G cleff

17 1 0
                                    

Dedicated to : Kristelele19

I woke up in the middle of my dream. AGAIN. Palagi na lang ganyan yung nangyayari. Sa bawat tingin ng lalaki sa aking panaginip, bigla na lang akong magigising. I can see him clearly kapag nananaginip ako but not when I'm already awake. Everything becomes blurry. Nagsimula itong misteryo noong natutunan ko nang magbasa ng nota at magtugtog ng intrumento.

Beach house? Notes? Sino ba talaga siya? At bakit ko to napapanaginipan palagi?

I need to get the thought out of my head.

I looked at my alarm clock at whip! Alas siyete na! May tuturuan pa kong bata mamayang alas otso. This is my first time being a tutor at about music pa and i only got one freakin' hour para magbihis! Di ako sanay mag half bath pero dahil mukhang male-late ako, kelangan talaga para mas mabilisan. May 20 minutes pa kong itatravel.

Darn! This is frustrating!

Saan ba susuotin ko? Yung white floral dress o yung plain black Adidas na dress? Kung white? Parang ikakasal ako, kung black naman, parang aattend ako ng lamay. Bahala na nga! Yung black na lang. Emo 'kuno' and I'm gonna pair it with my sneakers tutal tutorial lesson naman pupuntahan ko, hindi date.

After kong mag half bath, mabilis akong nagbihis at naglagay ng onting black accessories. Manghuhula ang aura ko ngayon. Last minute, tinignan ko ang sarili ko sa aking salamin. Okay na to. 7:38 na!

Mabilis akong bumaba at kinuha ang car keys ko. Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kotse ko. It was black 2013 Ford F-150. I hopped in at mabilis itong pinatakbo sa aking paroroonan.

Noong medyo malapit na ako, may napansin akong sign na nakalagay mismo sa tapat ng bahay nila.

Leighier?

Leighier, eh? Familiar sakin pero di ko alam kung saan ko narinig ang apelyidong iyon.

Dahan-dahan kong pinark ang kotse ko. Tinignan ko ang relo ko at parang nabunutan ng tinik. Phew! Goodness gracious! 7:55! I'm 5 minutes early.

Bumaba kaagad ako sa aking kotse at napatingin sa magarbong mansyon nila. Modern pero may pag ka sinanguna ang dating. Baka in-upgrade lang. Oo, inaamin ko malaki din bahay namin kasi syempre semi-mansion pero ito? Darn. Mansion na mansion talaga.

Sinalubong ako ng isa sa mga tauhan nila. Matanda na siya at mukhang matagal nang naninilbihan dito. Base pa lamang sa uniporme, alam ko nang isa siyang mapagkakatiwalaang katulong. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Tumigil siya sandali at tinakpan ang kanyang labi.

Is there something wrong with my face? Sa pagkakaalala ko, manghuhula yung aura ko ngayon. Hindi multo.

Nabigla ako nung nakita kong nasa harapan ko na siya. Pinagpagan niya ang damit ko at inayos niya ang aking sarili na para bang anak niya ako.

"Uh, nay? May problema po ba?" Nagaalinlangan kong tanong. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at tinignan ako

"Wala iha, osiya! Hali ka na at hinihintay kana nila sa loob" nauna siya sa paglalakad at sinundan ko ito. Nilibot ko ang aking sa mismong mansion. Luma na siya pero ba't feeling ko nanirahan ako dito ng kay tagal tagal? Iba eh. May kung ano sa kaloob-looban kong gustong sumigaw. Yung tipong alam ko ang bawat detalye ng bahay na to.

"Senyora-" tawag nung matandang katulong sa akin. Tinignan ko siya at para bang may mali sa tinawag niya sa akin

"Ho?"

"Esta ma'am, mag hintay lang muna kayo diyan at tatawagin ko yung magulang ng tuturuan niyo" mabilis din kaagad akong tinalikuran.

Weird.

Di dahil sa kinikolos ni Nanay kundi dahil sobrang comfortable ako dito sa mansion mismo.

Kinuha ko ang iPhone ko at ang earbuds ko. I plugged in it my ears and i scrolled sa playlist ko. I decided to listen to Blue For Labrusca. I listen to this song almost every time. The instrumental is just so good for my eardrums.

I close my eyes as i sit back and relax habang wala pa yung mga may ari. Talagang matagal pa bago mo mahanap mga tao dito. Sa laki ba naman nitong bahay.

I was half way of the song nung may kumalabit sa akin. Dali-dali kong minukat and aking nga maya, kinuha ang earbuds nakakasaksak sa aking tenga at umayos ng upo.

Yumuko ako dahil nahalata kong medyo kanina pa sila naka-upo sa sofa'ng nasa harap ko.

"Sorry Ma'am" pagpapaumanhin ko.

Bahagya itong tumawa at tinignan akong mabuti.

"Don't worry. Feel at home. By the way, are you the music teacher?"

"Yes Ma'am. I'm your son's music teacher"

"Oh, Okay. We're glad to have you here. What's your name?" Masigla nitong tanong

"I'm Maelaide Scoughl but you can me Maddie, 19" inilahad ko ang aking kamay hudyat para makipag shake hands at kinuha rin niya ito

"Unique name. Mine's Georgia Leighier. It's lehy-ha. How do you pronounce your name? Is it M'lady Soul?"

"It's actually Ma-layn Scowl. If you don't mind my asking, where did the people go?"

"Oh, yeah. But before that, follow me first. I'll bring you to the music room. My son's waiting in there"

Tumayo siya at naglakad habang sinusundan ko ang bawat yapak ni Ma'am Georgia.

" As you can see, iilan lang ang tao rito sa mansion. Yung mga katulong, butler, my husband, and my two sons. Wala ngayon yung asawa ko dito dahil nagtungo siya sa Canada for his business meeting while yung isang kong anak, - not the one you'll be teaching - yung panganay, same age with you ay palagi nalang nasa kwarto. Lalabas lang yon kung manunuod ng TV, kakain o magtugtog" Mrs. Georgia's family fine. But her son caught my attention.

"Tumututog po?" Ulit ko

"Yep. He's playing instruments too. Like you"

"Tumutugtog din pala siya. Sorry for asking this Mrs. Georgia pero bat niyo pa po ako kinuha if there's someone who can teach your son?"

"Well, Maddie, Maikli kasi pasensiya ng panganay kong anak at ito namang si bunso, eh sobrang makulit. He can't stand his younger brother so he told me to hire a personal music teacher. Luckily, i picked you"

Di na ako sumagot pero curious talaga at sa panganay niyang anak. When i heard the word same age with me at tumutugtog, i automatically felt butterflies in my stomach and i dunno why. There's really something with this guy.

"Here we go Maddie" sabi ni Mrs. Georgia nung nasa tapat na kami ng music room. "I really hope na habaan mo ang pasensiya mo sa bunsong anak ko" was her last words at naglakad na siya palayo sa akin.

This is it Maelaide! Grab the opportunity.

I twist the knob at dahan-dahang pumasok sa loob. I saw this little kiddo trying to play the piano but he's not alone.

He's with his annoyed older brother.

A Story That Has Naver Been ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon