LDR? I Don't Think So..

71 0 0
                                    

Hindi ko parin lubos maisip kung bakit sa dinami-rami ng Campus athletes na qualified at walang maiiwang girlfriend, bakit kaya si Tyrone ang napili nila? Dahil ba sa sobrang atat kong ipasa ang project na 'to, siya ang magiging kapalit?

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko pero parang wala akong lakas na hugutin ito mula sa mala-basurahan kong bag.

Si Tyrone, nagtext.

babe i have news 4 u. meet me sa shed.

Alam ko na kung anong news iyon. Pero patay-malisya nalang akong pumunta sa shed. Malayo palang ako, tanaw ko na si Tyrone. 

"Hi babe." sabay halik sa pisngi ko. Bakit parang ang saya ata niya?

"You look happy. Anong meron?" kunwari walang alam.

"I was chosen for the Exchange Student Program! And I was told na you came up with that project daw. Genius talaga ang babe ko,"

Seryoso? Excited siya?

"Wow. Talaga? Hmm..kailan ka daw nila ililipat doon? At saang school?"

 "Saint Anthony University!"

"What? Bakit doon? Ang layo kaya!"

Teka nga. Wala sa usapan 'to ah. Hindi ba nila naisip na almost  9 hours ang biyahe papunta doon mula dito? OMG. 

"Next weekend may Campus tour daw tapos may endorsements. Of course maghahanap ako ng tutuluyan ko doon. Sama ka?" sabi ni Tyrone.

"Eh di lalo naman akong nalungkot nun."

"Camz, alam kong iniisip mong magkakalayo tayo. Pwede naman kitang tawagan from time to time. Pwede naman tayong mag Skype. Maraming paraan. Ang mahalaga hindi mawala ang communication natin. 'Yon naman ang kailangan kapag long distance relationship diba?"

Paano ko kaya sasabihin sakanya na hindi ako naniniwala sa long distance relationship na yan?

Umakbay sakin si Tyrone nang makita niyang naka-simangot ako. Pumadyak-padyak kaya ako at maglupasay para wag na siyang tumuloy?

"Camz, alam mo namang matagal ko nang gusto ito diba? Tsaka gagawin ko 'to para sa dito sa school. Para na din sayo. Dagdag sa recommendation mo 'to."

"I know. Pero papano naman ako?"

"Diba nga we will keep our communication?"

Che. Kainis. Palibhasa naplano mo na lahat. Hindi mo man lang tanungin kung gusto kong umalis ka. Kainis talaga!

"Hindi mo kasi naiintindihan eh." I told him.

"Eh ano gagawin ko? Hindi ka ba masaya para sakin? Ang tagal kong naghintay ng ganitong opportunity, papalampasin ko pa ba 'to? Promise, kapag nandon na ako tatawagan kita araw-araw."

"I have to go."

"Camille, wag ka namang ganyan oh."

"Text nalang kita mamaya." 

Fine. KJ na ako kung KJ. OA na kung OA. Pero kung ikaw ang nasa lugar ko at mapapalayo sayo ang first jowa mo, magwo-walk out ka din. Lalo na kapag kasalanan mo pa kung bakit siya lalayo. Alam ko namang 2 years lang ang itatagal niya doon, pero hindi biro ang 2 years. I know hindi ko siya kailangang bantayan dahil may sarili naman siyang pag-iisip, pero paano kung may makilala siyang iba doon? Paano pag isang araw hiwalayan niya nalang ako sa text? Maloloka ako. 

Pagsakay ko ng taxi, walang tigil sa kaka-vibrate ang phone ko. Panay din naman ang reject ko sa mga tawag ni Tyrone. Wala din akong balak basahin ang texts niya sa ngayon, Basta naiinis ako. Period. 

Papatayin ko na sana ang phone ko. Buti nakita ko na si Saab pala ang tumatawag.

"Hello Saab?"

"I told you never to answer after one ring diba?" she said.

"Sorry. Napatawag ka?"

"Asan ka?"

"Taxi pauwi."

"Turn around. Coffee tayo. I'm with the girls na. Sa Brews ha?"

"Sige."

Siguro nga sa mga ganitong pagkakataon, matinding pangangailangan ang kape at mga girlfriends.

Pagpasok ko sa Brews, nakita ko agad sila Saab na nakatingin sa menu.

"Camz!" 

Kumaway sakin si Chelsea. Kakaupo ko palang,

"Spill." sabi ni Stacey.

"Ha?"

"We've heard na si Tyrone ang napili sa Exchange Student Project mo."

"Brewed coffee?" entrada ni Saab.

Hindi ako talagang nagkakape ng matapang, pero suggestion niya siguro na kailangan ko 'yon.

"Sure."

Hinintay ko munang umalis ang waiter sa harap ng mesa namin bago ako nagsimula.

"I know, right? At super excited pa siya." I told them.

"Saang school daw ba siya ililipat?"

"U of Saint Anthony."

"What?" 

Pareho lang kaming lahat ng reaction nang malaman kung saan.

"Ang layo kaya. Paano ka na Camz?" sabi ni Stacey.

"Ewan."

Si Chelsea naman, busy nanaman sa IPad niya.

"There. University of Saint Anthony...home of the best collegiate athletic teams...blah blah blah ..."

"I have a cousin there. Sabi niya marami daw magandang girls doon. Mayat-maya ang house parties. Pero don't worry, wala sa history ni Tyrone ang mambabae." sabi ni Saab.

Oo nga pala. Ex nga pala niya si Tyrone so pwede ko siyang gawing source of info kung anong klaseng boyfriend si Tyrone.

"Nagkalayo na ba kayo dati? Alam kong awkward to para sayo--"

"It's okay.  Yeah, I remember na may incident na nagkalayo kami dati."

"What happened?"

"Nagtuloy-tuloy na sa break-up."

"OMG."

"Pero hindi naman porke nangyari samin, mangyayari na din sainyo diba? Pero ako kasi, I don't believe in LDR. Who believes in that anyway?"

"Kaya ako, nung nag-decide si ex na mag-aral sa ibang school, hiniwalayan ko na agad. Mamaya habang malayo siya lolokohin lang pala ako. Ayoko ngang magmukhang tanga noh." sabi ni Chelsea.

"Diba 3 years kayo ng ex mo? Sayang naman pinagsamahan ninyo." 

"Eh pwede naman akong gumawa ng bagong pinagsamahan sa bagong jowa eh. Hindi naman sa hindi ko tine-treasure yung pinagsamahan namin ni ex, pero wala naman akong magagawa eh. Memories nalang siguro 'yun. Oh well. Ganon talaga. They come and go."

Kahit naman sandali palang kami ni Tyrone, ayoko namang basta nalang itapon ang pinagsamahan namin. 

"May trust issues ka ba kay Tyrone?"

"Wala naman."

Actually may konti eh. Kasi nakalimutan niyang sabihin sakin na ex niya si Saab. Baka may nakalimutan pa siyang sabihin sakin.

"Alam mo sa umpisa mo lang mararamdaman na gumagawa siya ng paraan. Pero habang tumatagal, mababawasan na ang texts, ang calls hindi na ganon kahaba, mawawalan na siya ng time."

"Talaga?"

"Well, hindi naman lahat ng lalaki ganyan. Malay mo iba si Tyrone. Halata naman na love ka talaga niya. And kapag love ka talaga ng isang guy, gagawa at gagawa ng paraan yan para hindi ka mawala sakanya."

"Correct."

Siguro nga I have to give it a shot. Hindi naman siguro mawawalan ng time si Tyrone sakin. And he promised na we will never lose communication.

Should I hold on to that promise?

THE GIRL CODETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon