Bea's POV
Dahil natraffic ako, 9:30 pm na ako nakarating dito sa dorm. Pagpasok ko sa loob, as usual, si ate ella, ate den at jia na naman ang naabutan ko dito sa sala. Sila lang naman madalas ang late na matulog at nagchichikahan pa dito sa sala.
"Hey yow" bati ko sa kanila ng makapasok ako sa dorm.
Nilingon nila ako at binigyan ng nakakalokong ngiti.
Alam ko na to. Mahohotseat na naman ako nito! At alam ko narin na naikwento na nitong dalawa kay ate den.
"I know that smile!" Nakangiti kong sabi sa kanila
Umupo ako sa tabi ni ate ella.
"So how was the kiss?" Tanong ni ate ella.
Di ako nakapagsalita agad. Naramdaman kong nag init ang mukha ko. Nahihiya parin ako dahil nahuli nila kami ni jho /_\
"Ate ella move on!" Medyo irita kong sabi sa kanila.
"Paano ako makakamove on kung kitang kita ng mga mata ko na magkadikit yang mga nguso nyo" sabi nito na parang kinikilig pa
Lalo akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ni ate ella.
"Tss di namin sinasadya yun noh!" Ako
"Ay wooow! Di sinasadya eh halos ihiga...
Di ko na pinatapos pa si ate ella, at tinapakan ko ang paa nya.
"Ouch bei! Ang sakit nun ah!" sigaw nito sakin
Buti nga sayo. Daldal mo eh hahaha
"Daldal kasi eh" pang aasar dito ni jia
"Hindi pala mahal ah" panloloko sakin ni ate den
Napatingin ako kay ate den pero di na ako nagreact pa sa sinabi nito. Maya maya pa ay nagsalita ulit si ate ella.
Tss daldal talaga -_-
"Umamin ka nga samin bei. Mahal mo na ba?" Ate ella
Ito na naman yung mga tanong nila. Paulit ulit nalang ba?
Paulit ulit ka nalang din bang mag dedeny? - other side of my mind
Haay! Mahal ko na ba talaga?
"I dunno. Maybe I already love Jho" sabi ko sa kanila
Mahal ko na nga siguro. Hindi ko naman sya mamimiss ng sobra kung hindi ko sya mahal dba. Hindi ako magseselos sa mga nagkakagusto sa kanya. Hindi ako magiging over protective kung wala lang sya sakin.
"Yuuuun umamin din!" Nakangiting sabi ni jia
"Syempre maghahalikan ba ya...ouuuchh bea! Nakakadalawa kana!"
Tinapakan ko kasi ulit yung paa nya. Talagang isinisingit pa yung kissing scene thingy na yun eh kainis -_-
"Ligawan mo na kasi." Ate den
Muli ay napatingin ako kay ate den. Ligaw agad?!
"Ayokong madaliin to ate den. Uunti untiin ko nalang" ako
"Ayaw madaliin pero dumadamoves kana" ate ella
This time ay tumayo agad sya at lumayo sakin kaya wala na akong nagawa kundi tingnan nalang sya ng masama.
"Besh wag ka na ngang mang asar" saway dito ni ate den.
"Salamat talaga ate ells ah? Nakatulong ka ng malaki" sarkastiko kong sabi dito