ONE SHOT

18 0 0
                                    

  My Bestfriend's Diary

"Bes, tama na 'yan! Kahit umubos ka pa ng
isang case d'yan, HINDING-HINDI NA SIYA
BABALIK SA'YO!" sigaw sa akin ng best friend
kong si Alex.
Kung iniisip n'yo pong lalaki siya,
nagkakamali kayo. Dahil BAKLA siya. BAKLA!
"Kailangan talaga ipamukha? Oo, alam kong
hindi na siya babalik kasi nakuha niya na
ako!" sabi ko sa gitna ng mga pagluha ko.
"Bes, isang buwan na 'yung lumipas e! Pero
bakit ganun? Ang sakit sakit pa din? Ang
sakit sakit! Ang sakit lang na makita silang
magkasama ng bagong mahal niya! Gusto
niya pala ng mukhang paa, dapat sinabi niya
agad sa akin! Hindi 'yung lolokohin niya pa
ako! Ang sakit lang talaga bes.."
"Tama na 'yan bes. Tara na. Matulog na
tayo." aya niya.
"Ayaw ko bes! *hik* Hindi pa *hik* ako
inaantok."
"Aish. Lasing ka na oh. Tara na. 'Wag nang
makulit." At kinarga na niya ako nang parang
bigas paakyat sa kwarto.
**After 3.91111111 years..
"Aray ko bes! Ang bigat mo naman! Nabali
yata 'yung mga buto ko sa shoulders!" angal
nito.
Inihiga na niya ako sa kama nang dahan-
dahan.
"Sino ba kasing nagsabing buhatin mo 'ko?
Tss." idinilat ko ang mga mata ko at
magkalapit lang pala ang mga mukha namin
habang ang isang kamay ko ay nakasampay
sa batok niya.
Nakatitig lamang ako sa kanya noong mga
oras na iyon at ganun din naman siya sa
akin.
Walang umiimik.
Nakatitig lamang ako sa mukha niyang
makinis at walang bahid ng pimples.
Doon ko lamang napagtantong gwapo pala
ang bestfriend ko. Gwapo pala si Alex.
Makinis ang noo, pinkish ang mga labi,
matangos ang ilong, shine bright like a
diamond ang ngipin at matangkad.
Itong gabing ito ang pinakahindi ko
malilimutan sa lahat dahil itong gabing ito
ang gabi kung kailan natitigan ko ang
bestfriend ko nang malapitan.
Hindi ko namalayang magkalapit na pala ang
mga mukha namin.
Sobrang lapit..
Halos naaamoy ko na ang mabangong
hininga niya.
Lalo pa siyang lumalapit...
Hanggang sa hindi ko na namalayang
naghahalikan na pala kami. Bumaba nang
bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kasabay
ng paggapang ng mga halik niya ang
paggapang ng mga kamay niya sa aking
katawan.
Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga
nangyayari. Tila ba wala na ako sa huwisyo
ng mga oras na iyon.
"Hmm." nagbalik lamang ako sa reyalidad
nang mapansin kong gising na si Alex.
Parehas kaming hubo't hubad at tanging
kumot lamang ang nagsisilbing harang namin.
Alam kong may nangyari sa amin kagabi
ngunit alam kong parehas naming hindi
ginusto iyon. Bakla si Alex. Kaya alam kong
'pag nabuntis niya ako, HINDING-HINDI niya
ako pananagutan!
Pinulot ko na ang mga damit kong nagkalat
sa sahig.
Hindi dapat malaman ng kahit na sino ang
tungkol dito. Nagbihis na ako't nagmadaling
umalis.
Ayaw ko na munang makipagkita sa kanya.
***
December 11,
Dear Diary,
May nangyari sa amin ng bestfriend kong si
Alex. At dahil sa kahihiyang ito, napagisip-
isip kong huwag na munang makipagkita sa
kanya.
Ito na ang huli naming pagkikita..
-Zel
---
Jan 21,
Dear Diary,
Magfo-four weeks na akong buntis. Hindi ko
alam kung dapat ko bang ssbihin ito kay Alex
o sosolohin na lang.
May boyfriend siya ngayon at ayaw kong
sirain ang kasiyahan niyang iyon.
Kahit na anong mangyari, bestfriend ko pa rin
naman siya at alam kong sa lalaki lang siya
sasaya.
-Zel
---
Jan 23,
Dear Diary,
"P*t*ng*n*! Sino 'yang hudas na lalaking
nakabuntis sa'yo?! Si Jake ba ha? Si Jake
ba?!" Galit na galit si Papa nang malaman
niya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Masyado kasing mataas ang expectation sa
akin ni Papa.
Ang tanga-tanga ko talaga! Naging pariwara
akong babae! Binigo ko si Papa.
"Anak, ano bang nangyari sa'yo? Pinalaki ka
naman namin nang tama ah? Saan ba kami
nagkulang?" Hagulgol naman ni Mama.
Ewan ko ba, pero feeling ko, ako na ang Black
Sheep sa pamilya.
"Sabihin mo sa lalaking may gawa niyan,
papatayin ko siya kapag hindi ka niya
pinanagutan!"
Dapat ko ba talagang ipaalam sa kanya na
isa na siyang ama?
-Zel
---
Jan 26,
Dear Diary,
Napagpasyahan kong puntahan si Alex sa
inuupahan niyang bahay upang ibalita sa
kanya na buntis ako.
Bahala na kung anuman ang maging desisyon
niya.
"ANO?! Buntis ka?! Baka dun 'yan sa ex mo?!
'Di ba nagpagalaw ka din naman dun?"
Tinutukoy niya 'yung ex-boyfriend kong si
Jake, 2 months ago.
"Alex, kung sa kanya 'to, dapat 2 months na
akong buntis, hindi 4 weeks!"
"Baka naman kasi sa iba 'yan! Nako Zel, kahit
anong mangyari, hindi ko 'yan pananagutan!
Kaya pwede ba?! UMALIS KA NA!"
Pinagtulakan talaga niya ako palabas ng
pinto.
Nasaktan ako sa ginawa niyang iyon! SOBRA.
'Wag kang mag-alala baby, nandito naman si
Mommy Zel e. Palalakihin kita nang maayos
ha?
Iyak lang ako ng iyak ng mga oras na iyon.
Ang tinuring kong bestfriend ang siya pang
magtataboy sa akin sa oras ng
pangangailangan.
Sa sobrang pag-iyak ay nanlalabo na ang
paningin ko.
*Beeeeeeeeppp*
Nagulat na lamang ako nang biglang may
bumangga sa aking SUV at napahiga ako.
"Hala, shit! Miss? Ayos ka lang?"
"Tumawag kayo ng ambulansya! Please."
"Dumudugo 'yung binti ng babae!" Oh, God!
Iligtas n'yo po 'yung baby ko, please. 'Wag
n'yo po siyang pababayaan.
Kahit 'yung baby ko na lang.
****
Epilogue
Lumipas ang tatlong buwan at hanggang
ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa
pagkamatay ng mag-ina ko.
Wala akong kwentang ama!
"Kung nagpakalalaki lang sana ako, hindi
sana kayo nawala sa akin! Nandito pa sana
kayong dalawa! Kasalanan ko ang lahat ng
ito! Kasalanan ko.. Anak, kung nasaan ka
man, sana mapatawad mo si Daddy ha?
Mahal na mahal kita. Ganun din sa'yo Zel.
Sana mapatawad mo rin ako.." -Alex  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BESTFRIEND'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon