Iba ang Acceptance sa Napilitan

63 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay, diretso na ako sa kuwarto ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Sino ba kasing nagpauso ng long distance relationships? Sabi nila, kapag nasa LDR ka, lalong tumatatag ang love ninyo sa isa't-isa dahil doon mapapatunayan na kahit magkalayo kayo at marami kang makilalang ibang tao, sarado ang puso mo sa iisang tao. Doon sa naiwan mo. Sabi naman ng iba, kapag napalayo na sayo ang mahal mo, malamang magbabago na ang ikot ng mundo.

Hindi naman alam ni Tyrone na may trust issues ako sakanya. So in a way, nagiging unfair din ako sakanya. Siguro iniisip niya na ngayon na makasarili ako at ayaw kong matupad niya ang matagal na niyang gusto. At siguro tama siya. Or siguro kasi wala akong experience sa ganito. Wala naman na akong ubang dating karelasyon na napagpraktisan pagdating sa ganito. Wala naman akong naging ibang boyfriend kundi si Tyrone lang. Gusto ko siya na ang first and last ko. Pero alam ko naman ng trial and error ang isang relasyon. Hindi pwedeng ipilit ang hindi pwedeng mangyari. Sino ba naman ako para humadlang sa mga pangarap niya? Girlfriend lang naman ako. May limitations parin ang mga bagay na pwedeng kong pakialaman sa buhay niya.

Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?

Nag-research din ako tungkol sa University na paglilipatan kay Tyrone. Mukhang mas exclusive lang ng konti compared sa school namin, Malawak. Maganda. Malayo. Pero sa taong nagmamahal, ilang minuto lang ang 9 hours na biyahe, Kung gusto palagi namang may paraan. I can pay him a visit naman siguro kahit twice a month. Sa ngayon, 50-50 parin ang nararamdaman ko sa situation na 'to. Sabi ng utak ko, wala akong dapat ikatampo. Sabi naman ng puso ko, ayoko ko talaga siyang mapalayo sakin. Sabi ko naman sa sarili ko, may magagawa pa ba ako? Magpanggap kaya ako na may terminal disease at may taning ang buhay para huwag na siyang umalis? Hay naku, Camille. Sira ka talaga.

Ilang araw ko ding hindi pinansin si Tyrone sa school. Hindi ko nireplyan ang mga texts niya at hindi ako sumagot sa mga tawag niya. Kahit mga messages sa Facebook hindi ko binasa. Basta ayoko muna siyang makita. Baka sakaling magbago isip niya at umatras siya sa project.

Saturday morning, nagtext siya sakin.

Babe today na campus tour ko. Leaving at 8am. Sama ka?

Hindi ako nagreply. After 5 minutes, tumawag siya. Hindi ako sumagot. Nagtext ulit.

Samahan mo ako hanap ng tutuluyan kong pad?

Hindi parin ako nagreply. Tumawag siya ulit. At syempre hindi ulit ako sumagot.

I want u 2 come para alam kung san mo q dadalawin :) leaving at 20 to 8.hope 2 see u.

Syempre hindi parin ako nagreply. Tumingin ako sa orasan. 6:36 am. Hmm. Bakit kaya hindi ako magpaka-positive sa situation tulad ni Tyrone?

Agad na akong bumangon at sumugod sa shower.

7:30 palang nasa harap na ako ng school kung saan nakaparada ang van na gagamitin nila Tyrone para sa Campus tour. Halos magkadurog-durog na ang strap ng bag ko sa higpit ng hawak ko. Lalabas na ata ang baga ko sa ilong ko kakahinga ng malalim.

“Sabi ko na nga ba darating ka eh.”

Nakatayo na pala si Tyrone si likuran ko.

“Well, I just want to make sure na maganda ang pad na lilipatan mo.”

“So pumapayag ka na na umalis ako?”

“Hindi naman permanente yang pag-alis mo diba?”

Ngumiti lang si kuya at umakbay sakin.

“Tara, sakay na tayo.”

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa haba ng biyahe. Pag gising ko, 4:30 na ng hapon. Tanaw ko na ang naglalakihang mga building ng University of SA.

“We're almost there.” sabi ni Tyrone.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago kami bumaba ng van. Mahirap nang matalbugan. Magaganda ang mga estudyante dito.

Mineet namin ang Student Council President ng Campus nila na magto-tour samin. Malamang ako din ang gagawa nito sa student na papalit kay Tyrone sa school namin. Iginala niya kami sa bawat building, sa gym, at kung saan-saan pa para maging pamilyar si Tyrone sa environment ng school.

After the Campus Tour, humanap kami ng apartment na tutuluyan ni Tyrone dahil hindi namin feel ang dorm na ni-recommend sakanya ng school namin. Dahil gabi na rin at malayo pa ang uuwian namin, nag-decide kami na magpalipas nalang ng gabi sa apartment na kinuha namin. Buti nalang at fully furnished ang bahay. May TV naman kaya hindi kami maboboring. Nag biyahe na pabalik ang van na naghatid samin dito dahil may service daw siya bukas at babalikan nalang kami dito, kaya dalawa lang kami sa bahay.

Nasa malayong lugar kami at dadalawa lang kami sa bahay. Nagsimula nanamang maglakbay ang isip ko sa kung ano-anong bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon