Guitar 10

98 3 2
                                    

___________________*__________________
Someday we'll know, why I wasn't meant for you...
___________________*__________________

Glaice's POV

After that scene ay dumiretso na lang ako sa aking kwarto at humiga habang kaharap ang kisame.

Bakit ganon? Mahal ko na nga ba talaga siya kaya ako nasaktan kanina? O baka hindi naman talaga.

Ano bang dapat kong gawin? Susundin ko ba si ate Dawn or hindi na lang? Mahirap mag desisyon lalo na't naguguluhan pa naman ako.

"Hay nako, buhay nga naman parang life. Nakakainis."

Hindi ko alam kung paano pa ako magre-react bukas sa practice namin. I guess mahihirapan akong umakto na parang walang nakita.

How I wish na sana— na sana hindi ko na lang iyon nakita.

~*~

"Kuya, paki-ayos na lang yung lamesa ah? Naiwan ko kasing madumi eh nagmamadali na ako." Pakiusap ko kay kuya habang isinusuot ko ang aking sapatos.

"Okay, saan ba ang punta mo at nagmamadali ka? Don't tell me may date ka? Aba, sinasabi ko sayo Aice ah kailangan munang dumaan sakin. Hindi naman ako basta papayag na magkaroon ka agad ng boyfriend ng hindi ko pa nakikita, malay mo adik pala 'yon? Or 'di kaya rapist? Malay mo isa pala 'yun sa mga budol budol gang. Mahirap na makahanap ng matinong lalaki sa panahon ngayon, kaya kailangan ko muna 'yong ma-meet or else busted agad siya. Wait— kung may tattoo don't you ever dare na ipakita pa siya sa akin, hindi na agad 'yon pasado."

Napanganga naman ako sa sinabi ni kuya Ash, grabe naman. Date agad? Hindi ba pwedeng may practice lang?

"Teka nga kuya, may practice kasi kami. Ano 'yang pinagsasasabi mo na date? Hindi ko hilig 'yon. Mas gusto ko pa ngang i-date ang gitara ko kaysa sa lalaki eh." Paliwanag ko kay kuya.

"Oh, okay. I thought you have a date thats why I'm being paranoid, sige na layas na."

"Wow ah, kung makataboy ka sakin parang hindi mo ako kapatid."

"Hindi naman diba?" Mapanghamon niyang tanong.

"Ewan ko sayo, sige na aalis na ako. Bye!"

"Ingat ka— este yung puso mo, bye!"

Hindi ko na lang pinatulan si kuya, umiling na lang ako dahil sa pinakita niyang asal.

Minsan hindi ko alam kung anong trip ni kuya Ash eh, aakalain mong galit siya tapos 'yun pala curious lang. Mahirap hulaan mood niyang tao na 'yan kaya hinahayaan ko na lang.

After 30 minutes of driving ay nakarating na rin ako sa rehearsal place namin which is sa bahay nila Draven.

"Hi Aice! It's good to see you again, akala ko hindi ka na naman sisipot."

Bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko ng magsalita si Keira.

Okay Aice, try to act normal. Kung paano mo sila in-approach noon ay ganun na rin ang gawin mo ngayon.

"Oh hi Keira! Alangan namang hindi ako sisipot eh vocalist pa naman ako diba?"

"Tama ka nga naman. But bakit ang tagal mo?"

"I forgot my phone thats why kailangan ko pang bumalik sa bahay para lang kunin 'yon."

"Oh okay. So, shall we?"

Just The GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon