Page 4

71 6 0
                                    

Ang peaceful naman ng Saturday morning ko. Walang masyadong nangyari maliban dun ke KC na nakatapak ng isang malaking tumpok ng j3bs XDD

"CHIZEL! Andun si Bryle sa may Science." Sigaw sakin ni Opang.

"Oh! Tara na. Punta na tayo."

*lakad lakad*

AYUN SIYA! Kasama ata yung classmate niyang babae. Nalungkot daw ako (__ __')

Kasama ang iilan kong mga classmates eh, sinundan namin si Bryle. Ang hawt niya talaga ^Q^ Nakasuot siya ng all white na fitted. Costume nila para sa Interpretative Dance.

"BRYLE!!!" Sigaw ni Opang.

Lumingon si Bryle pero saglit lang kaya ang ginawa na lang namin ay sundan siya hanggang sa...

"BRYLEEE! Goodluck daw." Sigaw ulit ni Opang.

Lumingon siya saka nagsalita. "HAAAAAAAA?"

"GOODLUCK DAW SABI NI CHIZEL!"

Then ngumiti siya saka tumalikod ulit.

Actually, masaya na ako na nakita ko siya nung Saturday. Sa sobrang saya ko nga eh, ipinamalita ko pa ito sa IV-GOLD ^u^

At hindi ko expected na makikita ko ulet siya ngayong Monday.

Sa tuwing makikita ko siya feeling ko ang bilis at ang lakas ng heartbeat ko.

Kumbaga, ang kulang na lang eh, lumabas yung heart ko at maglakad papunta sa kanya.

Kaso pano maglalakad? Eh nagdire-diretso siya sa paglalakad. Akala ko pa naman liliko siya at dadaan sa harapan ko.

Pero, ayun dire-diretso lang siya.

Kaya naman tumakbo ako ng mabilis dun sa kabilang way nang sa gayon eh, magkasalubong kami. Yung tipong pang-wattpad lang.

Magkakabanggaan kami tapos mahuhulog yung file case ko..tapos.. tapos pupulutin niya >///<

"Aaay.. Wala siya? Saan kaya siya dumaan?" Halata sa tono ng pananalita ko na disappointed ako.

Take note. Ang masugid na stalker kailanman ay hindi sumusuko :D

"Baka nasa Values Faculty? Tara na!" Aya ko kina Ivy at Josephine.

"Bheeee! Andito nga! Andito sa loob!" Masayang sabi ni Ivy.

O______O -->> Itsura naming tatlo nang biglang lumabas si Bryle mula sa loob.

Pero ang talagang ikinagulat ko ay ang ginawa ni Ivy...

"BRYLEEEE!" Sigaw nito.

Bigla akong napatalikod habang hawak hawak ang left chest ko na medyo naninikip na.

Dahan dahan akong lumingon para tignan si Bryle.

*woooooh*

Narinig ko yung pagbuntong hininga ko.

Hindi naman yata siya lumingon eeh?

Kasi nakasalpak pala sa tenga niya yung earphone :)))

"BRYLEEEEEE!!!" Malakas na sigaw naman ni Josephine.

But this time, hindi na ako tumalikod. Kasi ramdam ko naman na hindi siya lilingon. At ayun nga, natapos ang araw ko na sobrang saya.

September 20.

Mapayapang araw na naman para sakin. Halos lahat kasi ng classmates ko ay excuse para dun sa seminar ekla chuchu.

Since wala pa namang teacher and masyadong boring. Pumunta ako dun sa Munting Silid (parang Stock Room dun mismo sa loob ng room namin, ah basta, ang hirap i-describe!) then nagstart na kong magbasa ng novel.

"Chizel, si Bryle!" Sigaw ni Jackielyn.

Syempre, automatic na napaangat ang ulo ko at tumingin dun sa bintana ng Munting Silid. Nakita ko nga siya... kasama si Jessa at parehas silang nakangiti :) Ibinalik ko na lang ulit sa pagkakayuko ang ulo ko at sinimulan na ulit ang pagbabasa.

"Bryle, hi daw sabi ni Chizel!" Sabi nitong si Jackielyn.

At bago daw tuluyang umalis si Bryle. Kumaway daw ito sabay ngumiti O/

Sayang nga lang at hindi ko nakita ang kaway niya na alam ko namang para sa akin x))

Hindi ba kayo kinilig? Wait there's more pa kaya? :3

Friday pala ngayon nuh? At sa Sunday na yung Alay Lakad :)))

Since malapit na ang Alay Lakad kelangan ulit naming magdrilling sa CAT.

2:00 PM pa lang, nakita ko na agad ang napakaamong mukha ni Sir Suarez c:

Mga bandang 3:00 ata nun, nang biglang umulan kaya sumilong muna kami dun sa Grandstand.

Nung medyo tumila na pumasok na kami sa Gym. MWAHAHAHA :D Andun si Bryle sa pinakadulo ng bleachers :)

Sobrang saya ko na dahil nakita ko na siya kahit dito lang mula sa malayo. Pero hindi ko akalain na papatayuin lahat ng 4th year students para sumayaw ng cheer namin sa Alay Lakad. Nakakatuwa kasi feeling ko inaayunan ako ng panahon. Eh pano ba naman yung pila ng Silver eh malapit lang sa Galileo.

Unting lakad na lang, abot kamay ko na ulit siya..

Pero mas pinili ko na lang na titigan siya dito sa aking kinatatayuan. Ok na yung ganito :) Medyo malapit naman na ako sa kanya :)) Hinihintay ko nga na ngumiti siya eh :))) Kaso mukang wala naman ata siyang balak ngumiti.

Pero parang ang weird?

Feeling ko kasi tumitingin siya sakin? O sadyang assuming lang talaga ako? >///< I dunno kung nakatingin siya sakin? Kasi yung ulo niya hindi naman niya ginagalaw.. Pero bat feeling ko yung mata niya gumagalaw? At tumitingin sakin?? EEEEEEEKK! O///O Feeling ko talaga tumingin siya sakin ng dalawang beses? Kaya dalawang beses ko rin iniwas ang mga mata ko.

Natatakot ako! Bakit?

Nag-open kasi kaninang umaga ang kapatid ko ng FB.

"Ate, nag-open ka na ba ng FB?"

"Hindi pa. Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Halika dito. Daliiiiii! Basahin mo!" Sabay harap sakin nung mobile niya.

CAT Story (Part 2)Where stories live. Discover now