Guitar 8

126 22 10
                                    

___________________*__________________
I will dry your eyes, I will fight your fight, I will hold you tight and I won't let go...
___________________*__________________

Glaice's POV

"Kuya saan ka pupunta? Makikipagkita ka kay ate Dawn noh?"

"Oo sana pero last practice na kasi ng banda namin."

"Aww, poor kuya Ash di bale na bibisita naman ako kila ate Dawn mamaya after kong maligo. Pero manonood muna ako noh."

"Sige, pakisabi na lang pala sa kanya yung situation ko, okay?"

"Roger boss! Shoo na, ako ng bahalang magpaliwanag kay ate Dawn, bye!"

"Bye, ingat ka ah?"

"Ako pa? Batak kaya 'to."

At tuluyan ng pumasok si kuya Ash sa kotse niya at umalis na. Ni-lock ko naman na yung pinto at nanood muna.

Kahit naman ulila na kami, hindi naman namin pinapabayaan yung mga sarili namin noh.

*knock,knock,knock*

Grabe, kakaupo ko palang bigla na akong papatayuin? At sino naman kaya itong nambubulabog na ito?

Napaisip naman muna ako bago ko buksan. Hindi pwedeng si Draven 'to kasi may spare key na 'yon eh, sino ba kasi? Binuksan ko na lang yung pinto.

"Hi bespren!"

Umagang- umaga sira na agad ang araw ko ano ba naman 'yan, sino pa ba ang tumatawag sakin ng bespren?

"Zack ang aga- aga namb-bwiset ka, ano bang problema mo?"

"Problema ko? Ikaw. Meron pa ba? Hmm, wala na ikaw lang talaga."

O-kay? Anong pinagsasasabi ng hinayupak na 'to? Sa ganda kong 'to pino-problema niya? Iba na talaga kamandag ko, kidding.

"Sorry to say pero hindi mo dapat ako pino-problema, kaya makaka-alis ka na."

Napahinto naman siya saglit at bigla na lang sumeryoso yung itsura niya.

"Wala na ba talaga Aice?"

"Huh? Anong wala na? Linawin mo nga kasi."

"Yung feelings, wala na ba talaga? So that I can move-on."

Bigla na lang din akong napa-seryoso nang dahil sa tanong niya, wala na nga ba talaga?

F*ck Aice, umayos ka nga! Mahal mo si Draven diba? Ano, may feelings ka pa rin ba kay Zack? Shit I'm going insane!

"So I guess wala na talaga? Aice, please naman answer my goddamn question! Can't you see? I'm still into you, nahihirapan na ako."

Then bigla na lang siyang napasabunot sa buhok niya, what to do?

"Zack, I don't know if I still have feelings for you. And please, huwag mo muna akong guluhin."

Just The GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon