Isang sem nalang si Tracy, graduate na sya. Hindi ko alam kung anong mafefeel ko, dahil una, ilang buwan na kaming 'dating' (wait, dating ba tawag dun?) -- oh whatever. basta, pero wala parin akong sinasabi sakanya. Basta sumasama lang ako pag kailangan nya ako, andyan lang ako na pwede nyang sugurin sa dorm o sa building o tawagan pag nagmamaktol sya dahil hindi sya nakakain dahil nagrereview sya. Andito lang ako palagi para sakanya, para makinig, para magpayo at para umalalay. Basically, si Tracy ang naging mundo ko.
Nagbago lahat, pag nagkakaayan uminom, nakasanayan ko ng magpaalam sakanya, kahit alam ko namang papayagan niya ko, dahil una dyan hindi naman kami, so ang katwiran nya 'Bakit naman kita pipigilan, eh may sarili ka namang mundo?' -- pero alam kong maiinis sya kaya hindi na ako sumasama. Pag nakita nya akong nagyoyosi sa Espanya, hindi nya ako sinisita, pero pag nakita ko ng umirap na sya sakin, ibig sabihin nun, naiinis sya kasi nagyoyosi na naman ako. Pag hindi ako nag-aral at nakita nyang may bagsak ako sa quiz, hindi kami magddate ng isang linggo kaya hinuhusayan ko nalang para may reward naman akong kasama ko sya tuwing weekends.
Masaya ako, sobrang masaya. Hanggang nitong sembreak, uuwi sya ng Pampanga. Hindi ko alam kung pano namin itatawid yung ilang linggong walang kita. Ako naman uuwi ako ng La Union for one week para makasama sila mama. Hiwalay kasi ang parents ko, si Daddy nasa QC lang pero hindi ako dun tumira kasi andun yung stepmom ko na nagfefeeling maganda, ('di naman talaga) kaya naisipan ko nalang magdorm. Si mama, kasama si ate Jean sa La Union, meron kaming business dun, coffee shop, si ate yung nagmamanage. Naikwento ko na lahat 'to kay Tracy, ultimo pinaka nakakahiyang nangyare sa pamilya ko alam na nya, at shempre yung kanya din.
Iniisip ko ngayon, paano naman ako pupunta ng Pampanga? Hindi pa naman ako ganun kagaling magdrive. Hindi pa rin naman alam nila ate na may dinedate na ako. Kinakabahan ako.
[Last day of 1st sem]
Tracy: Jim, uuwi akong Pampanga ah.
Jimmy: Okay.Tracy: Okay lang? I mean, yun lang sasabihin mo?
J: Ay ako din, uuwi akong La Union.
T: Ahhh. Oo nga pala, baka sumama sa bakasyon si Niel. (Bestfriend na lalaki ni Tracy)
J: Niel? Ahhh. Buong bakasyon?
T: Oo, doon na muna sya samin titira. Nagkaproblema sa Cagayan eh, ayaw nya muna umuwi. So, inoffer ko muna yung samin. Malapit lang naman.
J: pumayag na mama mo?
T: oo.Nakakainis. Kasama nya yung Niel na yun. Tss. If I know, type ni Niel yang si Tracy, nagtatanga-tangahan lang to.
Mga ilang minuto, tahimik lang ako. Kiniss nya ako sa cheek.J: Oh, ano yun? 'Di ba, usapan natin walang kiss, walang hug? Holding hands lang?
T: Bakit ba, tapos na yung sem, ni isang kiss wala? Grabe ka naman sa pagkaconservative mo!
J: Ayaw lang kitang mabastos. Ayoko lang pangunahan yung meron satin.
T: Jimmy, alam mo, 2 months na tayong dating, pero hindi ko alam kung mutual ba yung feeling natin. Nahihirapan ako.
J: What do you mean?
T: Ako, palagi kong sinasabi sayo na mahal kita, na mahalaga ka sakin, pero ikaw? Never kitang narinig na sinabihan mo akong mahal mo ko. Na mahalaga ako sayo. Na importante ako sayo. Meron ba talaga akong halaga sayo?
J: Eto na naman ba tayo? i-sspoil ba natin tong last day para lang dito?
T: Jim, sasabihin mo lang naman kung mahal mo na ba ako e.Wala akong magawa kasi totoo naman, hindi ko naman talaga maamin sakanya na mahal ko sya, bukod pa dun, hindi ko din magawang sabihin sakanya kung ano na ba papel nya sa buhay ko. Naghiwalay kami ng ganun lang. Nagkatampuhan.
So dahil natapos ang last day namin ngayon at magkaaway kami, pumunta ako sa dorm at nag-ayos na ako ng gagamit para makauwi na ng LaUnion. Pagdating ko sa dorm, nasa labas lahat ng dormmates ko.
Jimmy: Oh, anong meron? Bakit nasa labas kayong lahat?
Nathan: Naku, pre.Hindi ka din pwedeng umakyat!May beastmode sa taas!
J: Sino?
Kevin: Ewan ko dun sa babaeng yun. Basta pinalabas kami tapos sabi nya, walang aakyat.
J: Bakit naman daw andyan sya sa itaas? Babae? Ano yun girlfriend ng isa sainyo?
Kev: Ewan ko. Baka girlfriend ni Cholo yun?
BINABASA MO ANG
Dreaming with a Broken Heart
RomancePosible pa bang maging friends ang mag-ex? Posible bang minsan kahit magkaiba na kayo ng landas na tinatahak, mayroon parin sa loob na mga 'what ifs?' Andyan pa ba sa loob mo ang bawat salitang nabitawan kahit alam mong wala ka ng pag-asa? Samahan m...