Waiting Shed

302 9 1
                                    

Pano ko ba sisimulan ang aming kakaibang love  story? Hmm.. Let me start it like this:

I still remember it was Monday mga hapon na 4:00pm. It was raining, kasagsagan iyon ng bagyong Ondoy, galing akong eskwela, dapat nga 12pm uwi ko nuon kaso nag organize pa ko, may program kasi sa school namin. Naglalakad ako papunta sa waiting shed, wala naman kasi akong payong, nakalimutan kong dalhin. Sobrang lakas ng ulan, talaga namang nagbabaha na ang kalsada dulot ng mga nakabarang basura sa kanal. Dali-dali akong sumilong sa waiting shed at pinunasan ang aking buhok gamit ang dala kong panyo. Nagaabang ako ng masasakyang bus ngunit puro puno ang mga nag daraan.

Hanggang mga isang oras na ang nakalipas, wala paring masakyan, kaya nagpasya na lamang akong maglakad papunta sa istasyon ng mga bus. Wala na akong pakielam kung mabasa ako, bagamat sobra na akong nalalamigan, medyo na kakatuwa rin pala minsang maligo sa ulan. Buti na lamang ay water proof etong aking backpack, hindi mababasa ang aking mga gamit, ngunit ang aking jeans at shirt ay nabasa na, okay lamang medyo malapit na rin naman ako sa istasyon.

Ngunit maya maya lalo pang lumakas ang ulan, ang kaninang patak na mala bigas ay naging mala bato. Sobrang lakas na ng ulan, at lalo ng tumataas ang baha. May nakita ulit akong waiting shed at agad na sumilong,  sobrang nilalamig na ako kaya naman ay nagpasya na kong umupo sa upuan. Ang hangin ay sobrang lamig, ang tuhod ko ay nangangatog at ang labi ko ay namumutla na, nag babaka sakaling may dumaan na bus ngunit punuan pa rin. Maya maya ako ay medyo nahilo, umikot ang paligid, at tanging lamig lamang ang aking nadarama. Biglang nag dilim ang aking paningin at wala ng alam sa mga nangyari.

........

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Nasaan ako?
Hindi ito ang aking kwarto.

Tinignan ko ang paligid, ang kwarto ay kulay rosas at ang kama ay sobrang lambot, pinipilit ko ang aking mata na palinawin, pinikit ko ng madiin at nagmulat, tinignan ko ang bintana, malakas pa rin ang ulan. Ngunit ang tanong kanina sa aking isipan ay biglang bumalik.

Nasaan ako?

Pinagmasdan ko ang aking damit, tuyo na sya..at..at.. Iba na ang aking suot, sino wari ang nagpalit nito? Baka naman ako ay nahalay na? Nakita na ang aking katawan. Oh jusko!

Ngunit maya maya lamang biglang may pumihit sa pinto nitong silid. Nag kunwari akong natutulog, dumapa ako ng mabilis at pumikit. Naramdaman ko na na nakapasok na sya.

" Huy! Narinig ko yung kama, tulog-tulugan ka pa diyan. "

Kinabahan ako sa aking narinig ngunit mas kinabahan ako dahil mala anghel ang kanyang boses, napaka kalma at sobrang lumanay.

" Anong iyong ngalan? " Tanong niya.

Ngunit hindi pa rin ako umiimik, nagtutulog-tulugan parin.

Maya maya katahimikan ang bumalot sa kwarto, sumara ang pinto hudyat na sya ay lumabas ng silid. Ako ay nakahinga ng maluwag at dinilat ang aking mata, nakatingin sa kawalan ng biglang... May dumagan sa akin at..

"Huy! Akala mo ha! Haha! Sasabihin ko na agad, ang ngalan ko ay Ohara, nakita kita sa may waiting shed na nakapikit, nilapitan kita at ginising pero ayaw magmulat ng iyong mga mata, kaya nagpatulong ako sa aking itay na dalhin ka dito sa aming bahay. Pinalitan na kita ng damit , oo nakita ko na ang katawan mo,wag kang mag alala meron rin naman ako niyan. "
sabay tawa niya, napaka ganda nya naman talaga, yung ngiti nya sobrang ganda, yung buhok niyang kulay tsokolate na hanggang lagpas balikat, yung mata nyang sobrang pungay napakagand---

"Uhh hello? Sabi ko ano pangalan mo."

Nabalik ako sa realidad ng tanungin nya ako.

" Ah eh Delphine , Delphine pangalan ko. "

Waiting Shed (GirlXGirl) OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon