Sa tuwing naririnig ko yung name niya, o dikaya kapag nakakachat ko siya, o kung minsan na makikita ko siya o kahit ano basta may kinalaman sa kanya... Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Yung tipong mas malakas pa dun sa tugtog ng speaker na dala ng mga gangster tuwing rarampa sa daanan. Normal pa kaya to? -___-a
August 21, 2013
HUWAAAAAAT O_____O
"KAPATID! ONLINE SIYA!" Sabi ko.
"CHAT MO NA DALIII!"
Icha-chat ko ba?
Eh kung wag na lang kaya? Baka di magreply iih TT^TT
I-chat mo na kasi! Arte arte pa eh. Pachix ka? Muka ka namang tandang XDv
Wag na! Baka ma-seen zoned ka!
Ok! Hindi ko na lang siya icha-chat!
Pero JOKE LANG XD
Me: Hello po
Ayan chinat ko na siya! Bahala na kung hindi magreply!
Bryle: hi :D
paano mo nalaman best in costume?? O_o
WAAAAAH *u* Nagreply siya ^^ Pero? anong ire-reply ko??
Me: Stalker mo ko XDD Angal???
WAAAAAAAH ^^
Kilala niyo po ba ako ???? :))))))
Wala na! Na-enter ko na! Na-send na!
*Bryle is typing...*
Few minutes ago...
Bat ganun? Bat wala pa ring reply? =____=a Dapat kase di ko na lang sinabe yun eh! Psh. Bopluks talaga >.<
OK! Ito na ata yung tinatawag nilang 'SEEN ZONED'
Awwts S/2
Pero dahil isa akong masugid na stalker! Wala sa aking mini dictionary ang salitang SEEN ZONED! Kaya naman...
Me: Walang reply?? HahaXDD Joke lang po ^___^V nakita ko po kase nung Career Week :) Anyway, kilala niyo po ba ako ? :))))
Bryle: hala.. di na send??
kanina pa ako nagrereply eh. XD
sorry..
KYAAAAAH ^^ Kileeeeg daw ako! Kasi nagsorry siya saken :)
Magta-type pa lang sana ako nang bigla ulet siyang nagreply. Woow ha :) Bilis niya magtype :D
Bryle: eto yung kanina:
hahaha.. stalker? bat may stalker ako? XD
hahaha
tsaka
di po kita kilala.
AWWWWTS! Feeling ko may mga karayom na paulit-ulit na tumutusok sa heart ko ToT
Me: HALAAAA :( di mo po ko kilala? Uwm.. nung CAT?
Bryle: san dun po??. haha. sorry.. mahina kasi memory ko eh. XD
Pffft! Talagang tumawa pa talaga siya? Habang ako dito di pa rin maka-move on dun sa reply niyang 'di po kita kilala'
Me: Ayyy :( Yung nakasalamin na maliit at saka pangit na nilalang ako yun :)
Ayan yung sinabe kong description baka sakaling matandaan niya TT___TT Nalait ko pa tuloy ang sarili ko!
Bryle: ahhh.. oo
yung binully ng mga kaklase.. haha XD
Kitams? Um-agree nga siya na pangit ako! Ayoko na daw ituloy ang storyang to! Sapagkat ako'y nabo-broken na daw XD
Bryle: pangit?? di naman ^_^
sorry ha.. pinagtripan ka pa tuloy
UWAAAAA! Hindi daw ako pangit ayun ke BRYLE :))) Ayuuun ohh! Dalawang beses na siyang nagso-sorry sakin :) Sana mamaya A La View na :D
Me: Binully?
Bryle: hahah.. yeah :D
bully.. bullying.. hahah
Me: Di nga natandaan mo talaga???
Sige nga? Anong section ako? ^^V
Bryle: oo natandaan ko
yung pinapapunta ako nung CAT officer
tapos yung ka shake hands ko
malapit sa DA
Natandaan nga niya :))) WHAHAHA! ANSAYA SAYA! LALALALA! Naalala niya na ako yung kashake hands niya *---*
Bryle: IV gold ba?? tama ba??. hahaha sorry ha.. di ko maalala yung section eh
Me: SILVER!!! *batoook*^____^V
HAHA XD you know what kala ko nga snobber ka eh XD
Waaaaaah :D Pasensya na Feeling Close ako masyado ^^ You know kelangan kong magpapansin sa mga nilalang sa Earth!
Bryle: awh.. haha.. silver ba?? ok. hahah.
mabait to. XD
sige po.. out na ako.. bye. ;)
WALA NAAAA! OFFLINE NA SIYA :( Pero ok lang nakachat ko naman siya eeeeeh :p
Happy na ako kasi kilala na niya ako kahit papaano. Pero isang pangyayari ngayon ang hindi ko inaasahan dito sa school.
"Pabili nga po.."
Andito kami ngayon sa YECS (bilihan ng mga kung anu-anong pagkaen)
Mula sa likuran ko, narinig ko ang boses ni RENZ (tropa raw ni Bryle)
At ang mga sinabe niya ang siya ko mismong ikinagulat.
"Nabasa mo na ba yun? Yung CAT? Yung WATTPAD!?" Sabi niya sa kausap niya.
O___O
Loading.....
"HALAAA BHEEE! Nabasa na ata nila?" Sabe ko sa mga bestfriends ko.
Anong gagawen ko? Kelangan makalayas na ako dito sa YECS! Mababahiran na ng karumihan ang aking pagmumuka!
Pero bago ako umalis nag-hi muna ako ke Cza-Cza. Aalis na sana kami eh. Kaso nakita ko si Renz kausap na agad si Cza-Cza!
"Cza, nabasa mo na ba yungstory sa Wattpad?"
Hindi niya yan isinigaw. Kumbaga sapat lang para marinig ng dalawa kong tenga. Kaya naman napayuko ako.
*angat ulo. lingon lingon*
OOOPS. Nakita ko si Renz nakatingin sakin at nakita ko yung ngiti niyang malapad!
Feeling ko, ipagkakalat na niya sa mga classmates niya yung story? Eh, pag ginawa niya yun, malalaman na ni Bryle. At yun ang ayokong mangyari. Ayokong mabasa niya yun :'(
Ayon pa naman sa aking source na si Coleen (girlfriend ata ni Renz?), mahilig pa naman daw magbasa si Bryle ng mga Wattpad Stories at kung magkataon na mabasa niya yun... PAKTAY! Malalaman na niya na may kras ako sa kanya :(
Haaayss. Gabi na pero di pa rin ako makatulog kaya naman binuksan ko muna ang account ko sa Wattpad.
Si KuyaOtaku nagmessage sa board ko.
"Ate.. may kuya/pinsan po akong pangalan din ay Bryle. hahaha pero pangalan ng kuya ko Bryle A*****. Ano ba full name ng bryle mo ate?"
ANO DAAAW?
Bigla akong kinabahan!
Ibig sabihin? Kuya slash pinsan niya si Bryle?
Pero hindi naman yun pwede! Imposible talaga! Saka marami namang Bryle A***** sa Earth ah :)
Then, nagmessage naman itong si Xanderine ke KuyaOtaku.
"Alam ko pong di para sakin yung question pero Bryle A***** ******* po yung full name niya. Classmate niya po ako.^_^"
YOU ARE READING
CAT Story (Part 2)
Short StoryBakit ba kapagka nakikita ko siya feeling ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Yung tipong mas malakas pa dun sa tugtog ng speaker na dala ng mga gangster tuwing rarampa sa daanan ^---^v