Chapter 15 Whisper

1.1K 38 1
                                    

Chapter 15 Whisper


***ROWIE POV***

NAHIHILONG sinapo ko ang ulo ko. I'm too tired and exhausted? Pareho lang yun. Ah basta, may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ko maintindihan kung bakit basta ang alam ko pagod na pagod ako.


Yung totoo? Sumali ba ako sa marathon kahapon?


?__?


(=__=)?


Imposible naman yun. Tamad ako sa ganun.


Mariin kong ipinikit ang mga mata. I have to remember what I've done last night. And ola, may pumasok din namang ilang eksena.


Marahas kong iminulat ang mga mata sa labis na kahihiyan. May nagawa akong kaabnormalan kagabi. Naparami ang pag-inom ko ng wine. Hanggang dalawang baso lang kaya ang kaya ko. Medyo mahina kasi ang tolerance ko sa alak.


Ang bobo ko talaga! >__<


Bobong ubod ng ganda. Totoo yun, marami kaya ang nababaliw sa akin nung nag-aaral pa ako.


^__^


^O^


=__=


Nabura ang ngiti ko. Hindi naman kasi totoo yun e. Walang nagka-interes sa akin kahit na isang lalaki. Weird kasi ako noon, neird at hindi palakibo. Total package? Hundred percent pangit.


"I like you..."


Naikurap ko ng ilang ulit ang mga mata. May tinig kasi akong naririnig.


"Will you be my friend?"


Ang tinig ni Matheu. Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang ngiti. Isang napakalungkot na ngiti.


Ang high school life ko kasi... okay na sana sa akin na iniiwasan ako ng mga tao. Sanay na akong mag-isa hanggang sa dumating siya at alukin ako na maging kaibigan niya at sa kamalas-malasan naging kami pa. Siya ang nakatuluyan ko. Okay na sana ang lahat. Okay na talaga kung hindi ko lang narinig yun. Sa araw ng kasal ko.


Ikinuyom ko ang isa kong kamay sa labis na pagkamuhi. Kung may bagay man ako na ayaw ko ng maalala. Yun ay ang araw na nakulong ako sa bangungot na ito.


Marahan kong idinantay ang isa kong kamay sa mga mata ko. Gusto ko itong takpan at kalimutan muna yun kahit pa na alam ko na imposible nang mangyari ang bagay na iyon.


Kung iniisip niyo na umiiyak ako nang dahil sa sama ng loob. Hindi iyon totoo. Sapagkat sa loob ng anim na taon naging makapal at manhid ang puso ko. Binago ko ang lahat-lahat sa akin. Lahat-lahat.

BLS#7: Winning Your Heart(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon