*Maika's Pov
"Babe say aaaaah!"
"Aaaaaah." Sinubo sa akin ni Bruce ang french fries na kaninang sinawsaw nya sa chocolate sundae. "Mmm, sarap!" Bigla nyang kinurot ang cheeks ko.
"Ang cute mo talaga! Hindi na ako makapagtataka kung bakit kita nagustuhan. Mabait, thoughtful, understanding at sweet. Bonus na lang yung kagandahan mo!" Sambit pa nya.
I can't help but smile! Ako na 'ata ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa dahil sa boyfriend kong si Bruce.
"Alam mo Maika, minsan.. iniisip ko na hindi na ako magmamahal muli." Sabi nya. "Pero nung nakilala kita, gusto ko nang kainin ang sinabi ko! Ngayon lang talaga ako nag-mahal ng ganito." Sabi nya sincerely.
Nag-blush 'ata ako! :"> Kahit na kami na for a long time, crush na crush ko pa din sya. "May ari ka ba ng meralco? Kasi pag kasama kita, nakakaramdam ako ng spark." Sabi ko bilang ganti na ikinangiti nya.
Puro chikahan at sweet moments lang kami ni Bruce sa loob ng Jollibee. Sana nga tumigil na lang ang oras para makasama ko pa sya ng matagal!
KRING KRING
Phone 'ata ni Bruce. Hindi ko naman kasi dala ang cellphone ko eh. So, sa kanya nga.
"Hello?...... O-okay........ I'm coming don't worry, coach. Papunta na po ako dyan." Nag-rush si Bruce na kunin ang gamit nya at tumayo.
At saan naman sya pupunta? Sa gitna ng sweet moments and eating galor, ngayon pa sya aalis?
"Saan ka pupunta, Bruce?" Tanong ko. Nagmamadali nga sya sobra eh kaya nag-alala na ako.
"Biglaang praktis sa basketball. Sorry baby ah? Kailangan kong pumunta eh. I promise, babawi ako next time." Saad nya tapos ni-kiss ang cheeks ko.
Naiwan ako doon na naka-nga nga at disappointed. Ano ba yan, kung kelan moment na namin eh tsaka masisira. Oh well, uuwi nalang ako.
--Sa apartment ko, kaming dalawa ni Bruce ang magkasama. Hindi kami nagli-live in or something pero magkahiwalay naman kami ng kwarto.
At dahil wala na akong magawa, kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Kuya Miko ko habang wala pa si Bruce. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari ngayong araw. Yung kinilig ako, kinilig ako, at kinilig ako kay Bruce. Tuwang-tuwa lang ako habang kausap sya at alam kong natutuwa din sya sa'kin. Maya-maya pa ay in-end call ko na.
Sa hindi ko inaasahang pangyayari, bumuhos ang malakas na ulan. Hala paano na si Bruce? Aabutan sya nyan! Bakit ba kasi hindi ka pa umuwi Bruce?
At dahil sa kaba ko, pinuntahan ko na ang lugar kung saan nagpapractice sila Bruce para may kasama naman sya sa pag-uwi. Nag-jeep lang ako. Dalawang payong na ang dinala ko para sure.
"Bruce! I'm here!" Sigaw ko nung nandon na ako. Malayo pa lang, nakita kong matamlay si Bruce na naka-upo sa upuan. Isa-isa ring umalis ang mga ka-team nya kaya nagkaroon ako ng dahilan para mag-tanong kung anong nangyari.
Hinigit ko ang braso nung isang lalaking ka-team nya. Napansin kong lahat sila, basang-basa. "Kuya, tanong ko lang po. Bakit kayo basang-basa lahat? At bakit ang lulungkot ninyo, para kayong namatayan! Asan na ba si Bruce?"
Diretso pa ring nakatingin sa akin yung lalaki. "Ikaw yung girlfriend ni Bruce, right? Well, nakipag-away lang naman sya sa gitna ng ulan kanina. Inawat namin sya pero ayaw nyang magpapigil." Sabi pa nya.
Ano?! Nakipag-away?
"Ano?! Bakit anong bang nangyari ha?" Tanong ko pa sa lalaki.
"Ikaw na lang mismo ang magtanong sa boyfriend mo. Aalis na kami, wag na kayong magpagabi." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nung lalaki at tumakbo na ako papalapit kay Bruce. Magkasalubong ang kilay nya at ramdam ko ang galit nya.
BINABASA MO ANG
Relationship Rules
Non-FictionLife is too short. 'Wag itong sasayangin para sa galit at lungkot. Be happy and enjoy the times you spend it with your loved ones bago pa mahuli ang lahat.'Wag bibiruin ang panahon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Relationship Rules (short story) [...