Chapter 8: "Malayo pa ang Umaga"

22 1 2
                                    

"Sinong sya ang tinutukoy mo?"tanong ni Gina sa babaeng naka gown," at sino kayo?",dugtong pa ng dalaga...

"Ako nga pala si Kaye," pagpapakilala ng babeng naka damit pang kasal...

"At ako naman si Neil",singit naman ng lalaking naka barong..

"Ngayon ang araw ng aming kasal", malungkot na kwento ni neil....

"Paanong nangyari yun?" Litong pagtatanong ni Renz...

"Si Topher,sya ang lalaking humahadlang sa aming pagmamahalan,"at gagawin nya ang lahat para hindi matuloy ang aming pag iisang dibdib", mahabang kwento ni Kaye bakas sa mukha nito ang kalungkutan...

Ngayon malinaw na sa mata ni Renz at Gina ang tunay na anyo ng magkasintahan...

Maganda ang dalaga maputi ito kumpara sa mga kadalagahan sa probinsya,palibhasa ay mestizahin..

Samantalang si Neil ay typical na binata ng nayon, medyo may katangkaran ito matipuno ang katawan siguro ay dahil sanay sa mga gawain sa bukid..

" Sa paanong paraan namin kayo matutulungan?", tanong ulit ni Gina sa magkasintahan ngayon ay wala ng takot sa kanyang puso bagkus ay awa ang kanyang nararamdaman para sa magkasintahan...

"Pagod na pagod na kami...", umiiyak na sabi ni kaye..

" Pagod saan?"buong pagatatakang tanong ni Renz...

"Sa paulit- ulit na kamatayan", wika ni Neil...

Samantala...

" takbo Dev",sigaw ni Steph sa kaibigan...

Subalit bago pa man makatakbo si Dev tumagos sa harapang bahagi ng tyan nito ang isang matulis na bagay..

Ang kamay ng nilalang na nasa likod ng telang itim parang tuyong punong kahoy iyon,nabutas ang tyan ng dalaga,umaagos ang dugo..

"Tu....makbo..na ka..yo"..,hirap na utos ni Dev sa mga kaibigan habang umaagos na din mula sa bibig nito ang dugo..

Habang ang isang kamay naman ng nilalang ay hawak ang nurse...

Nakapulupot ang mga kamay nito na animo'y baging sa leeg ng dalaga...

Nag iba na din ang anyo ng babae bakas sa mukha nito ang takot...

"Uubusin ko kayong lahat dito"...dumadagundong na ungol ng halimaw...

"Tara na steph",sabay hablot ni Carlo sa kamay ng kaibigan...

"Umalis na tayo dito"...dugtong pa ng binata...

Samantalang si stephanie ay naka tulala lang..parang hindi sya maka paniwala na patay na ang kaibigan nyang si Dev....

Hinigpitan ng nilalang ang pagsakal sa leeg ng dalaga...

"Maawa ka sa akin, wala akong kasalanan sayo",pagsusumamo pa nito...

Subalit sa halip na tigilan ang pagsakal, lalo pang hinigpitan ng nilalang ang kapit sa leeg ng kaawa awang nurse hanggang sa tuluyang mabali ang leeg nito...

Unti unting humiwalay ang liwanag sa katawan ng nurse, bago tuluyang nahulog ang katawan nito sa sahig..

Puro buto na lang ang iyon at halos malusaw na din ang nurse uniform nito sa sobrang kalumaan...

Hinila ni Carlo si Stephanie hanggang sa makalayo sila sa nakaka kilabot na nilalang na yun...

Umakyat sila sa hagdan papunta ng second floor...

" hu..hu..wala na si Dev.."..umiiyak na wika ni Stephanie..

"Hey it's ok..everything will be fine...pag aasure ni Carlo sa kaibigan...

Pansamantala silang tumigil sa isang kwarto sa ospital madilim yun at gaya ng iba pang mga silid sira na din ito marahil ay sa sobrang kalumaan na...

" Carlo ano tong nangyayari sa atin?.. Bakit tayo napadpad dito sa lugar na to wala na si Dev, si Mark at si Thirdy naman hindi din natin alam ang kalagayan nila.." "Pati na sina Gina at Renz hindi din natin alam kung asan na sila...mahabang hinaing ni Stephanie....

