Chapter 1

9 0 0
                                    

[Cataleya]

"Azelia please kumain na tayo nag re reklamo na mga alaga ko eh"

Pag talaga ikaw sumama sa lakad nitong si Azelia eh mamamatay ka muna sa gutom bago pa maawa sa'yo jusmiyo "Cat, last shop. Please"

"Kainis ka sige na nga bilisan mo ha at ako bahala saan tayo kakain"

"Okaaay!" pumasok kami sa Chili. Mamahalin, halata naman sa itsura ng shop. "Cat, this .. or this?" isa isa niyang pinakita ang dress na itim at puti sakin.

"Both" kinuha niya nga ang dalawa yaman eh

"San tayo kakain Cat?"

"Chowking!"

"Masaya ka na nyan Cat?" napairap na lamang siya't tumawa at dumiretso na sa counter.

"Here's your order" napatingala ako sa crew na naghatid ng order namin. Si Aze nasa may lalagyan pa ng utensils kaya ako dito kumukurap nalang sa tabi kaharap ng isang perpektong nilalang

"Oy bes tunaw na o!" pagputol ni Aze sa titig ko kay pogi at tumawa pa ang bruha.

"Yung halo-halo bes tunaw na" iniirita niya talaga ako sagad

"May kulang pa ba?"

"ah wala na kuya salamat" umalis naman agad si kuya crew

"Tao ba yon? Ang perfect niya Aze"

"Tama na kakatitig pinagtitinginan ka na ng mga kasama niya at isa pa para lang namang napilitan yon eh"

"Ano ka ba Azelia syempre naman napilitan yan eh pang model yang ganyan oh pang international yung level niya Aze tapos magsisilbi lang siya sa isang katulad natin?"

"Baliw ka kumain ka na nga!" nabatukan pa tuloy ako eh sa totoo naman eh pasok to sa Next Top Model kung sakali talaga eh

"Tigil na kasi kakaisip Cat"

"Aze, balik ulit tayo dito ha"

"Di ka ba tumitingin sa paligid? Bes andaming babaeng kaedad natin o halatang siya ang inaabangan nila wala na bes bagsak na ang Jollibee nito kinabahan na ang bubuyog bes!"

"Wow wag mo ismolin ang Jobee bes ha childhood fave ko yon haha"

Napatingin ako sa paligid, tama si Aze ang daming magaganda at mas presentable kesa sa'kin.

Napabuntong hininga nalang ako. Mukha siyang suplado at walang galang pero kasi ang kisig niya eh at mukha namang mayaman talaga mas makinis pa nga sa'kin e

"Tama na nga Cat kakaisip hahaha"

"May crush na ako Aze!!"

Inirapan niya lang ako tsaka hinatak na palabas wow panira talaga kahit kailan hays

If you ever come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon