The Giftttttttttt ❤

26 3 1
                                    

Author's note:

This is a short story only.
Again, PLAGIARISM IS A CRIME.
-*-

Heina's POV:

Andito na ako sa tapat ng school ko. Nagsimula na naman ang araw ko. Araw ng kasikatan ko. Famous kaya ako dito?

Pumasok ako sa loob ng gate. Habang naglalakad sa hallway, May nangpatid sakin.

Nadapa ako at nalaglag ang mga libro na bitbit ko.

"Owww, Sorry. Hahaha! Bagay lang yan sayo!"

Tumayo ako at pinulot ang mga libro na nalaglag.

"Ugh. Kaya pala ang baho! May basura sa hallway! Hahahaha"

Sabi ng grupo ng babaeng dumaan sa gilid ko.

Tumayo na ako at pinagpag ko ang uniform ko. Hindi na sya kasing puti ng mga uniporme ng mga kaklase ko. Halata na ang kalumaan.

Tumakbo ako papuntang cr. Buti nalang, walang tao. Doon ko na inilabas lahat ng sama ng loob.Pumatak ang luha ko pagpasok palang ng CR. CR nga lang ng school namin ang nakakapag comfort sakin.

Oo, Famous ako. Pero hindi yung katulad na famous na magaganda at maraming kaibigan. Ako yung tipo ng famous na kilala dahil mahirap, dukha, hampaslupa, patay gutom etc. Andami dami nilang nagsasabi sakin ng ganyan.

Kasalanan ko bang maging mahirap? Kasalanan ko bang itinakwil na ako ng pamilya ko? Kasalanan ko bang .....

Kasalanan ko bang magka-anak ako ng maaga? Kasalanan ko bang sa edad na 20 may isang taong anak na akong babae na napakaganda? Hindi ko pinagsisihan na magkaanak ako. Blessing nga eh.

Oo, may anak na ko. Nagulat kayo no? She's 1yr old. Dahil sakanya, kaya ako nagpapakatatag. Hindi ko naman ginustong mangyari eh. Walang hiya kasi ang ex-boyfriend ko! Hindi manlang mapanagutan ang anak namin. Mali-- ANAK KO pala. Dahil ako ang bumubuhay at naghihirap para sakanya.

Pinunasan ko na ang luha ko. Nilabas ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture ng anak ko.

Ang ganda ganda nya. Manang-mana sya sakin :) Haha :)

Nag-ayos na ako ng sarili at pumunta na ng classroom ko. Saktong pag bell naman ng makaupo ako sa upuan ko.

"Hyen, Umiyak ka na naman :("

"Wala to Sha, Namimiss ko lang si Zeyn."

Siya ang bestfriend ko, Si Shalina, Sya ang nakaka alam lahat ng nangyayari sa buhay ko. Siya lang ang may alam sa school na may anak na ako.

Si Zeyn? Anak ko siya. Zenaiya Mikaela Candrige.

"Okay lang yan. Dadalawin ko kayo mamaya :)"

Nginitian ko lang sya. Pumasok naman ang prof namin.

After 3hrs straight na class, dismiss na kami. Makikita ko na ang anak ko! :D

"Sha, Una na ko ha? Aasikasuhin ko pa si Zeyn."

"Sige Hyen."

--

Natatanaw ko na ang bahay naming maliit. Oo, Parang apartment lang to. Good for 2person lang talaga.

"Baby Zeyn!"

Lumapit sakin ang anak ko at niyakap ako. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Ganyan ako kamahal nang anak ko :)

"Ate yen, uwi na ko ha. pinakain ko na si zeyn. Nagluto na din ako ng pagkain mo."

"Salamat ha? Balik ka nalang bukas."

The Gift ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon