[2]

2 0 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit kailangan pang hingin nya ang number ko kay May. Kahit na sikat sya, he doesn't have the right to get my number! Ugh! I'm not into men. Wala akong time sa kanila. I am more focused with my studies kasi malapit na kong gumraduate.


"Uyyy!! Kinikilig ako!" - May


Tinutukso ako ni May kesyo raw type ako ng Derrick Dale na yun. Yes, he is handsome but also know as the most babaero basketball player. Basta sikat kasi, alam ang mga whereabouts nila, new relationship and all. Pano ko nalalaman yan? Dahil kay May syempre.


"Promise, Simone! He's  into you!" aniya sabay sundot sa tagiliran ko.


"Ano ba! Hindi ko sya type!" sabi ko sa kanya.


Namewang sya tapos lumapit sakin. Nakaupo ako sa higaan ko at gumagawa ng thesis ko. I don't get it why people find it amusing when someone asked for their number!


"At bakit naman hindi? Aber? Gwapo sya, magaling magbasketball, sikat, mayaman! Lahat-lahat na!" - May


"I just don't like men like him." Ayoko na sanang mag-exlain kasi hindi naman niya ako maiintindihan. I have priorities and men are not part of it. Naniniwala kasi ako na darating ang taong para sa kin sa tamang panahon. If you think that he's the one, better think again kasi ayoko sa kanya.


"Hay naku. Ewan ko na lang sa'yo Simone. Bakit kasi ayaw mo pang magka boyfriend kasi eh." reklamo niya. 


"You know the reason why May. I don't have to repeat myself. Kaya please lang, enough of this crap. I have thesis to do." sagot ko sa kanya.


"Fine. Fine. Di kita kukulitin. I'm just saying na sayang lang, lalo na at isang sikat na tao pa ang nakapansin sayo."


Inirapan ko lang siya. Hindi ko na alam kung ano ang isisipin ko. Di porque't sikat yung tao, papatulan ko na para sumikat din ako. No way! I would like to keep my normal life. Tahimik akong nabubuhay, ayoko ng gulo.


*tootooooot* (text message)


Agad kong kinuha ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext. Kumunot ang noo ko nung makita kong number lang, kilala ako at nagyayayang lumabas.


Napansin yata ni May na nakatutok ako sa phone ko na nakakunot dahil hinablot nya ang phone ko saka binasa ng malakas ang text.


From: +639*********

Hi Simone, let's have lunch tomorrow. :)


Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi nya.


"What's with that smile? Kilala  mo ba kung sino yan?" tanong ko sa kanya.


Nakangiti pa rin sya sakin. "Hindi ko alam kung sino to, pero may idea ako kung sino."

Thank You...In AdvanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon