Vision 6: Another Crime

11 2 0
                                    

Halos masuka ako at Levi nang makita ang taong tinutukoy ng pangitain ko. Nu'ng nakaraan linggo ay nagkaroon ako ng pangitain, at nakatulong naman 'yung mga ginawa kong research dahil hindi na ako hinihimatay tuwing nagkakaroon ako ng vison-- though hindi pa ako kuntento dahil hindi ko pa rin nakikita nang sobrang klaro ang lahat pero nagpapatuloy pa rin ako sa pagsasaliksik. Choos!

Napapakit ako nang mariin at pilit na pinipigil ang pagduwal. Ang ibang parte ng katawan ng lalaki ay wala ng laman. Hindi dahil sa nagdedecompose na ito pero parang may kumakain mula sa loob. Parang sa flesh eating bacteria.

Biglang tumakbo si Levi at tumigil sa may pader- nagsuka siya nang nagsuka. Ako naman ay tumalikod na at mariing pumikit bago nag-isip ng ibang bagay para maalis sa utak ko ang nakita.

"Oh my gosh! I knew it!"

Agad akong napatingin kay Astaline. Tanging siya lang kasi ang hindi apektado sa nakita. Nagtutwinkle pa nga ang mga mata niya, samantalang silang dalawa ni Levi... kinikilabutan.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang hawak niya.

"Gotcha!" sabi pa ni Frost at winagayway ang maliit na clear na plastic.

"Ano ba 'yan?" tanong ko at tiningnan mabuti ang hawak nito. "- drugs?"

"Oh yes!" sagot nito at nagbuhos ng konti sa kamay at sinuring mabuti. Hinaplos pa nga niya.

"This is a drug pero kakaiba ito. Cheap, unknown but deadly. Sa totoo nga ito ang nangunguna sa most deadly drugs."

"Ano bang drug 'yan?" curious kong tanong at nakihawak na rin.

"Scientifically known as desomorphine or simple krokodil." sagot niya at naglakad palapit sa isang mesa. Tumingin pa siya kay Levi na nakasandal ang ulo sa pader. Nanghihina dulot ng sobrang pagsusuka.

"Oh, ayos ka lang?" natatawang tanong ni Frost kay Levi, pero hindi naman na ito pinansin nung isa.

"Are you sure? Hindi mo ba itetest 'yan or anything?"

Imbes na sagutin ako ay tinaasan lang niya ako ng kilay. Para bang insulto ang tinanong ko sakanya. Well, I know naman na pagdating sa drugs, mapa-legal man o illegal, at pati kemikal ay hindi dapat pagdudahan ang kakayahan ni Astaline Frost.

Nagtaas na lang ako ng dalawang kamay at sumunod sa kanya. Naupo siya sa upuan na nasa tabi ng lamesa at nilapag ang sinasabi niyang kroko- whatever.

Sa ngayon ay pinipilit kong makuntento sa kung ano ang kaya kong gawin. Wala naman kasing maitutulong kung magseself pity ako.

Consider it as a blessing.

Isinasaksak ko na lang sa utak ko na may mga taong handang mamatay para lang magkaroon ng ganitong kakayahan ko.

"I think hindi naman murder ito. Ginawa niya ito sa sarili niya."

"Huh?" nalilitong tanong ko kay Frost.

"Lutang ka ba?" asik niya.

Umiling na lang ako. Pero sa totoo ay lutang nga ako.

"Sa tingin ko hindi murder ito. Kagagawan niya ito sa sarili niya. Nandito lahat ng sangkap para gumawa ng krokodil." dire-diretsong sabi niya at may mga kinuha at pabagsak na inilapag sa mesa.

"Ssshh! Baka may makakita sa atin!" saway niya.

"Hello! Abandon house 'to, 'di ba? kaya nga hindi tayo nahirapang pumasok. Thanks God na hindi natin kailangang dumaan sa mga matataas na pader or kung saan-saan pa."

Napailing na lang ako pero tama naman ito. Naging madali nga ang pagpasok nila.

"So... this is codein, pain thinner and so on. Hindi mo naman ako maiintindihan so basta basically ito ang mg sangkap para makagawa ng krokodil."

Eureka Hermione: The PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon