Kulot na Seth's POV
"Huy!" Anak ng tokwa! Sukat bang daganan ako? Diba? Kaloko! "Bakit ba, lester?" Inis na sabi ko saka tumayo at bumalik sa upuan ko. Sinaksak ko ulit ang earphones ko. Naka-cap kasi ako kanina, na nakatakip sa mukha ko habang naka-taas ang binti ko sa isa pang upuan.
Imaginin niyo nalang yung sakit na nakuha ko sa pag-dagan ni les.
Humila siya ng upuan, saka umupo sa harapan ko. "Nagawa mo yung assignment sa english?!" Assignment? Sa english? Ay tama yung kahapon na in-announce nung teacher. "Hinde--" hindi pa ko tapos magsalita ng tumayo siya sabay sabing, "Ay, walang kwenta." Punyeta. Naks! Rhyming. Ge.
Lumapit ako sakanya, "Saang kalye mo nahagilap na may assignment ngayon?" Tanong ko sa kanya. Nag kibit balikat siya, "Dyan sa labas, nagkokopyahan sila eh." Sabi naman ni lester. Wala nanlaman kaming assignment. Hoo! Palakpakan!
Nagkibit balikat nalang ako tapos, umupo sa place ko talaga. Nakita ko pa siyang kinuha ang Samsung Galaxy S6 Edge niya. Nahiya nga yung Iphone 6 ko eh. Haha! Ninakaw ko lang to eh.
Nakinig nalang ako sa music at tinaas ko muli ang mga binti ko.
"Mga toooooooooool!" Ahh... bwiset na ah! Pangalawa na to! Pangalawa na! Aba! Nahulog nanaman ako sa upuan ko. Tama bang hilalin ang upuan ko?! Diba?! Bakit hindi nalang si lester?! "Bakit ba, ha?! Katsumi?!" Reklamo ko kay katsuming hindi man lang akong tinulugang tumayo. Derederetso lang siya sa tabi ni lester.
{A/n. Yung, 'Mga toooooooooooool!', parang, 'Nangatol!' Hahaha! Ge. Bye.}
Dali-dali niyang kinuha ang libro niya sa science, "May assignment kayo?!" Ano naman to? Kanina, english, ngayon science naman?! "Assignment?" Sabay na tanong namin ni lester, "Eh ikaw ba meron?!" Tanong ulit namin. "Wala! Kaya nga nagtatanong eh!" Sagot ni kats, maling libro naman ang nilabas ng lalaking to. "Kats, english ang assignment natin, hindi science." Sabi ko lang sakanya, baka kasi hindi niya alam. "Ha?!" Gulat na tanong niya niyugyog-yugyog niya pa ako.
"Science kaya! Narinig ko sa labas may assignment tayo." Habang niyuyuyog-yog ako. Sinampal-sampal niya pa ako. "Get. Back. To. Your. Senses!" OA na sabi niya habang sinasampal-sampal pa niya ulit ako. Kailangan ba ng sampal at yug-yog?!
Nung may pagkakataon ako, hinawakan ko ang kamay niya, saka siya tinulak. "Ano ba?!" Sabi ko sakanya. "May assignment din kaya sa english!" Sabi ko ulit. Napatakip siya sa bunganga niya, "Talaga?!" Gulat na sabi niya.
Umupo siya sa upuan niya habang nakatakip parin sa bunganga niya yung palad niya. "Anong school ba to?! Bakit dalawa agad ang assignment sa second day?! Funyemas!" Mangiyak-ngiyak na tugon niya sabay yuko. Nagkatinginan kami ni lester, baka umiyak to. Haha! Ayaw pa naman din niya sa lahat eh ang mangopya ng mangopya. Tumingin kami sa ilalim ni kats na sabay. Ay nag selpon. Ok. Umayos nalang ulit kami ng upo.
Hindi pa umiinit ang pwet ko may asungot nanaman sa totoo lang dalawa pa sila. Wala iba, edi ang Padilla Brothers.
"Mga Breeeeeeeeeeeegs!" Tili ni JC. Ang ingay naman ng mga toh!
"Nagawa niyo yung assignment?! Ha? Ha? Sagutin niyo ko? Nagawa niyo na ba? Pakopya ako! Sige na! Huy! Kausap ko kayo! Nagawa niyo na ba?! Hoy! Pansinin niyo ko!" Aburidong sabi ni JC. Aba! Paano kami sasagot kung hindi naman siya tumitigil ka-dada!
"Hoy!" Sigaw ni Jc sabay sampal sakin. Futa! "Punyeta! Wala! Ok?! Wala! Wala! Wala! Hindi namin nagawa yung assignment! Maliwanag?! Pucha!" Inis na sabi ko sabay gulo ng buhok kong kulot. Anshaket ng peys ko! "Ay extreme." Ugh!
BINABASA MO ANG
One Of The Boys
AcakHigschool is the best part of being a student, kahit na maraming ginagawa, maraming kung ano-ano... Sa highschool maraming loko loko jan, haha! Hindi natin paipagkakaila! Sa highschool maraming pwedeng mangyari. Katulad ng magkakaroon ng mas maram...