Chapter 2

8 0 0
                                    

[Cataleya]

Nakakabagot dito sa unit ko. Mag grocery kaya ako? Hmm o kaya ay bumili ng damit para sa linggo ng unibersidad hays

Nagsuot ako ng jacket tapos nakasabit yung hood sa ulo ko, umaambon kasi sa labas.

"Kuya, sa may sm lang po" sabay abot ng bayad ko. Tama kakain nalang ako kasi wala akong hapunan sa bahay

Dumeretso ako sa chowking at umorder nang nakayuko, baka makita kasi ako ni Kuya at maalala ang kahihiyan ko jusko

Nasa parehong upuan lang ako since yun lang din ang table na bakante tapos malinis naman.

"I'm just gonna put it here"

Di ako umimik at nakayuko parin. Kilala ko ang boses bes

"May kulang pa ba?"

Ayan na naman tayo sa tanong na yan eh leche

Umiling lang ako at nakitang humakbang na palayo ang mga paa na kanina ay nasa harapan ko. Shet nagugutom na ako.

"Free, take this" sabi niya at nilapag ang halo-halo sa mesa ko. May tattoo siya sa wrist na krus na maliit lang.

"Sa-salamat" tangeners nautal pa ako harujusko di parin siya umalis. Yuko ka lang cataleya wag na wag kang titingin sa mapapangasawa mo balang araw

Sinilip ko ang paligid, konti nalang ang kumakain tapos yung iba paalis na. Malapit nang maubos ang pagkain ko pero may halo-halo pa.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para makita ang mukha niya. Nakahalukipkip lang siya tapos seryoso ang mukha kaya napakagat ako sa labi ko.

"Ah may kailangan ka pa ba kuya?" umiling lang siya na parang nagdadalawang isip tapos tumalikod at umalis na

"Shit!"

Di ko masyadong narinig pero parang close to "shit" lang yon.

Ako nalang ang kumakain. Alas otso kasi magsasara ang mall tapos nang tinanaw ko ang wrist watch ko, 7:45 na.

Binilisan ko ang pagsubo sa malamig na halo-halo. Bat ba may free? Anong meron ngayon? Kelan pa may free sa chowking? hmm

Tumayo na ako sabay lagay ng hood sa ulo ko.

Nakarating naman akong buhay sa unit ko, yung driver kasi kung makapaharurot ng takbo parang liliparin na ang kaluluwa ko jusmiyo

Nanood nalang ako ng movie para makatulog. Two days straight ko na siyang nakikita. Napaka misteryoso
talaga ng taong yon at mas lalong gusto ko siyang makilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If you ever come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon