Si Kuya Ang Nauna

641 4 0
                                    

#SKANangLIHIM (Chapter 4/5)

Nandito kami ni Mark sa kwarto ko habang nanunuod kami ng movie. Favorite kasi namin manuod ng movie kapag magkasama kami..Wala si mama sa bahay dahil nasa Cebu siya ngayon dahil sa work niya. Kaya naman si Mark muna ang kasama ko sa bahay for 2 days at pumayag naman si Mama. Alam na ni mama na boyfriend ko si Mark kaya okay lang sa kanya na magstay siya sa bahay.

"Ang cute ng baby o! Sana ganyan din ang maging anak natin." sabi ni Mark sabay turo sa cute baby na nasa movie.

"Babe, we're both guys at hindi tayo magkakaanak. Hahaha!." natatawa kong sambit kay Mark.

"Edi mag aampon tayo! Gusto ko may half yung aampunin natin para cute paglaki." sabi ni Mark sakin sabay kiss sa pisngi ko.

"Maganda nga yan, Babe! Gusto ko babae at lalake ang aampunin natin ha."

"Oo naman, para happy family tayo. Ikaw ang mommy ako ang daddy." nakangiti niyang sabi sakin.

"Bakit naman ako ang mommy? Dapat both Daddy tayo." sabi ko.

"Kasi ikaw ang bottom satin dalawa. Hahaha!." tawang tawang sabi ni Mark.

"Ah ganun! Pwes di ka makaka score sakin mamayang gabi!." pananakot ko sa kanya, haha.

"Babe, joke lang naman, ito naman di na mabiro. Syempre pareho tayong daddy." paglalambing ni Mark at niyakap yakap ako..

"Nasaan na pala yung album mo nung baby ka pa? Bakit nawala na dito sa room mo?." tanong ni Mark sakin.

"Pinagsama sama kasi ni Mama yung mga album namin ni kuya para daw hindi mawala. Wait hanapin ko lang sa kwarto ni mama. Dyan ka lang babe." sabi ko saka ako nagtungo sa kwarto ni mama.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto ng kwarto ni mama pero nakalock. Kaya ginamit ko ang magnanakaw moves ko para mabuksan ang pinto. Kumuha ako ng hairpin para sundutin ang doorknob. Hindi naman ako nabigo at nabuksan ko sa ikatlong try ang pinto.

Tiningnan ko agad ang aparador pero wala akong nakitang album. Kaya tiningnan ko ang ibang cabinet. Binuksan ko ang isang cabinet at nakita ko dun ang picture album namin ni kuya. Pagkakuha ko sa mga album ay may napansin akong kakaibang folder.

Nagtaka ako sa kakaibang folder kaya naisipan kong kuhanin sa cabinet.

"Ano kaya ang laman ng folder na ito?." sabi ko sa sarili ko.

Tinangal ko ang tali at binuksan ko ang folder. Kinuha ko ang papel na nasa loob at binasa ko ang nakasulat.

Nagulat ako ng mabasa ko ang nilalaman ng papel. Isa itong Adoption Paper! Tinuloy ko ang pagbabasa at sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako sa maaari ko pang mabasa. Halos di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko matapos kong makita ang pangalan ko sa papel. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Totoo ba ang nabasa ko? Ampon ako? Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kilala ang totoo kong pagkatao matapos kong malaman na ampon ako..

"Babe, sumunod na ko sayo ang tagal mo bumalik e. Yan na ba yung album?" sambit ni Mark na nasa likod ko pero di ko siya masagot dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Babe are you okay?!." tanong ni Mark. Pero di ko siya sinagot.

"Ano ba yang hawak mo?!." tanong niya, saka niya kinuha sa kamay ko ang papel at agad niyang binasa.

Umiiyak ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Babe, don't worry dahil nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan. Kakausapin natin si Tita kapag bumalik na siya galing Cebu." sabi ni Mark habang yakap parin ako ng mahigpit.

"Hindi ko na kilala ang sarili ko kung sino ba talaga ako at kung sino ang totoo kong mga magulang. Pakiramdam ko isa na akong ulila." sabi ko.

"Wag mong isipin yan babe!. Buong buo ang pamilya mo dahil nandyan ang Mama at Papa mo na mahal na mahal ka at nandyan din ang kuya mo at nandito ako para lang sayo. Mahal na mahal kita Babe.. Kaya wag mong isipin na ulila ka dahil marami ang nagmamahal sayo." sabi ni Mark. Kumalas ako sa yakap niya at hinarap ko siya.

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko matapos kong malaman na ampon ako. Pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko..Pakiramdam ko ay nagiisa na lang ako at wala ng nagmamahal sakin!." sambit ko kay Mark.

"Sorry babe, malalampasan mo rin ito.. Pero ito ang lagi mong tatandaan. Mahal na mahal kita at di magbabago yun kahit ano pa ang mangyari." sabi ni Mark sakin at niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

Nakaramdam ako ng kapayapaan sa mga yakap ni Mark. Ramdam ko ang pagmamahal niya at ang pagiingat niya sakin. Doon ko rin naramdaman na hindi ako nagiisa.

"Salamat babe. Siguro kung wala ka baka h

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tag-InitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon