Chapter 3: Please, Do Talk About Me When I'm Gone

9 0 0
                                    

Still Day 2

Pumasok na ko sa lecture class ko sa Biology. Madami nang tao sa loob. Buti nalang marami pang bakangteng upuan.

Umupo ako sa may tabi ng aisle katabi ang isang chubby na lalaki. Muka namang mabait si kuya na ang daldal at ang ingay habang nakikipagdaldalan sa mga katabi niya.

After mga ilang seconds, tumahimik na ang grupong katabi ko. Sabi ko sa sarili ko "buti naman" pero sa isip ko lang. Ayaw ko namang ma-offend sila.

"Ay sorry ate!"

Nadali kasi bigla ni Chubby (codename niya) ang braso ko habang hinahanap ang kanyang comfortable spot sa upuan.

"Ok lang."

Bumalik na ako na sa pagiging tahimik at nonexistent.

"Ay ate..." Narinig ko naman si Chubby. "Anong course mo?"

Medyo nabigla naman ako sa tanong niya. Parang out of nowhere kasi yung tanong niya. Wala man lang kaming opening conversation or topic para magtanong na siya bigla ng ganun.

Napansin ata ni Chubby na hindi ako sumasagot, which is very obvious kasi wala pa kong sinasabi.

Nag-smile si Chubby. "Nakita ko kasi yung schedule mo..."

Tinignan ko yung notebook na nilabas ko kanina pagkaupo ko. Nasa loob kasi ng plastic cover ang printed class schedule ko. Nilagay ko dun para lagi kong makikita.

"...BS Bio ka din? Meron ka kasing Bio tsaka halos parehas tayo ng subjects."

"Ah oo." Nagsalita na ako. Nakakahiya naman kung hindi pa ako magsalita diba. "Bakit ikaw, BS Bio ka din?"

"Oo! Freshman ka din ba?"

"Oo."

Tumingin si Chubby sa mga kasama niya.

"Uy guys! BS Bio din siya oh!" Sabi niya sa kanila.

Mga lima ata silang magkakasama kaya nadagdagan pa ng apat na mukha ang tumingin sakin.

"Anong bloc section mo?" Tanong ng katabi ni Chubby na babae.

"Y1."

"Uy Y1 din kami!" Sabi nung isa pang babae na nasa far side.

"Anong name mo?" Tanong ni Chubby.

"Ah..." Napaisip ako ng sandali. "Stella."

"Ahh. Hi Stella! Jerome nga pala." Pakilala ni Chubby.

"Pero ang tawag namin sa kanya Chubby! Hahaha." Sabi nung isang lalaki.

"Ano ba, Charles! Grabe ha. Laglagan." Sabi ni Jerome... pero sige Chubby narin tawag ko sa kanya. "Pero okay lang naman na tawagin mo kong Chubby."

"Haha. Sige, Chubby."

"Ayun nga. As you've heard, siya si Charles.." Tinuro niya yung lalaking medyo maputi at mukang yayamanin. "Eto naman si Nikki." Yung girl na katabi niya na may brown na buhok. "At yun naman si Kendall."

"Pero hindi siya si Kendall Jenner ah. Nag-aambisyon lang haha." Bulong ni Chubby.

"Hoy! Narinig ko yun!" Sigaw ni Kendall mula sa kabilang side. Maganda din naman siya parang si Kendall Jenner.

"Hi!" Bati ni Nikki. "Bakit ngayon ka lang namin nakilala? Hindi ka ba umattend nung orientation tsaka tour?"

"Pumunta ako nun. Kaso wala akong nakilalang BS Bio na ka-bloc ko eh." Paliwanag ko,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Repeating DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon