PAALALA:
'Wag ninyong simulan ang kwentong ito kung hindi ninyo tatapusin, Kasi ang kwento di mo maiintindihan hanggat walang wakas.
At sa mga medyo tatamaan dyan, wala po akong pinatatamaan dito ha?
Peace tayo . Sana magustuhan ninyo.
MAGULANG,
-Sila ang gumagabay sa atin, nagmamahal, nagbibigay ng magandang kinabukasan at higit sa lahat sila ang magulang natin at hindi natin sila pwedeng piliin.
TORPE,
-Yan yung di makapag-salita sa harap ng taong mahal niya. Hindi makapag-sabi ng nararamdaman niya at lalong di makagalaw, namumula at nangangatog ang mga tuhod. Pero totoo naman at seryoso kung magmahal. Yung tipong lahat maibibigay. Effort kung Effort!!
KAIBIGAN / KAYBIGAN
-Sila ang mangungulit, mang-aasar, mang-gagago, mantitrip sa atin. Yung kapag nadapa ka ay pagtatawanan ka muna bago ka nila tulungan.
Yan ang mga pangunahing tauhan sa kwento ko.
Hope you enjoy it.
CHAPTER 1
"Torpe ka!!! Torpe ang hina-hina mo!
Bakit di mo masabi sakin na ako ang gusto mo!
Na ako ang mahal mo! Kahit sa gawa di mo maipakita,
Di ko nga alam kung bakla ka ba o talagang manhid lang"- Yan ang mga salitang binigkas ni Rhea na akala mo ay talagang may pinaghuhugutan at may karanasan na kung umarte sa harap ng mga kapwa studyante at sa mga guro nito.
Palakpakan ang mga manonood ng mayari ang performance ng mga miyembro ng theatro.
At sa pagbaba ng stage ni Rhea ay pumuwesto ito ng maganda upang mapanood ang mga mananayaw na akala mo ay eksperto at beterano na sa bawat kumpas, pitik ng kamay at kembot kasabay ng tugtog. Hindi pa naman nagsisimula sumayaw ay palakpakan na lahat ng manonood ngunit si Rhea ay seryoso lamang na nakatitig sa Leader ng grupo na si Marx.
Chinito ito, may katangkaran at talinong maipagmamalaki. Crush ng lahat kaya para kay Rhea ay Dream Boy nalang niya ito. In other words sa "PANAGINIP" na lang. 4th year high school na si Rhea bagong pakikibaka na naman sa mga puyat at pagod, sa mga rush na projects. Abala na rin ang bawat Clubs na mag invite sa mga studyante para sumali sa Grupo nila. Ngunit para kay Rhea ay di na nito kailangan pang mamili ng Club na sasalihan niya sapagkat magaling siyang sumayaw, kumanta, at umarte kaya't kung anong Club ang unang mag-iinvite sa kanya ay yoon ang sasalihan niya.
Naglalakad sa hallway ng 2nd floor si Rhea kasama ang kaklase nitong si Jhen ng may biglang pumaswit sa kanila,
Pssst!
Psssst!
Hindi lamang isa ngunit dalawang ulit pa kaya't palinga-linga sila sa paligid ngunit wala itong makita at ng pagharap nito ay nagulat siya at nang laki ang singkit na mga mata. Nakita niya si Dream boy niya at nang magtatangka siyang umiwas at umiba ng direksyon ay hinarang pa siya nito kasama ang mga barkada."Ms.Cortez, Sandali lang. Iimbitahan lang sana kitang sumali sa grupo namin may meeting mamayang 5:30pm hihintayin ka namin" nakayuko at nahihiyang pagkakasabi ni Marx.
Hindi nga binigo ni Rhea ang Grupo ng mga mananayaw. Sumali ito sa kanila at laking tuwa ng bawat isa lalong-lalo na si Marx na kulang na lang ay malaglag na ang puso kung nakadikit lamang ito ng Tape.
Hindi pinahalata ni Marx ang kasiyahang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Ngunit si Rhea ay nagkalakas ng loob na makipagkilala sa Dream boy lamang niya noon na ngayon ay abot-kamay na niya kaya't lumapit ito sa binata.