" Steph lakasan mo ang loob mo, I'm sure ok si thirdy at sina Gina naman at Renz nakita ko silang tumakbo kanina paakyat dito sa second floor kaya nga dito din kita dinala alam ko andito lang sila.." "Pero si Mark.... Pabitin na pag kwento ni Carlo..

" Anong nangyari kay Mark?, tanong ni Steph..

"W..ala na si Mark Steph..,wala na si Mark"hindi din napigilan ni Carlo ang pag iyak ..

Sa kalaliman ng gabi dalawang kaluluwa ang humikbi,nagkukubli sa likod ng mga lumang pader ng ospital na yun..punong puno ng takot ang kanilang mga puso...

Saglit pa ay naka recover si Carlo..

" tara na steph,hindi tayo dapat magpatalo sa takot natin,hanapin natin sina Gina at Renz..makaka alis tayo dito sa lugar na to"..buong tapang na sambit ni Carlo..

Bagamat puno pa din ng pag aalinlangan si stephanie wala syang nagawa kundi ang sumunod sa kanyang kaibigang si Carlo..hindi pa din maalis sa isip nya ang kanyang nobyo.. Nasan na nga ba ito?

Patuloy ang magkaibigan sa paglakad sa second floor, dahan dahan ang kanilang paghakbang..maingat sila na hindi makagawa ng anumang ingay..

Nang sa di kalayuan ay parang may nadinig si Stephanie..

"Shhh..,senyas ni si steph kay Carlo ...

Huminto naman ang binata..

" naririnig mo yun?"..si Steph ulit..

Pinakinggan mabuti ni Carlo ang paligid...

"Oo nga parang may nag uusap dun sa banda dun nangagaling ang usapan,parang Boses yun ni Renz..tara puntahan natin"..excited na sabi ni Carlo...

GINA AND RENZ POV..

" paanong paulit ulit na kamatayan?"..naguguluhang tanong ni Gina..

"Sa tuwing sasapit ang araw na ito..ang araw ng aming kasal...muling nagbabalik si topher upang tuparin ang kanyang pangako..ang kanyang sumpa".. Sagot ni Neil..

Sa wakas dumating na din sina Carlo at Steph sa pinangagalingan ng mga tinig, at hindi sila nagkamali sina Renz at Gina nga pero sino tong mga kausap nila?..halos himatayin ang dalawa sa pagka gulat..

" Steph,..Carlo.. Tuwang tuwa na salubong ni Gina sa mga kaibigan..

"Huwag kayong matakot sa kanila, andito sila para tulungan tayo at hindi para saktan"...si Renz...na ang tinutukoy ay ang dalawang nilalang na nasa harapan nila..

" sila nga pala sina kaye at Neil"..sila ang mga tutulong sa atin para maka alis tayo sa lugar na to"pagpapa kilala ni Renz sa dalawang nilalang..

"Sa paanong paraan nyo kami matutulungan pagtatanong ni Carlo...

" kailangang manatili kayong buhay o kahit isa man lang sa inyo ang manatiling buhay hanggang sa bukang liwayway.. Duon lang matatapos ang sumpa ni Topher,hanggat may isang kaluluwa na hindi nya mapupuksa bago sumikat ang araw..hindi matutupad ang kanyang sumpa .." Mahabang paliwanag ni Kaye..

"Ang sumpang papatayin nya ang lahat ng nasa ospital"...dugtong pa ni Neil. 

" Paano kung makaligtas kami sa gabing ito ano ang mangyayari..? Tanong ni Carlo. 

"Kung makakaligtas kayo ngayong gabi ang lahat ng ito ay parang isang masamang panaginip lamang..pero kung lahat kayo ay mamatay ..ikinalulungkot ko na hindi na matatagpuan ang mga katawan nyo at masasama kayo sa mga naka kulong na kaluluwa dito sa loob ng ospital..katulad nila".. Biglang naglabasan sa pader ang ibat ibang kaluluwa na nakulong sa ospital sa paglipas ng mga taon..

" Matutulad kayo sa kanila,..sa amin na naghihintay ng paulit-ulit na kamatayan"..pagtatapos na kwento ni Neil...

END OF CHAPTER 8

Road TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon