**nine

6 0 0
                                    

"UWAAAAAAAA I hate you galit ako sa inyong tatlo!

eto po at nagwawala si Steffany sa harap namin ni Yannie at Vincent. Kinwento ko kasi sa kanila yung nangyari sakin nung Valentines, si Vincent bongga may sarili ding date akala ko matatagalan ang pag mmove-on niya kay Kenneth hindi pala aba, lumalandi agad. Si Yannie ayun umamin na may date din daw siya. At si Stef? Taong bahay sa kanila. Wahahahahahaha--loner ang lola niyo wa lovelife.

"chill Stef, wag kang emotera dyan, humanapka na kasi ng papabol mo ng may kadate ka na every valentines" -Vincent

"tse! kung iba-ibang lalake naman every Valentines wag na lang, igagaya mo pa ko sayo!" -Stef

si Yannie naman tawa lang ng tawa.

Naku, kung alam lang ni Stef, mahirap din naman ang pumasok sa relasyon.

"Teka bakit ba tayo magkakasamang apat diba may pasok tayo?" pagtatanong ko sa kanila.

"aba ewan ko?" -Vincent

"mga loka-loka talaga kayo, tara na nga sa school" -Stef

Pag dating namin sa school, magsisimula na yung 1st priod namin ng hapon, opo 1pm na. Hindi kami pumasok sa morning classes namin.

"bakit di kayo pumasok kanina?" bulong sakin ni Carlo

"wala tinamad lang"

"ikaww talaga" then piningot niya ilong ko, at naramdaman ko nanamang uminit ang muka ko  >////<

ano ba tong Carlo na to bakit ba ganito makapagreact ang katawan ko sa kanya?

buong hapon, hindi ko mapigilang sulyap sulyapan si Carlo. Minsan nga nahuhuli niya ko eh. Asar!

ano ba kasi!! Ano ba kasi!!

Oo na eto na! Sige na nga! Mahal ko na si Carlo ok? Maloloka na ko at gusto ko ng isigaw sa pagmumuka niya, kaso syempre nahihiya ako maririnig ng buong klase baka mamaya mapalabas pa ko ng teacher namin! Tapos kakalat sa buong school,

"yan yung babaeng napagalitan dahil sa kalandian"

Tse! Kalandian ba ang umibig!?

Baket kayo ba hindi paba kayo umiibig?

alam ko si Stef hindi pa, pero ikaw alam kong umibig ka na! Pero charing lang, hindi ko muna sasabihin kay Carlo no..wag muna excited?

umibig? watta word? lumalalim na ata ang dictionary ko ngayon ahh?

[Dissmissal]

"Clearners"

palabas na kami nila Yannie ng harangin ako ng isa naming classmate. Darn! Cleaner nga pala ako ngayon.

"Karen cleaner ka pala eh" -Yannie

"hintayin niyo" -ako

"sa baba na, nagugutom ako bibili muna kami sa canteen" -Stef

"sige" -ako

"ohh ayan tapos na, una na ko huh?"

"sige sige"

nagwalis lang ako ng classroom at inayos yung mga banggko then umalis na ko at pinuntahan sila Yannie sa canteen, habang nanakbo ako sa corridor may naka bangga ako.

"Karen?"

"Carlo?"

Guess? Dun pa kami nagkabungguan sa elevator kung san akisidenteng nag dampi ang mga labi namin >/////<

"nagmamadali ka ata?"

"yeah pupuntahan ko sila Stef sa Canteen eh"

"ahh ganun ba? tara sabay na tayo"

Dear Friends: My Crush Last Year (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon