Debut (Part 1)
"Magpafit kana ng damit mo! " tsaka ibinaba ni Riza ang telepono
Ang aga-aga binungangaan nya ako. Limang araw na ang lumipas mula nung bumalik ako sa bahay, ayos naman. Madalas ay nagkakasalisi kami ni Aisha dahil busy siya para sa isang program na gaganapin sa school. Dahil pasikat siya tumakbo siyang officer last year dun at dahil anghel ang imahe niya sa school eh nanalo siya. Si kuya naman ay busy sa aming kumpanya, kumpanya iyon nila mommy. Magmula ng makagraduate si kuya siya na ang namahala doon, hindi ipinagkatiwala nila lolo kay daddy ang kumpanya, bagkus ay ipinamahala muna nila ito sa ibang tao bago maibigay kay kuya.
Sa dami ng mga nagdaang problema ay hindi ko na namalayan ang nalalapit ng debut ng bestfriend ko. I know its her very special day, ito ang pinakaiintay ng lahat ng dalaga. Isang linggo na lang at debut na niya, at wala pa akong maisusuot at maireregalo.
"Dad, penge ako pera" sabi ko kay daddy
Tumingin muna siya sa akin tsaka ibinigay ang isang card"bilhin mo lahat ng gusto mo anak" ngiti niya
Tinanggap ko ito "sige, alis muna ako" sabi ko naman
Nagpahatid ako sa driver. May usapan kasi kami ni Harry na sabay kami magpapafit ng damit. Di pa ako sure kung bibili na lang kami ng yari na o magpapagawa pa, there is only one week left.
Harry Im here na
I texted him. Nandito na ako sa tapat ng dress shop. Maya maya may blue na maybach car na tumigil sa tapat ko. Lumabas si Harry sa sasakyan. He's smiling. Shet makalaglag panty!. Wait.. May kasama siya?
"Kasama ko si Rob" he smiled
Lumabas rin si Rob ng sasakyan, naka plain vneck shirt at shorts lang siya, pero ket anong simple ng mga suot nila nagiging classy sa galing nila magdala!
"Hi Lucy! " bati ni Rob
Kinawayan ko siya"Hello"
"Lets go? " tanong ni Harry at tumango naman ako
Nauna sila magfit, shit!! Lalo silang gumagwapo!
Suot ni Harry ang isang black suit "Ayos ba to lucy? " he smiled tsaka hinawakan ang suot niyang coat
"ayos na ayos" Namimilog pa ang mata at bibig ko ng sinabi ko iyon
"Eto lucy? " tanong naman ni Rob. Nakatalikod siya sa akin kasi sa salamin siya nakatingin
"Harap ka sakin" sabi ko naman
...
...
...Kingina ang gwapo!!!!!
"ayos ba? " he smiled
He's wearing a gray suit. Shit
"Ayos" tipid kong sagot tsaka muling tumingin kay Harry
Bat parang mas gumagwapo si Rob sa paningin ko? Sus mas maganda lang suit niya. Yun lang yun.
Its my turn. Nakapili na silang dalawa. Una kong sinukat ang violet dress, baloon style ito hanggang tuhod. Tube ito tas may lace sa likod.
Lumabas ako ng fitting room "Ayos ba to? " tanong ko
Walang sumasagot sa kanila
"ang duga nyo! Sinagot ko naman kayo kanina ah! "
"di mo pa kaya ako sinasagot" biro naman ni Harry
"di ako nanliligaw ah" sabat naman ni Rob
Pftttt!! Pumasok ako muli ng fitting room. Nagsukat ako muli. Isang black skater style dress, mababa ang likod nito. Ito ay tube rin. Itinali ko ang buhok ko ng donut style kasi init na init at pagod nako magsukat.
BINABASA MO ANG
Attached To A Bad Girl
Novela JuvenilShe's not that bad but bad na nga lang sya hahahahahaa Ang stroyang ito ay pawang kathang isip lamang. Ang anumang pagkakatulad ng tauhan, pangyayari, at tema nito sa ibang kwento ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.