CHAPTER 3: INTERVIEW PANEL SA POOL

1 0 0
                                    

"po? Boyfriend? N-naku hindi po!"

Sobrang nangangatog yung kamay ko kasi hindi naman talaga pero parang kami na nga diba?

"Baka naman nanliligaw, -- hindi ka ba nanliligaw?"

Nakakatakot kasi, ang laking tao nitong Tatay nya. Ang masakit pa dito, buong pamilya nya yung nakatingin at naghihintay ng sagot ko, well, pati sya nag-aabang ng isasagot. Pakiramdam ko tuloy para akong writer na inaabangan ng madla yung susunod kong ippress release. Nakakastress!!

"Ahh... Ano po kasi tito."

"Sumagot ka, nanliligaw ka ba sa anak ko?"

Sh*t, pinagpapawisan na ako ng malala, punyeta ang lamig-lamig pa dito. Lahat sila nakatingin, ultimo mga pinsan nyang maliliit, nakatingin. Hindi ko alam isasagot ko! Pag sinabi kong hindi ko sya nililigawan, baka sabihin naman ang sinungaling ko. Pag naman sinabi kong nanliligaw ako, sh*t, asaan ang effort dito?

Huminga ako ng malalim, sabay na ang mga dasal na inihain ko sa Lord. Guide me po!

"Ahhh, ano po kasi tito. Kaya po ako pumunta dito para po..."

"Para ano?"

"Para po sana ipaalam sainyo ng personal kung pwede ko pong.."

"Ano? Ituloy mo."

"Ahhh, ano po kasi Tito."

Sumingit sa eksena yung Kuya nya, jusko hindi ko alam kung mas nakakatense yung mga ginagawa nya ngayon sakin kesa sa pag-interrogate ng Tatay nila.

"Ikaw ba hindi ka magsasalita? -- Pumunta-punta ka dito tapos kinakausap kang maayos, ngayon hindi ka makasagot? Ano yun, nagsayang ka ng pamasahe papunta dito?"

Blah blah blah blah. I don't need to explain everything sa kuya nya. Kailangan kong mag-isip ng isasagot sa Tatay nya, pero mas over protective pa ang kuya nya kesa sakanya. Jusmiyo.

"Jared, shut the hell up. Hindi ikaw ang kausap ko."

Boom. Tahimik siya eh, kala ko iiyak eh. hehehehe!

"Aheeem. Ipapaalam ko po sana sainyo ng personal kung pwede pong ligawan ko si Tracy."

T*NG*NA! ANO BA YUNG PINAGSASABI KO!

Ngumiti yung daddy nya. Yung mga kuya nya ngumiti din. Yung Jared, 'di ako sure, napashot nalang eh HAHAHAHA.

"Ikaw palang yung lalaking pormal na nagtanong sa panliligaw kay Tracy. Sana pag-iingatan mo kung ano man ang maging desisyon nya"

Para bang ang saya-saya ng pamilya nila nung nalaman na nanliligaw ako sakanya at pati si Niel pumapalaklak. Daig ko pa ang pumasa sa Thesis Defense dun sa sagot ng tatay nya. 

Meanwhile, yung mga pinsan at kapatid naman ni Tracy nakatingin lang sakin.. Maya-maya pa, lumapit si Niel.

Niel: I thought hindi ka pupunta.
Jim: Ha?
N: She never expected anything from you, alam mo ba yun?
J: *Nod*
N: She loved you without any reason. Hindi nya inasahan na mamahalin mo din sya. Sana ingatan mo sya. I... I don't understand everything, to be honest.
J: Actually, itong pag-uusap natin ang hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin sa mga sinasabi mo ngayon? 
N: I love Tracy, second year college palang, but I never had the chance to say it to her dahil ever since naging kaklase ka niya sa PE, ikaw at ikaw palagi ang laman ng utak nya.
J: Kung nasaktan kita pare, hindi ko sinasadya.
N: No. Don't be. -- I'm just saying that you should love her ever more, love her more than anything in this world... And, I am happy for both of you.

Hindi ko inasahan yun, pero ramdam kong mahal talaga ni Niel si Tracy noon pa man. Napakasupportive na kaibigan, matalino, mabait, may respeto, mapakakatiwalaan. Kaya nga nagseselos ako eh, kasi alam kong pasok na pasok sya sa qualities na gusto ni Tracy, nagbubulag-bulagan lang para sakin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon