She hates me

583 16 4
                                    

~Gello's POV~

"Mercy, eto o! Binilhan kita ng pagkain! Mukang gutom ka na kasi" Aya ko sakanya, kanina pa kasi siya tulala kaya naisipan ko nalang siya bilhan ng pagkain

"ANO BA?! Pwede bang tumahimik ka?! Distorbo ka eh! At kakain ako kung gutom naman ako! Wag kang maingay!" Napayuko nalang ako sa sinabi niya, napatingin naman ako sa pagkain na binili ko, sayang naman...Ahh! Baka gusto niya ng juice!! :D

"Ahmm.. Eto nalang sayo! Masarap yan! Tinimpla yan para sakin ni mama" Sabay bukas ko ng takip at inilapit sakanya "Heto na" Nakangiti kong sinabi

*Splash*

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI NG TAHIMIK?! AKALA KO BA MATALINO KA?!" Sabay alis niya sa harapan ko, Naiwan naman ako doon na puro mantsa yung uniform at nakayuko, narinig kong nagbubulungan yung mga tao sa cafeteria

Siya si Mercy, mahal na mahal ko siya nang una ko palang siyang makita, ewan ko ba! Na love at first sight yata ako! Girlfriend ko na siya... Pero sinagot niya lang ako dahil napilitan lang siya, at rebound lang talaga ako para sakanya

Pero gagawin ko lahat para mahalin niya ako, at para malimutan niya si Jaz... Yung bestfriend ko

"Gello!" Napatingin naman ako sa tumawag sakin

"Oh! Jaz! Bakit?" Tanong ko sakanya

"Gimik tayo mamaya! Isasama ko yung iba nating classmate"

"Sorry pre, ihahatid ko pa si Mercy, baka ano pa yung mangyari dun" Nakangiti kong sabi sakanya

.

"Sayang! Teka... Ano nangyari sa uniform mo?" Kunot noong tanong niya, napatingin naman ako sa uniform ko, lumalagkit narin yung pakiramdam ko

"Wala, nahulog lang sakin, ang tanga ko kasi" At ngumiti ako ng mapakla, nasasaktan ako sa ginagawa niya pero mahal ko parin siya

"Sige pre! Una na lang ako!" At kumaway siya habang paalis

BZZZT! BZZZT!

From: Mercy

  Rooftop. NOW!

Nagtaka naman ako dahil una itong beses na nagtext siya sa akin, napangiti nalang ako at pumunta na sa rooftop

"Mercy?" Nakita ko siyang nakatingin lang sa langit habang naka upo sa bench dito sa rooftop

"Gello... I'm breaking up with you" Napa urong ako sa sinabi niya, marahas siyang tumingin sa akin na may galit sa mata

"Masyado kang paki alamero! Nakakasakal ka! Kung umasta ka parang boyfriend talaga kita! Rebound ka lang, Gello! Itatak mo yan sa kokote mo! Kaya iwan mo na ako!" Sigaw niya sakin, lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa kamay pero inilayo niya iyon

"Mercy... Please" Pagmamakaawa ko sakanya

"Stop" Lumuhod na ako sa harap niya at nagsimulang umiyak, ayoko siyang mawala... Mahal ko siya

"Mercy, mahal kita... Please! Wag mo tong gawin! Nasasaktan na ako!" Sabay hawak ko sa dalawa niyang kamay

"I.Don't.Love.You" Sabay bitaw niya sa kamay ko

Palabas na siya sa rooftop... kung yan ang gusto niya...

Ibibigay ko, ok lang kung ako ang masaktan... Wag lang siya

"Mahal kita Mercy, pero kung yan ang gusto mo... Alright, I will let you go"

.....................................................................................................................................

A/N: Hindi pa po ito tapos :)) hehehe... May kadugtong pa po ito ^^

ComVo ♡ ♡ ♡

I'm just a reboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon