Althea's P.O.V
Pagkadating ko sa bahay ay agad na akong umakyat at pumasok sa kwarto. Nagbihis muna ako ng pambahay at pasalampak na humiga sa kama.
"Haays! Ang boring na naman." Tumayo na ako sa kama at agad na kinuha ang school bag ko. Inilabas ko lahat ng gamit na nasa loob nun at saka inilagay ang mga kakailanganin ko para bukas.
*tok *tok *tok
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si manang na dala- dala ang mga damit ko.
"Ah. Iha! ilalagay ko lang sana itong mga damit mo sa closet." Nakita ko itong maayos na nakatupi. Damit ko pa ata yun nung party ko."Ay. wag na po, ako nalang po. Wala din naman po akong ginagawa." kinuha ko na iyon kay manang. Nagtangka pa siyang tumutol pero sa huli ako parin ang nasunod. 'talagang ayaw nila akong pagtrabahuin' sabi ko sa isip ko.
Tumungo ako sa closet habang dala-dala ko ang mga damit na maayos ng nakatupi. Inisa-isa ko itong inilagay sa dapat na pwesto nun pero may isang naka-agaw ng atensyon ko. Isang kulay grey na panyo ''Huh? bakit nandito to? Panlalake to ah!" itinabi ko iyon sa may sofa at tinapos na ang pagliligpit.
Lumabas na ako ng kwarto dala ang kulay grey na panyo. Bumaba ako sa hagdan at agad ko namang nakita si dad na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsa-a.
"Hi Dad." I smiled at him. Ibinaba niya naman ang dyaryo at tumingin sa akin.
"Oh. Hi princess. Saan ang punta mo?" Napadako ang tingin niya sa panyo na hawak ko. "And what's with the grey handkerchirf? I didn't know na mahilig ka na sa mga dark colors.." Napa -rolled eyes nalang ako "eto talagang si dad. masyadong mapagmata"
"Uh. no dad! Actually, naisama ito na yaya sa mga damit ko. ibabalik ko lang sa kanya." tumuloy na ako sa paglalakad at bumalik na siya pagbabasa ng dyaryo.
"Manang?" Sigaw ko. Naglakad ako papunta sa kitchen , nakita ko naman si manang na nagluluto.
"Oh.. iha! bakit?" - manang
"Eto po yung panyo. Hindi po sa akin yan.. baka po nasama lang sa damitan ko." - ako
"Ha? hindi din akin yan. Tanungin mo si tinay. Siya ang naglaba ng mga damit mo. Ako lang ang nagtupi nun." - manang
"Asan po ba siya?" - ako
"Nasa pool area. Dun siya naglilinis." - manang
"Ah. sige po. Pupuntahan ko nalang po siya" - ako. Lumakad na ako papunta sa pool area. Medyo malayo yun dahil nasa pinaka dulo pa itong kitchen. Nang makarating na ako dun ay agad ko namang nakita si tinay. May hawak-hawak siyang mahabang panungkit at sa dulo nun ay may parang net.
"Ate tinay!" - Ako
"Oh. bakit? magdahan-dahan ka. baka madulas ka" - tinay
"Eto po yung panyo. Hindi sakin yan eh! baka nasama mo lang sa labahan ko." - ako
" Eh mas lalong hindi akin yan. Iyo talaga yan. Nung naglinis kami ni manang sa kwarto mo eh nadampot ko yan." - tinay. Napatigil ako. Paano nangyari yun eh wala namang pumasok sa kwarto ko. Sila manang lang ang nakakapasok sa kwarto ko.
"Oy althea. okay ka lang ba?" - tinay.
"Ay. oo naman ate! Hehe. Sige po akyat lang ako sa taas" tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong sumalampak sa kama.
"Shit! Hindi kaya totoo yun? yung lalakeng pumasok dito sa kwaro ko. Yung lalakeng humalik sa akin.. AAAHHHH! Hindi lang siya basta-bastang halik. Mas malayo pa dun ang narating namin. Pero hindi eh! Nakadamit ako ng nagising ako. Uuurrggghh!! Ayoko na magisip" Ginulo-gulo ko ang buhok ko at pagkatapos ay pinakalma ko muna ang sarili ko. Ng medto nahimasmasan na ako ay In-on ko ang T.V.
Dito naman sa Luzon ay tatama ang Malakas na bagyo na ang tawag ay Bagyong Sali. Magdudulot ito ng mga pagbaha at pag-landslide sa ibang parte ng lalawigan. Asahan po natin ang malakas na pagkulog at pagkidlat. Tandaan! laging maghanda ng flashlight at safety kit.
"Nako. kaya pala palakas na ng palakas ang ulan. May bagyo pala! Signal #2. Pinatay ko na ang T.V at ginawa ang routines ko bago matulog.
Nakasuot na ako ng Pj's at handa ng matulog. Humiga na ako pakanan sa kama at hinatak ang isa pang unan para gawin kong tandayan.
Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko. "Langya naman! Ayaw talaga akong dalawin ng antok." Pinatay ko nalang ang ilaw at humiga na. Tanging lampshade nalang ang nakasindi.
Maya-maya pa'y "Nako naman! Brown-out pa!!" tumayo ako at binuksan ang pinto ng Veranda pero agad ko naman itong isinara. "Ang lakas ng hangin.. Para na akong tatangayin!"
*tok *tok *tok
Lumapit ako sa pintuan at Binuksan iyon.
"Eto iha.. Baka madilim diyan. Nagdala na din ako ng Flashlight at Posporo para masindihan mo yang kandila" agad ko naman itong kinuha kay manang at nagpasalamat. Pagkaalis niya ay inilapag ko sa katabing Lampshade ang mga dala ko at sinindihan ang kandila.
Humiga ako sa kama at pinilit kong matulog. Naramdam ko nalang na lumulubog ang kaliwang parte ng kama ko. Dahan-dahan akong kumabig pakaliwa at nanlaki ang mata ko sa nakita.
"SINO KA?"
-----------------
Yes! Pambitin si Author! HAHAHAHA.
Tinatamad tuloy akong mag-update. Feeling ko kase, walang nagbabasa ng story ko T_T
Again. Kung sino mang may mabuting puso ang gustong gumawa ng Cover nitong story ko eh! Edi-dedicate ko sa kanya ang scene dito sa MMV :)
Comment kayo. Or vote na din ;) HIHIHI!
~LovesRain.
BINABASA MO ANG
My Midnight Visitor [R-18]
RomanceHindi ko alam kung sino siya at kung ano ang gusto niya, lagi niyang ipinaparamdam sa akin ang halaga ko sa kanya pero kahit pangalan niya'y hindi niya masabi sa akin. Paano ko gugustuhin ang isang lalakeng minamahal ako pero nakatago ang buong pagk...