Flashbacks

93 4 5
                                    

'Hindi pwede ang batang iyan ay mamalagi dito sa kalangitan' sabi ng isang matandang lalaki na nangangalaga sa kalangitan

'Pero anak ko siya! Hindi ko sya pwedeng ipatapon sa lupa kung saan naninirahan ang mga tao! Baka saktan sya duon!' Sabi ng babae

'Lumabag ka sa patakaran natin Anghela, umibig ka sa kawal ni Satanas, hindi ko papayagan na ang anak niyong yan ay mamalagi rito. Ayoko mabahiran ng kasamaan ang kalangitan anghela alam mo iyan' sabi ng matandang lalaki na ngangalaga sa kalangitan.

'Pero hindi ako makakapayag duon, aalagaan ko sya. Hindi ko hahayaang mabahidan ng kasamaan ang ating kaharian, ipinapangako ko po iyon' sabi ng babae.

'Mamili ka anghela, ipapatapon mo ang anak mo sa lupa o ipapapatay ko iyang anak mo' sabi ng matanda

'Huwag po, nagmamaka awa ako sainyo. Pagawa niyo na lahat wag niyo lang ipapatay ang nag iisa kong anak' sabi babae

'Hindi ko papatayin ang anak mo, kung ipapatapon mo sya sa lupa' sabi ng matanda

'Mas pipiliin ko po na ipatapon sya sa lupa kesa ipapatay niyo sya. Aalis na ho kami' sabi ng babae

Umalis na ang babae kasama ang tatlong taong gulang nyang anak. Habang nag lalakad sila sa ulap. Naisip niya na may kalahi siya na naninirahan sa lupa. At naisip niya na dun na lang nya papadala ang anak nya hatid ng ipo-ipo. Hindi sya pwedeng makita ng mga tao sa lupa. Kaya ipapahatid niya ang anak niya sa ipo-ipo.

Humarap sya sa anak niya at sinabing.

'Anak hindi ka maaaring mamalagi rito sa kalangitan, ipapa-patay ka kapag namalagi ka pa rito' sabi ng babae sa anak niya.

'Pero ina, panu po kayo rito. Makakaya ko po ba na mabuhay sa pupuntahan ko na wala kayo?' sabi ng anak niya sakanya.

'Huwag kang mag alala anak, may mag aalaga naman sayo ruon.' sabi niya sa anak niya sabay hinawakan niya ang sintido ng ulo ng anak niya.

Kaya niya hinawakan ang sintido ng ulo ng anak niya ay para mabura ang lahat ng alala nito, may kapangyarihan sya na makapagbura ng alala.

Nawalan na ng malay ang anak niya at inilagay niya na sa ipo-ipo ang anak niya. At inilagay niya na rin ang sulat na ginawa niya kanina.

'Mag iingat ka palagi anak, hinding-hindi kita makakalimutan.' Bulong niya sa anak niya sabay halik sa noo nito.

Nag lakbay na ang ipo-ipo at nakarating na ito sa lugar kung saan ipinadala sya ng kanyang ina.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hope you like it.

Those Eyes Of Her Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon