Chapter One : Mr . Rejected
Two years. Almost 2 years na akong nag sstay dito sa San Luis Obispo, California and it will be for good. I guess? Ang impokrito ko kung sasabihin kong hindi ako masaya na ganito na ang kinalalagyan ko dito. I'm taking up Architectural Mastery at the age of 18. I have my own house which I decided to design it myself. I have a Mexican girlfriend here.
Dito sa Amerika. Hindi big deal kung mahal ka o hindi ng boyfriend/ girlfriend mo ang mahalaga magkasama kayo. Hindi naman na bago sakin yun. Sa edad kong to, hindi ko na din mabilang kung ilan na ang naging girlfriend ko, isama mo pa ung mga fling fling na hindi ako sinagot pero inaaraw araw akong sabihan ng Iloveyou. Hindi din ako marunong makuntento sa isa. Ang sabi kasi ng tatay ko na nagkaroon na ng 4 na kinasama sa buhay ay "Biniyayaan ka ng magandang mukha. Samantalahin mo na. Pag tanda mo wala na yan. You're young! And you deserve to be young"
Kunsintidor ang Daddy ko lalo sakin. Nang malaman nya ngang may nabuntis ako ay hindi manlang sya nagulat. Parang napaghandaan na niyang mangyayare at mangyayare to sakin. Yah, I have a child already. Nung una takot akong sabihin sa Dad ko na nabuntis ko ang ex ko. Pero dahil narin sa napakadaldal kong ate, napilitan akong magpaliwanag.
One time ay umuwi ako sa Pilipinas, Hindi na ako nagstay pa sa Hotel kahit pagod ako sa Byahe dahil excited akong makita ung taong mahal ko. Which is NEVER Nagkagusto sakin, he looked at me like his own old brother and a certified bestfriend. Tanggap ko naman un. Pero hindi nya na ako masisisi kung bakit ganito ko sya kamahal at pinapahalagahan.
Pag uwi na pag uwi ko ay pinuntahan ko sya. I surprised her. Its already 5 in the afternoon ng abutan ko syang naglalakad sa subdivision at mamalengke siguro ng panDinner nila.
Hinintay ko syang mabili lahat ng bibilhin nya saka ko sya inantay dumaan sa side ko pero hindi niya ako napansin. Hindi naman din kasi niya alam na uuwi ako noon. Saka busy sa pagtetext habang naglalakad kaya hindi niya ako nakita.
Sinabayan ko sya sa paglalakad .
Ilang segundo pa lumipas bago niya napansing may kasabay sya.
O__O
"Hi Sweety" - I greeted her.
"UMUWI KA NA?!!!!!!!"
"Hahahaha ! Engot ka talaga. HINDI PA AKO UMUUWI ! NASA CALIFORNIA PA AKO! SEE !" -pamimilosopo ko
"Gagu ka! Bakit hindi mo sinabe? Kaya pala naaamoy ko na yang perfume mo eh. Sabi ko na nga ba kilala ko eh" -sya
"Asus. Kanina mo pa nga ako kasabay dito. Saka bakit ko sasabihin na uuwi ako. Gusto ko isurprised ka eh"
"Baliw. Ay tara sa bahay. Matutuwa si Mama kasi umuwi ka na ulet" -hatak niya na ako sa kamay
"No need. Sa Baguio kasi talaga ang uwi ko. Dumaan lang ako dito sa Bulacan para makita ka. At ibigay ung gift ko" -
"Gift?"
"Yah. You'll see it Later. Babye. Uwi na ako" -Lumelevel ako sakanya at hinalikan sya sa Ilong. Baka masampal kasi ako pag sa Lips ko sya hinalikan. Saka Basta sya, Mabilis akong nasasatisfied. :)) I hope you'll notice.
Iniwan ko na sya. Kailangan ko na sya iwan kasi baka hindi nanaman ako makaalis nito. Kapag kasi kasama ko sya okaya matagal ko syang nakakasama nahihirapan akong lumayo .
Kahit pagod na talaga ako. Umuwi na ako agad papuntang Baguio. Doon kasi ang mga kamag anakan ko maliban sa nasa California na ang iba. Ung mga nasa California kong kamag anakan ay mga Galing Bulacan pati na kami ng Dad ko. Ang natitira nalang naming kamag anakan sa Pilipinas ay nasa Baguio. Nandoon din sa Baguio ung isa kong kapatid na sumunod sakin.
Dahil namiss ako ng Batchmates ko ay nagkaroon ng Inuman. Kasama ung Ex ko. Edi kapag naiinom kadalasan nagkakadisgrasya. Kaya ayun, Nakadisgrasya ako - Nakabuntis.
![](https://img.wattpad.com/cover/731348-288-k767024.jpg)
BINABASA MO ANG
8 hours away from her
RomanceThere’s no such thing as number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means, It’s possible that even in death, it may still be beating… Its weird how i can say im so madly inlove with a girl who will impossibly fall inlove with me.