Part 2

60 8 2
                                    

*Maika's Pov

Tiningnan ko sya sa mata. Yung parang duguan na sya sa matutulis kong tingin sa kanya. Ang laki pa ng ngiti nya. Aba, akala mo kung sinong lalaki, ang kapal naman ng mukha!

Hindi ko na kaya. Tumakbo ako papalayo sa kanya at lumabas ng pinto.

Kahit na ganito na ang nangyayari, umaasa pa rin ako ng akong habulin mo ako, Bruce.

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sakit sa dibdib. Nahihilo ako at hindi makahinga. Pero 'di ko na lang pinansin. Tumakbo ako ng tumakbo. Iyak lang ako ng iyak sa gitna ng kalsada. Hindi ko na din alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

*BEEEEP!!*

"Aaaaah!" Isang malaking ilaw ang bumulaga sa akin. Napapikit ako't napahiga.

"Hoy!" Sigaw nung lalaki. "Kung magpapakamatay ka, wag kang mandamay ng iba! Doon ka sa mataas na building tumalon at wag kang magpasagasa sa kotse ko!" Dagdag pa nya.

Natauhan ako nung nakita ko ang isang malaking grey na kotse na nasa harap ko. Takbo lang pala ako ng takbo kanina kaya ayan, muntik pa akong mabura sa mundong ito. Umalis yung kotse sa harap ko at pumunta sa kabilang street.

Bakit ba hindi na lang nya ako tinuluyang masagasaan?

"WHAT WE'RE YOU THINKING, MAIKA!?"

At anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Diba nakikipag-inuman sya doon sa mga kaibigan nya?

"Give me your hand." Sabi pa nya. I will never let my hands touch yours, Bruce.

Tumayo na lang akong mag-isa na hindi tinatanggap ang mga kamay nya. "Kaya ko ang sarili ko. Iwan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Tumalikod ako at iniwan na sya pero hinila nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Maika? Bakit bigla ka na lang naging ganyan?" Tanong nya. At sya pa ang may ganang tanungin 'yan! Natahimik ako. Mahirap talagang sabihan si luha na 'wag tutulo, pero ang kulit eh.

"Pwede bang ibalik ko sa'yo ang tanong mo?" Kalmado kong sinabi pero alam kong galit na ako. "Bakit sa dinami-dami ng araw na pwedeng pwede mong kalimutan ba't ngayon pang araw na 'to?" Sabi ko habang iyak na ng iyak.

"What's wrong with today? Tipikal na araw lang ngayon kaya wag kang mag-inarte." Masungit nyang sinabi sa'kin.

"Hindi ako nag-iinarte, Bruce. Nakaka-disappoint ka na!" Sabi ko sa kanya na pasigaw na.

"Look, Maika. You just made my friends leave the house because of you. You are the one who is disappointing!" Sabi ni Bruce.

Oh really?!

"Talaga Bruce? Inuna mo pa yung mga kaibigan mo kaysa sa Anniversary natin!! I thought this day will be filled with happy memories of the past, and bright hopes for the future! Pero nagkamali ako..."

Kita sa mga mata nya na nagulat sya. Oh see? Ngayon lang nya na-realize na anniversary naming dalawa. What a boyfriend!

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at mukhang nagmamakaawa. "Sorry baby.. I'm very very sorry.."
Gusto kong magalit sa kanya ng sobra-sobra pero 'di ko pa rin magawa. Until now, ramdam ko pa rin ang tibok ng puso ko para sa kanya.

"I'm not a perfect boyfriend." Panimula nya. "I make mistakes, I hurt people but when I say sorry.. I mean it. Sorry baby. I promise I'll never do this again." Sobra akong naawa sa kanya. Sa kabila ng lahat ng nagawa nya, patatawarin ko pa rin sya.

"Sorry baby. Even if it takes a million times of begging for your forgiveness.. I will never give up." Lumuhod sya. Mas lalong nagpakawala si luha ko.

Relationship RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon