**three

4 0 0
                                    

"San na kayo?" ayan sinend ko nanaman kay Yannie at Steffany. My gosh bakit ko pa ba sila tntext? Eh simula't simula pa lang ganito na ang routine naming tatlo. Si Steffany yung magsasabi kung anong oras kami mag kikita kita, ako yung unang dadating sa napagkasunduang meeting place then aftyer a couple of minutes dadating siya at tatanungin sakin kung nasan na daw si Yannie, then dadating na si Yannie at maglalakad kami papuntang school--so readers next time paalala niyo nga saking wag na silang itext. Sayang ang load.

Kahapon...pasado alasingko na ko nakauwi, after kasi naming mag mall ni Carlo, niyaya pa niya kong kumain ng isaw sa may plaza tapos may nagtutugtugan don kaya nanuod pa kami saglit. Parang date no? Nakakakilig wahahahahaha.

"Oh Payat nasan na daw si Yannie?"

"ewan ko itext mo"

See, pagkababa palang niya ng jeep at pagkalapit sakin yan agad ang tanong niya, apat na taon na naming ginagawa to ahh?

"oo nga pala anong giawa mo kahapon?" out of the blue namang tanong sakin ni Steffany.

Nag date kami ni Carlo. Choz

"wala lang, nag punta kong mall"

"kaw na mapera, anong ginawa mo don?"

"wala---ano ehh---niyaya ako ni Carlo eh" nakita ko namang nag ningning ang mga mata niya at binigyan nanaman ako ng mapanglokong ngiti "--I know what you're thinking! Wala lang yun wag kang mag isip ng kung ano-ano diba we need to know each other para sa project kuno na yun dahil Iniwan niyo ko sa ere REMEMBER!?" speaking about emphasize.

"hahahaha chill ka lang dyan, baka sakalin kita wala naman akong sinasabi ahh defensive ka masyado" nag poots nalang ako at mataimtim na inintay si Yannie.

"Goodmorning"

nasa classroom na kami, wala pa si Carlo, si Yannie at Stef naman pinag ttripan nanaman ako, kung ano-anong iniimagine na nangyari samin kahapon ni Carlo. Naku pag di ako nakapagpigil sswordin ko na talaga sila.

and yung nag goodmoring? Wala si Alex lang yun, boyfriend ni Yannie, or manliligaw niya or ewan, madaming lalake sa buhay yang si Yannie, minsan nga nababalitaan nalang namin na may ex na pala si Yannie na hindi naman namin alam na may naging boyfriend pala siya, Yang bruhang yan talaga masyadong malihim! Tumabi siya kay Yannie at naghalikan sila sa harap namin. Joke..wala lang umeeksena lang siya dito sa classroom namin, eh hindi naman namin yan classmate.

"goodmorning Karen" nabaling naman ang tingin ko sa lalaking tumabi sakin, It's Carlo

"goodmorning" nginitian ko naman siya.

"Ahhhhhhhh! Aalis na ko dito tawagin niyo nalang ako pag nandito na si ma'am out of place ako puro kayo love birds" pag eemote ni Stef at aalis na sana kaso huminto siya at tumingin ng masama kay Alex. "Hoy lalake, ikaw pala ang umalis hindi ka naman namin classmate eh, chuupi chuupi" hinila niya palabas ng classroom namin si Alex at nakabusangot na umupo ulit sa upuan niya.

"Hoy bakit mo naman hinila si Alex!?" Tanong sa kanya ni Yannie

"ihh loner kasi ako eh, anyways wag ka ng etchosera dyan sila nalang ang kausapin natin" humarap samin yung dalawa with a big smile in thier face. Uh oh.

"So how's the date?" Pagsisimulang tanong ni Stef.

"a-anong date pinagsasabi mo jan!?" gulat ko namang tanong, aba hindi na ko ikinahiya nito, baka mamaya isipin ni Carlo eh pinagkalat kong nag date kami kahapon? Excuse me???

"Ihh Carlo, nililigawan mo ba tong kaibigan namin?" hindi naman ako pinansin ni Yannie at si Carlo ang tinanong.

"Uy hinde ahh, para lang sa project yung ginawa namin kahapon, para next time di ko na siya maabala"

Dear Friends: My Crush Last Year (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon