5. Girlfriends

32 2 3
                                    

Warning: Short UD/ SABAW

Singkit na Katsumi's POV

"Hoy! Duga naman! Wag kang kumuha sa fishball ko!" Reklamo ni lester. Nandito kami ngayon sa tindahan ni Aling Neneng kumakain ng fishball, kikiam, at kung anu-ano pang streetfood.

Wag kayo magtaka! Si Daniel, JC at Kathryn lang naman ang mayaman saming anim noh! Kami, may kaya lang. Atleast ako gwapo, diba?

Uwian na at wala kaming iba ginawa kundi tumambay. Eh mas masarap nga ginawa ni les, eh?! Aba! Natulog lang naman buong araw sa clinic. Nagising lang nung uwian na. Matinde! Hindi rin naman siya hinanap ng mga teacher kasi, in-excuse siya ni Ma'am myla, sabi may tigdas daw. Joke. Sabi, masakit daw ang ulo, ayun tulog.

Si kathryn nasa school pa, kasama yung mga kaibigan niya. Ewan ko kung bakit.

"Ate isa pa ngang baso. Hehe!" Sabi ko kay Aling Neneng. Agad agad naman siya nag-luto.

"Lester, masakit pa ba ulo mo?" Tanong ni Seth habang tumatalsik-talsik pa ang laway niya. Kadiri.

"Aling Neneng may sabon po ba kayo jan? Hoo, may libre shower dito eh." Pag-paparinig ko. Libre shower eh. Tss.

Natawa sila, pero tawang tawa si Seth. "Wag ka nga Kabibe. Pshsssshss."

"Kadiri! Wag! Hoy! Yung paninda ni Aling Neng! Malalagyan ng laway mong dugyot ka! Iihhh! Kadiri. Anakng!" Reklamo ko kay seth, pina-ulanan lang naman niya ako ng laway niya. Kadiri siya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya.

"Back to you guys. Masakit pa ba yang ulo mo o masakit ba talaga?" Tanong ni JC kay lester.

Tumawa si lester. "Oo naman! Ano tingin niyo sakin? Amalayer?!" Tanong niya. "No, no, no~" pagkanta niya dun sa kanta ni Meghan Trainor na 'No' .

Umirap si Daniel, "Madaya ka! Alam mo bang, pinag push-up kaming apat?!" Sumangayon kami nila Seth. Totoo! Bwiset yung teacher na yun.

"Talaga?! Bakit ah?" Natatawang sabi ni Lester.

"Paano?" Tanong ko, "Akala yata, kami may kasalan kung bakit ka na-clinic!" Dugtong ko.

Tumango si JC, "Sinabi namin na hindi kami, kasi maskit ang ulo mo. Kaso hindi niya kami pinakinggan." At ngumuso pa siya. Panget niya. Ayaw ko lang sabihin kasi baka bumaba ang self confidence niya. Yaan nalang natin, ok?

"Tapos! Sabi niya sinungaling kami! Aminin nalang namin! Taena! Anong aaminin?!" Pagsabog ni Daniel. Ok lang, wag tayong ma-takot. Ganyan lang si bregs, ayaw lang talaga niyang mag push-up.

"Kaya nga! Sa Field pa kami pina-push up. Haha! Anak ng tokwa! T--sabi ni seth pero hindi ko siya pinatapos. "Kota mga girls! Whahaha! Makakita ba naman ng gwapong nag pupush up. Hah! Wet look bregs! Whahaha!" Tawa ko. Bakit ba? Totoo kaya! Wet look kami, ah! Ako gwapo parin, sila? Mukhang basang sisiw. Whahaba!

Napa-'aray' ako ng batukan nila ako ng sabay sabay. Aray ko ha? Buti nalang hindi natusok ng stick nung fishball yung mata ko.

"Wag kang maniwala dyan Lester! Siya pinaka-mukhang basang sisiw saming apat. Whahaha!" Tawa ni JC. Wag nga siya!

"Oy, di ah! Ikaw kaya yun! Tuktukan kita dyan. Makita mo!" At inismiran ko siya. Humarap ako kay lester. "Wag ka nga! Ikaw nga mukha ka ngang sisiw na may salamin na hindi pinabilad sa araw nung bata pa eh! O kung hindi, sisiw na hilaw! Hmp!" Pang-comeback ni JC. Wala na akong pake sakanya. Haha! Yaan nyo siya dyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Of The Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon