Firsts of First!

215 5 7
                                    

Madami akong naiisip ngayon.

Siguro sa sobrang daming nangyayari sa araw-araw ko, hindi ko maiiwasang mapaisip pa sa iba pang mga bagay ng malalim. Napakaraming alaala na nababaon, marami ring kasawian ang natatamo. May mga bago kang nakakasama, may mga nawawala din. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, iisa ang nangingibabaw na mahalaga - NATUTUTO TAYO.

Alfred nga pala pangalan ko. 16 years old, Pisces, at isang Fourth Year student sa Five Treasures High School. Siguro ewan ko lang kung bakit ko naisipan gumawa ng isang kwentong tutugma sa'kin. Siguro dala na to ng mas-malawak-pa-sa-universe kong imagination. Hindi naman siguro gan'on yun. Sadyang minsan lang talaga, kailangan ng isang tao na magkaroon ng outlet ng mga nararamdaman niya.

Masayahin naman akong tao. Sobra. Sabi nga ng mga kaibigan ko - sobrang babaw ng kaligayahan ko. Bakit pa naman kasi tayo magseseryoso sa araw-araw?

Pero sa lagay ko n'un, seryoso ako. Magtetwenty-hours na nga kasi akong gising n'un no? -_- (ikaw kaya!)

Nasa ospital kasi ako n'un, binantayan ko yung senior sa bahay namin. Wala nang kamag-anak eh, sino pang aasahan? Edi kami ding kasama niya sa bahay.

Ok. Back to the cream of the creams (which is me. XD), iisa lang naman ang naging laman ng imagination ko habang nagbabantay nun eh - ANG AKING PAGKA-THIRD WHEEL. (well, for other people, this may be an insult, but for me, its a little bit compliment. HAHA!)

Bakit nga pala ako naging third wheel?

Well-said naman sa prologue, WALA AKONG LOVELIFE. HAHA! Just to freshen up your minds.

Third wheel naman ako sa apat kong kaibigan - which are two pairs of couples! ( ARUCH! >_< )

Bestfriends ko kasi sila Austin at Amiel, tapos classmates ko naman since 3rd Year sila Rose at Rianne. Then etong si Austin, may gusto kay Rose, so does Rose to Austin. Then since 3rd Year naman, may pagtingin naman 'tong si Amiel kay Rianne. HAHA! Saklap no?

"Ano ba yan? Alas'tres ng umaga, walang nagtetext?" Tanong ko n'un sa sarili kong may katangahan na alam namang natutulog na yung mga kaibigan n'un. Aish. Sobrang boring kaya n'un. My earphones that time were not yet enough to conquer the boredom I am feeling that time.

Ohwell. I just mentioned that freakin' day (the Ospital Day) so that you know when I thought about this story.

Nagsimula ang lahat n'ung August 7,2013. Yun kasi yung unang araw na nagkaroon kami ng practice para sa Song Interpretation. N'un wala akong ka-ide-idea sa mga mangyayari. First of all, d'un nga kasi nagbago ang mga tingin namin sa isa't isa. Doon ata pinakanagbond ang samahan namin lima - kami-kami nila Amiel, Austin, Rianne, at Rose.

August 7, 2013

Nandito na kami sa bahay nila Jaycee. Well, around mga 17:00 na kami nakarating sa kanila. Medyo may kalayuan kasi yung bahay nila sa FTHS (Five Treasures High School). Tapos lagi pang traffic sa Pajo. Aish. Mamatay na ako, traffic pa rin d'un (well, srsly I don't care about that. -_-)

Nagustuhan ko yung environment ng bahay nila. Kahoy yung lapag nila, tapos elevated pa, then yung hangin na dala nung mga puno d'un, talagang nakakasaya at nakakagaan ng puso. XD

Labing-anim kami pumunta ng bahay nila. Kami-kami nila Boom, Jasmine, Margaret, Lyn, Emerald, Mark John, Johnny with his "doubtful" girlfriend Cindy, Andrea, and Jonalyn. Pero nakakainis lang si Boom, masyadong pa-importante. AYUN! Nagpaalam sa'kin, aalis na daw siya! First day pa lang naman ng rehearsals ehh, kaya pinagbigyan.

"Nandyan na yung choreo!" Sigaw sa'min ni Jaycee pagkabukas ng gate.

Takte yung choreo, bakit gan'un itsura? Ano? Yung totoo ba may leukemia siya? XD Sobrang puti na parang namumutla siya, may dala pang cigarettes! Hay naku!!

"Yung choreo, parang may leukemia. Naninigarilyo pa!" Bulong ko kay Johnny habang inaakbayan niya si Cindy. "Huwag ka ngang ganyan, masyado kang nagiging judgemental eh." Payo niya naman sa'kin.

Well, tama naman si Johnny. Impression kaagad kasi ang ipinaiiral eh. Siguro talagang stereotype na ang mga tao ngayon - we judge people by their nature. Kaya itutuloy ko na lang yung pagiging neutral ng aking thoughts about the choreo.

Bakla yung choreo namin, pero hindi siya yung uri ng baklang masasabi natin na low-class, yung kumbaga, hindi siya nagco-cross-dress, pero kapansin-pansin lang talaga yung suot niyang gloves and super-enclosed shoes. -_-" hindi ba siya naiirita or something?

"May allergy lang siya, kaya nagkakaroon siya ng mga sugat-sugat." Sabi naman sa'kin ni Jaycee habang tinuturuan kami sa pagsayaw.

Oo nga pala, yung sasayawin naman para sa S.I. (Song Interpretation [na dapat ay "Dance" Interpretation ang tawag] ) ay yung kanta ni Angelyn Quinto na "Piliin Mo Ang Pilipinas" . Well, that's a good choice. We can have our gaiety in dancing, we can enjoy ourselves.

Ohwell, back to the story. Mage-18:00 na nung umalis ako d'un, well, masyado maaga kasi nga I have a duty to work on my church, kaya umalis na ako n'un.

Bumalik na ako ng 20:00. Well, nagkasalubong kami ng choreo sa daanan, then he didn't give any words. Well, impression ko rin naman sa kanya ang pagkakaroon niya ng ugaling introversion.

Nang makabalik ulit ako sa bahay nila Jaycee, nagkakainan sila. Well, pakaing-bahay nila Jaycee yun para sa "amin" dahil nga birthday din ng Ate ni Jaycee. HAHA! Sineswerte nga naman ako oh?! Pero lahat sila, iisa ang sinabi pagkadating ko.

"NAGKAINAN LANG, BUMALIK NA?!" Well, they said that in chorus. Of course, for me, it was just a coincidence to go back there while they are about to eat.

"Hahaha! Coincidence. Well, swerte ko talaga, tsaka ngayon lang naman ganito eh. Pagbigyan niyo na lang ako." Paliwanag ko sa kanila. HAHA! Ano 'to, may pinaglalaban ka lang?! Tss. Napaisip din ako n'un.

Tapos na magkainan. Cake + Spaghetti + Chicken = Busog + Bowel ata yung naramdaman ko n'un. Bumalik na ako ng church to continue my church service there.

Aish. Ganito pa lang kami sa unang araw, kapaan ng mga ugali ng bawat isa. Pairalan ng impression. SUPER MINIMAL lang naman na kaplastikan. Madami pang undetermined factors na sadyang hindi ko lang mabanggit. Siguro pag ginamitan ko ng Ceteris Paribus yung sitwasyon kong ito, siguro eto ang factor na lalabas kung bakit ganito pa lang kami ng mga first days: Hindi pa namin gan'un kakilala ang isa't isa.

Well said. But I'm hoping that everything would be wider for us. We would be more open, more bonded, and more grown. Siguro this is also where the story will start, the time that we are bounded yet by acquaintance, then suddenly turn into friendships, then best-of-friends, and even L - O - V - E .

Well, another day for me to be thankful. Super saya ko ngayon kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganito - yung mga kaibigang ga'nun. Basta! It's just another undetermined factor - di ko masabi ehh. :D

Masaya ako. I will make sure that the days that will approach, will be treasured in my mind and heart. That's it, its almost 01:00 in the morning. Kakauwi ko lang galing church kaninang 22:00. #PagodMuch ika nga.

        --- --- --- --- --- --- --- --- ---

Hi Readers!

Well, I hope na-enjoy niyo kahit papano yung chappie01.

Sabihin niyo sa'kin kung nabored kayo. Ok lang~ Talagang ganyan lang kapag first chapter no?!  

Hahaha! This is it! An update for the TTWS:SNMLANW. XDD #MedyoTamadMagtype Btw, comments are now open!!!!!!!!!!!!! XD

#NowPlaying: Love Love Love - FT Island.

The Third Wheel's Story: Sila Na May Lovelife, Ako Na Wala! :/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon