[A/N] --- hello!
since andaming nag-react sa Roll the Credits, sorry po...
here's the second shot of the story. I hope you like it. =)
wala na pong CUT. haha!
thanks for the support.
I love you, guys!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vice’s POV
I will never fall in love again! That’s it. I’m through. Hindi ko na kakayanin pa ang gaya nito. Masyadong masakit. Oo, nakangiti nga ako sa harap ng ibang tao. Pero ang hindi nila alam, ikinukubli ko lang ang mga luha ko. Bakit? Kasi si Vice Ganda ako. Komedyante, aktor. Simpleng kindat ko pa lang kuha ko na ang atensyon ng mga tao. Ano pa kaya kung umiyak ako sa harap nila? Yan ang downside ng pagiging artista. Hindi ka makakakilos ng naayon sa gusto mo kasi bawat kembot mo binabantayan ng madla…
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hawak ko ngayon ang isang kapirasong papel na may sulat-kamay ko. Nahalungkat ko lang dito sa bag ko habang hinahanap yung cell-phone ko. Kailan nga ‘to? Ah, oo. Ito yung time na down na down ako. Ito yung time na iniwan ako ng huling boyfriend ko. Mag-iisang taon na rin pala ‘to. Kaloka! Di ko alam naitago ko pa pala ito. Haha! Lasing pa ako ng isulat ko ‘to eh? Grabe! Ang laki pala ng epekto n’ya sa’kin? Akalain mo? Tinotoo ko. Hindi na nga ako umibig. So far, okay naman. So far, nagkaroon ako ng peace of mind. I got my smile back. I got my life back.
“Hi, Vice!”
Napa-angat ako ng mukha ng may nagsalita. Nilingon ko sa kanan, wala. Paglingon ko sa kaliwa, ayun. Ang bilis naman n’yang maglakad.
“Hi!” sabi ko. Lumingon s’ya. Karylle. Ngumiti s’ya. Teka! Ano ‘to? Biglang tinambol ang puso ko. “Kurba! Ikaw pala. Akala ko kung sino eh?”
“Ikaw naman.” Sabi n’ya. “Uhm, sige una na ko. May pupuntahan pa kasi ako eh.” Tumango lang ako. Umalis s’yang walang lingon-likod sa’kin.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Lagi na lang ganito tuwing naglalapit kami ni Karylle. Matagal-tagal na rin ‘to. Mahal mo s’ya. Mahal mo s’ya. Mahal mo s’ya. Yun ang totoo. Hala! Noooo! Hindi pwede ‘to! Baka masyado lang akong nadala sa movie na ginagawa namin. ViceRylle eh? Kailangan makatotohanan. Pero movie nga lang yun di ba? Bakit parang sa akin totoo na?
Karylle’s POV
I was halted in my steps. My heart suddenly went gaga when I saw him standing there. I took a few moments just looking at him. Ang gwapo n’ya. Lalo na ngayong nagdadamit lalaki na s’ya. He’s so handsome that I wasn’t able to stop myself taking pictures of him while he’s not looking. Para kang sira, Karylle. Fan Girl? I sighed. I have to snap out of this daydream.
“Hi, Vice!” I said as I continued walking. I tried to keep it cool. Baka mahalata ako. Silly! As if naman magkakagusto s’ya sa ‘yo.