Part 3

52 8 1
                                    

*Maika's Pov

Kasalukuyan akong naghihintay kay kuya Miko na puntahan ako dito sa StarBucks. Paano kaya kung malaman ni Kuya 'to? For sure baka sugurin pa nya si Bruce.

Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Maya-maya pa ay nakaramdan ako ng pananakit ng dibdib at pagka-ubos ng hininga.

Nanghihina na ako. The next thing I know is nakahiga na ako sa sahig.

"Maika? Maika? Kuya's here! Wake up!" Tsaka ako nawalan ng malay.



*Bruce's Pov

Hanggang ngayon naiinis pa din ako kay Maika. Sirain daw ba ang party ni Mark? No way.

Halos 1 linggo na ang nakalipas matapos ang birthday party ni Mark. And you know what's more annoying?

Hindi na talaga bumalik si Maika dito sa apartment. Kung ayaw nya wag nya! As simple as that! Nakakainis na sya talaga! Wag nya akong ite-text ha? Wala na ang 'kami' kaya dapat total strangers na lang ang tratuhan.

ONE TEXT MESSEGE RECEIVED

From: Maika
Baby, pwede bang bisitahin mo ako ngayon dito sa bahay? Kailangang kailangan talaga kita. I love you, I will love you in an endless time!

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagpapabebe na naman sya. Akala ba nya, pupuntahan ko sya sa bahay nila? Hindi ah! Imbes na replyan sya, umupo na lang ako sa lamesa para kumain ng hapunan.

ONE TEXT MESSEGE RECEIVED

From Maika:
Baby, my joke ako sa'yo! Knock knock! (Who's there) Lasengga. (Lasengga who?)
All LASENGGA ladies. All LASENGGA ladies so put your hands up! Hahahahah! Pinapatawa lang naman kita!

Galit pa ako sa kanya pero dahil sa tinext nya, napangiti ako. I kinda miss her. But still, ayokong mag-reply sa kanya.

ONE TEXT MESSEGE RECEIVED

From: Maika
Baby, kung ayaw mong mag-reply sa'kin, ayos lang. Basta itong tatandaan mo, palagi mong iisipin na nasa tabi mo ako kahit na ano pang pagsubok ang tahakin mo. Mababantayan na rin kita, Bruce! Maghintay ka lang! =)

I finished my food and went to my room to sleep. Pero kahit na anong gawin ko, hindi maialis sa isip ko si Maika.

ONE TEXT MESSEGE RECEIVED
From: Maika

I love you baby, and I will love you in an endless time! Bye bye, see you soon!

Anong ibig nyang sabihin? Pupunta na ulit sya dito? Sabi nya kasi, see you soon eh. Natulog na ako. Pero hindi rin pala madali. Ang likot ko na sa kamang 'to at parati ko pa ring naiisip si Maika. Ano na kayang ginagawa nya ngayon?
--

Mula kagabi, hindi ko parin alam kung anong tumatakbo sa utak ni Maika at 'di parin sya umuuwi. Nag-aalala na ako pero saan ko naman kaya sya mahahanap?

I got an idea!

Pumunta ako doon sa bahay ng mga magulang at kuya Miko nya. Noong makarating ako doon, sumalubong sa akin ang isang matandang babae, na sa tingin ko ay yaya nila.

"Ano pong kailangan nyo sir?" Tanong nung matanda na nasa pinto.

"Nandyan po ba si Maika? Gusto ko lang po sana syang maka-usap." Sabi ko.

Umiling-iling sya. "Wala po sila dito, sir. Nandon po sila sa St. Luke's medical center. Mas mabuti po siguro kung doon na lang kayo dumiretso." Sabi nung matanda.

Hah? Bakit kaya? Wala akong nagawa kundi pumunta doon sa St. Luke's Medical Center.

"Miss, may tanong lang po ako. Nasan po ba ang room ng De Castro?" Hindi ako sure kung sino ba talaga ang na-ospital sa pamilya nila kaya ang sabi ko na lang ay De Castro para buong family na.

Relationship RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon