Chapter One: " Chichirya"

111 1 2
                                    

Sa isang snack express section sa mall:

" ano ba naman tong si carlo?...pwede namang sa convinience store na lang bumili ng baon bakit ba naman sa mall ba nag ayang bumili?"eh I'm sure na puro chichirya lang naman ang kaya nyang bilhin" maarteng wika ni stephanie.. Ang pinaka maarte sa grupo.

"Hayaan mo na steph alam mo naman si Carlo bihira yun maka punta sa mall" biro ni Mark " ang rocker ng barkada habang nakikinig gamit ang blue tooth headphones na binili nya sa raon( sa mga muslim of course para max. Discount)

" Teka nga pala speaking of Carlo nasaan na nga pala ang mokong na yun?" Sabi ni Thirdy ang designated Driver ng tropa o mas kilala bilang si Sofronio Mamuyac III apo ng dating sundalo at anak ng dating mayor ng Halaya island...also known as the BF of Stephanie..

Habang sa isang sulok ng snack express section seryosong pumipili ng snacks ang pinaka bigatin ng tropa introducing Divine Grace Alulod or Dev for short...almost 200 pounds of pure fats and cellulites hehe...

Welcome the arrival of the cousins....ang tatlong bugok na magpipinsan na sina Renz, James, at Gina.. " Wow grabe ang trapik sa Manila ha" almost unbearable sabi ni Gina habang nakahawak sa kanyang noo.." Hiyang hiya naman kaming mga taga Manila sayo Gina" eh kamusta naman ang trapik sa Las Piñas umuusad pa ba?" Ganting wika ni Thirdy..

Habang napa tingin ang mag to tropa sa sa isang portion ng mall...isang binata ang lumalakad papalapit sa kanila....and parang slow motion as in super slow motion pa nga, halos malaglag ang panga nila sa gulat....

"Oh my"....usal ni steph...
"WTF"...sabi ni thirdy...
"Hehe.." Ngisi ni Mark.. Si Dev naman halos mabuga ang nilalafang nyang Boy Bawang sa gulat...
At ang magpipinsan...."Holy Shit" na nag chorus pa...

"Gulat kayo no?, akala nyo si Alden Richards,o si fafa Daniel Padilla ang dumating"

"Eh sa totoo lang mas di hamak na mas magandang lalaki ako dun sa mga yun" maangas na wika ni Carlo..." Sa totoo lang kung level ng kagwapuhan ang pag uusapan eh sina Chris Hemsworth( Thor) at Chris Evans( Capt. America) ang ka level ko. hambog na sabi ni Carlo"...

"Mukha mo may asin Carlo"..sabi ni Gina...

" Halata namang na gwapuhan kayo sa entrance ko" si Carlo...

" Halos nga malaglag ang panga nyo oh...Steph gusto mo punasan ko laway mo dyan sa gilid ng bibig mo"... hehe pang aasar pa ni Carlo... "What ever"... Sabay kumpas ng kamay lang ang tanging na i ganti ni stephanie..

"Bilib din ako sa fighting spirit mo pre...nung magsabog ng kayabangan ang Dios sa buong mundo mukhang sinuwapang mong lahat"pang babara ni Renz..

" Tigilan nyo na nga yan" sabi ni thirdy...mabuti pa bumili ka na ng babaunin mo Carlo dagdag pa nito...

"Tapos na nakabili na ako"...si carlo ulit....

" Ungas ka ba pre?...sabi mo magkita kita tayo sa mall at sabay sabay tayong bibili ng babaunin..." Medyo napipikon na sabi ni James...." Wow nagsasalita pala yang pinsan mong yan.. Gina..." Si Thirdy ulit...." Oo naman pag napipikon lang"..sagot ni Gina....

" Ganito kasi yun mga tropz"... Kung napansin nyo medyo na late ako, ma trapik kasi....habang naka sakay ako sa tricycle hindi gumagalaw ang mga sasakyan.. Eh huminto sa tapat ng palengke...."Boom nakita ko nakasabit sa isang corner ng tindahan kuminang na parang ginto"..mahabang litanya ni Carlo...

"Para bang tinatawag ako ng mga chichirya...pakyawin mo kami pogi...ganeeern...

"Kaya ayun eto ang ending bumili ako ng para sa buong tropa alam nyo naman ako rich kid...kaya relax lang kayo sagot ko snacks nyo....dugtong pa ni carlo..

"Let me see...let me see"... Ano ba yang mga binili mo" excited na sabi ni Dev...

Daig pa ang security guard kung kalkalin ni Dev ang laman ng bag ni Carlo makita lang ang mga binili ng binata...

" Ano to..? Isang buong balot ng mam inasal, lumpia, jackie tyan,kobi,bangus,at litsong baka ba to?...tanong ng seksing si Dev( joke lan) mataba pa din sya...gusto nyo paseksihin ko? Wag na medyo mahaba na din nasulat ko...ayoko na ulitin hehe..)

"Told ya....puro chichirya lan ang kayang bilhin nyang si carlo....hay naku mabuti pa bilisan nyo at we better get movin'..at bka maabutan pa tayo ng trapik sa daan"...sabi ni stephanie...

Habang naglalakad papunta sa parking lot kung saan nka park ang sasakyan nila( syempre alangan namang sa CR naka park yung sasakyan nila)....

Sikretong inakbayan ni Carlo si Renz....

" Pre bakit kanina nung makita nyo akong dumarating eh halos malaglag yung panga nyo sa gulat?..."bulong ni Carlo kay Renz....

" gusto mo talagang malaman?"..ganting tanong ni Renz....

"Oo naman pre..." Si Carlo ulit..

" Lapit ka pre....sabi ni Renz..."

Lumapit naman ang ungas na si Carlo....

" Bukas kasi zipper mo ang yabang pa ng lakad mo tapos brief mo pa eh orange...."

END OF CHAPTER ONE.....

Road TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon