Bea's POV
"Baby, gising na. You're gonna be late. Wake up." Pag gising ni Mommy. Hayy oo nga pala!
"Opo mommy." I said while wearing my slippers. Tinignan ko yung phone ko. May nag text. Si beh!
From: jho
Beh, asan ka? May training tayo kaya bilisan mo kung ayaw mong pahirapan ka ni Coach. I love you beh, ingat. Text back :( by the way, goodmorning! Nandito na si Jia Ahaha.Natawa naman ako bigla. Ahaha grabii sya oh. She's caring talaga :) kaya naging crush ko to noon eh. Pero guys don't get me wrong, dati lang yun. Ni replyan ko naman sya.
To: jho
Goodmorning din beh. Ahaha. Eh ano naman kung nandyan na sya?Grabe kasi sya mag care sakin. Minsan nga napapa assume ako na may gusto to sakin eh. Nagtataka ba kayo kung ano kinalaman ni Jia dito? Ako din eh nagtataka. Ewan ko ba dito kay jho!
*brrrtt* (vibrate yan ahaha!)
From jho:
Pfft. Ahahaha. In denial ka pa! Sige na mag breakfast ka na! Damihan mo kain para mawala yang abs mo. Ahaha xD!Bakit ba kasi nasali yung masungit na Jia na yun? Nakakaloka ah?
Naligo. Nag prepare ng gagamitin sa training. Kumain. Tss. Same old routine. Nagpaalam na ko kay mommy at nagdrive na paalis. Sinaksak ko sa speaker yung phone ko for music. Boring kasi if quiet. Ayoko mag dorm. Gusto ko makasama sila mommy.
Nag park na ko ng kotse. Nagulat ako nung makitang kasabay kong bumaba si Ate Ly.
"Uy bei. Ngayon ka pa lang din?" Sabi ni Ate Ly habang natatawa. Kinuha ko yung bag ko at Sinara ko yung pinto.
"Oo Ate Ly eh. Natanghali ng gising. How about you? Bakit ngayon ka lang?" I said.
"Mamaya ko na ikukwento habang papunta tayo sa BEG. So tara?" Sabi ni Ate Ly at tumango lang ako ng naka ngiti. Ahaha. Feeling ko napuyat to dahil kay Ate Den!
"Gusto mo ba malaman talaga?" Nagtatakang tumingin sakin si Ate Ly. Ayy -_- matinde!
"Malamang Ate Ly. Kaya nga ako naghintay eh." Sabi ko. Napakamot naman sya sa batok
"Eh si Denden kasi pinuyat ako eh." Sabi niya. Ma asar nga bwahahaha!
"Hala Ate Ly! Oh my gosh! Sabagay malamig pala kagabi kaya siguro kayo napuyat. Ahahah!" Sabi ko habang tumatawa nakatanggap naman ako ng spike patagilid. Binatukan nya ko. Namumula na sya!
"Aray! Masakit yun Ate Ly ah? So ginawa nyo nga ahahah. Don't worry Ate, i ship AlyDen naman eh. Tsaka make me a ninang in you new baby. Ahaha!" Sabi ko at tumakbo. Malapit na lang naman kasi eh.
"DE LEOOOONNNN!!!!" Sigaw ni Ate Ly. Napalingon ako sakanya at binelatan hanggang sa...
*BOOOGGSHH*
May naka sanggi yata ako. Meron nga! Walang iba kundi ang masungit na si Jia Morado. Tss. Edi shing ahaha. Joke lang.
"Pasensya na Jia di ko sinasadya." Sabi ko. Her eyebrow arched and she put her both hand in her waist. Lagot ka beadel! Katapusan mo na!
"Di ka naman nag iingat Bea jusko!" Sabi niya habang nagagalit. Mamaya mag e evolve na to. Ahaha joke! Shh lang kayo ah?
"Uhm Jia it's my fault. Inaasar ko sya eh. Pasensya na baby ji." Sabi ni Ate Ly habang nakaakbay sakin. Bumuntong hininga naman si Jia.
"O sige Ate Ly. Teka Ate Ly bakit ngayon ka lang?" Sabi ni Jia. Ayy bastusan?!
Ako di nya ba tatanungin?
