Prologue

29 3 4
                                    

Dedicated to : criticizingbeauty

Summer feels. Cold water, warm sea breeze. At tutok na tutok sa akin ang araw. Perfect. I want this new look sa opening ng class. Nakakasawa na rin kasing maging maputi. I wanna slay this color which is tan.

I'm staying under the sun for about an hour. I badly wanted to stroll. And as decided, nilibot libot ko ang tingin ko sa beach house namin. Pamana ni lolo sakin kahit di pa siya namamatay. He wanted me to be independent that's why binigay na niya sa akin ng maaga. After kong nilibot ang tingin ko, may nahagip ang aking mga mata.

Maputi pero manipis na bahagyang naka baon sa buhangin.

Nilapitan ko ito at medyo nagtaka.

Akala ko ba ako lang ang naninirahan dito?

Dahan-dahan kong pinulot ang maputi at manipis na bagay at nakitang may mga notang nakalagay dito. Di ako tumutugtog pero alam ko kung paano magbasa ng nga nota. Mukhang composition ito.

Sa tagal ng titig ko, may narinig akong musika galing sa kabilang lupain. Wala naman harang o ano kaya sinundan ko ang musika hanggang sa palakas ng palakas ito. Naririnig ko na ng matiwasay ang bawat notang pinipindot niya.

Inangat ko ang tingin ko at nakitang may kulay puting bahay na naka tayo dito. Kumatok ako ngunit ni isa walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod habang dinadama ang tunog na lumabas galing sa piano.

No words can define his music.

Napapikit ako ngunit napadilat din dahil napatigil siya sa kanyang pagtugtog at unti unti niya akong tinignan.

A Story That Has Naver Been ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon