blond kaya hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko.

Paglabas ko ng kwarto, nagliligpit na ng mga pinggan si Ate Pat habang nanunuod pa rin ng cartoons si Miggy.

"Ate, alis na ko." Nilingon ko si Ate Pat.

Tumango siya ng sandali. "Sige. Umuwi ng maaga ha. First day palang. Wag muna maglakwatsa."

"Oo na, Ate. Ako kaya ang least likely to go to a party sa bahay na to," pagrarason ko.

Hindi na nagsalita si Ate kaya pumunta na ko sa tabi ni Miggy.

"Pa-kiss nga! Papasok na ko sa school." Lumapit ako at hinalikan sa pisngi si Miggy. Dedma lang siya habang pinapanuod si Stitch na magpagulong gulong sa beach. "Pakabait ka," sabi ko sabay labas ng bahay.

Lumabas na ko ng gate namin at naglakad papunta sa kanto. Doon pa kasi ang sakayan ng jeep. Isang sakay lang ang kailangan ko kaya papetiks petiks pa ang paglalakad ko. Yung tipong pang model na ineenjoy kada-step. Haha. After a few minutes, mga twenty meters pa ang layo ko sa highway. Tiningnan ko yung relo ko. 6:40 na grabe. Nanlaki muna ang mga mata ko ng sandali bago ko narealize na malelate na ko sa school. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanto at pinara ang unang jeep na dumaan. Buti nalang puno na yung jeep kaya di na kailangang tumigil ng tumigil para magsakay ng mga pasahero.

Sa sobrang taranta ko at dahil sa biglaang adrenaline rush, muntik ko nang makalimutang magbayad ng pamasahe buti nalang pinaalala ni manong, although nairita lang ako kay manong driver kase pa-bad vibes ba naman yung pagkasabi niya.

Sabi ba naman niya, "Hoy, yung hindi pa nagbabayad dyan MAGBAYAD NA! Hindi lahat ng bagay nakukuha na ng libre ngayon. Kailangan ngayon na..." blah blah blah. You know the drill. Magrarant pa si kuya ng mga kung anu-anong mga bagay tungkol sa lipunan at mga konting hugot sa buhay bago niya pa ko hayaang magbayad ng seven pesos. Buti nalang natapos na yung litanya niya bago pa ko bumaba. Baka mamaya hindi pa niya ko pababain.

Repeating DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon