Two

2 0 0
                                    


"Are you planning to go abroad Krista?" Kung hindi lang dahil sa respeto ko kay Daddy baka di na ko nakisalo pa sa hapunan na 'to.

"Abroad? What about your business? You'll be needing someone to manage it?" Sabat ni Glenda, my Dad's second wife.

"Veron is there. She can manage it." Maikli kong sagot. Makikialam na naman sila sa kung anong meron ako.

"You know what Sissy Veron can't manage it alone. Like hello! Hindi naman sya nag-aral ng Business Management!" Gatong pa ni Elaine.

"Oo nga naman. By the way, ano nga pa lang course ang kinuha mo?" I smiled at her. Feelingera! Patawarin sana ako ng Panginoon sa patagong pakikipagsamaan ko ng ugali sa mga ito.

"Tourism Sissy. Bakit?" Ngiting-ngiti pa sya.

"Oh! Sayang naman at malayo sa Business ang course mo." Napatingin silang lahat sa akin. What? Did I just hurt that little girl's butt?

"Krista ako na ang bibili ng ticket para sayo." Pagiiba ni Dad ng usapan. Nginitian ko pa si Glenda kaya naman inirapan ako. Hindi na ko tinatablan ng pagiging demonyita nya. Mas demonyo ako.

"Jaime, hindi mo na kailangan pang ituring na bata ang anak mo. Malaki na si Krista at kaya na nya ang sarili nya. Hindi ba't mas pinili nyang lumayo kesa makasama ka?" Bawi ni Glenda kaya naman napasmirk ako. Hindi ko iniwan si Dad dahil ayaw ko syang kasama. Umalis ako dahil ayaw tanggapin ng sistema ko na ang bestfriend ng nanay ko na itinuring nyang kapatid eh sasaluhin ang asawa ni Mama.

"Dad, sinabi ko naman sa'yo kung gusto mo akong makasama you can always come back home. Sa bahay natin." Simula nang mawala si Mama ay umalis si Dad sa bahay namin nila Mama. Ang lolo at lola ko ang nag-alaga sakin at sila parin ang kasama ko hanggang ngayon.

"Krista dadalaw ako sa'yo some other time." Masakit parin na may mga pagkakataong ma pinipili nya ang pangalawa nyang pamilya. Hindi naman ako nagpapakakontrabida, ang gusto ko lang ay maramdaman na mas importante parin ako dahil ako yung prinsesa nya, ako yung nagiisang angel nya. Ako yung tunay na anak nya.

"No Dad. I know busy ka. You know, business stuffs. Naiintindihan kita." For sure umuusok na ang tenga ng mag-ina. Ayaw ko naman ipamukha sa kanila na wala silang alam sa business pero yun kasi ang totoo.

"Hija, why don't you have another branch abroad? You're travelling abroad almost everytime. Para naman kahit nagbabakasyon ka may pinagkakaabalahan ka parin." Suhestiyon ni Dad at biglang tumikhim si Elaine.

"Dad, I'm planning on entering the world of business. Is it a great idea?" Ngumiti pa ito sakin at parang nangaasar. As if.

"You want to enter business yet you didn't want Business course? Hindi ba't nagmukmok ka pa nga ng isang linggo sa kwarto mo dahil pinilit kita kumuha ng Business Management?" Ayoko sanang magmukhang bastos pero di ko napigilan ang pagtawa ko sa sinabi ni Daddy.

"Jaime, its because wala syang idea sa business noon. You didn't teach her, hindi ka nagkukwento sa kanya about business, hindi mo rin sya dinadala sa office. What can you expect?" Pagtatanggol ni Glenda sa anak nya. I smiled. Bata pa lang ako tinetrain na ako ni Daddy sa business. Sinanay nya din ako sa mga paper works. Atleast lamang ako sa part na yon.

"Its because wala akong nakitang interest at potential sa kanya. Puro sya fashion, friends, travel at gadgets bata pa lang. Ayokong pilitin sya bata pa lang sya." Sabi ni Dad na nagpasimangot kay Elaine. Yeah right. Spoiled kasi sa nanay nya kaya ayan.

"Hindi mo rin naman sya tinanong kung anong gusto nya Jaime." Sagot ni Glenda.

"I asked her. But she didn't give me a satisfying answer." Sabi ni Dad habang nakatingin kay Elaine.

Sa ngayon nararamdaman ko naman paminsan-minsan na mahal ako ng tatay ko. Patawarin sana ako dahil lumalabas ang sungay ko sa mag-inang ito.

"Okay Dad. I gotta go. Gagabihin ako. Thank you so much for tonight Dad." I smiled sincerely at him. How I wish we're still a happy family. Bago pa ko maiyak eh tumayo na ako.

"Okay anak. Mag-iingat ka at wag kang makakalimot tumawag kapag may kailangan ka. I insist, ako na ang bibili ng ticket mo." Said Dad. Tumayo sya at yumakap sa akin nang mahigpit.

"I love you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chances Are ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon