Part 2

28 6 0
                                    

*Edwin's Pov

Naging matalik kaming magkaibigan ni Anthony. Palagi na rin syang nagbibigay ng ulam sa amin tuwing gabi kaya kilala na din sya ni Mama.

Sa dinami-dami ng pwedeng kaibiganin sa lugar namin, bakit kaya ako pa ang napili ni Anthony? Hindi naman na masama na naging kaibigan ko siya. Mabait sya sa'kin at ganun din ako.

Minsan nga gusto kong gamitin si Anthony para makalapit kay Zoey eh. Pero hindi naman ako ganung tao kaya pinagpatuloy ko na lang ang buhay ko kahit na patingin-tingin lang kay Zoey.
--

Naglalakad kami ni Anthony sa side-walk dahil galing kami sa bakery.

"Ed," tinawag ako ni Anthony.

"Hm?"

"Ano kaya sa tingin mo ang magandang regalo para sa babae?" Tanong ni Anthony. Bat kaya nya natanong?

"Bakit mo natanong?"

"Malapit nang mag-debut ang special one ko kaya kailangan ko ng magandang ideya na iregalo sa kanya....." sambit ni Anthony.

Kung nakalimutan kong sabihin sa inyo, malapit na ang debut si Zoey. Oh diba? Updated talaga ako sa buhay nya.

Medyo nakaka-inis slash nakakalungkot yung tinanong sa'kin ni Anthony. Tsaka, Special One? One happy couple lang ang peg nila ni Zoey noh? Ang sarap umpugin ng ulo ko!

Kailangan kong lumugar. Hindi ako kaano-ano ni Zoey kaya wala akong karapatang mainis. Isa lang akong lalaking walang alam, kundi ang umasa sa salitang 'SANA'.

"Uhm..." humawak ako sa chin ko na parang nag-iisip. "Since debut nya, kailangan ito yung best gift na matatanggap nya.." sabi ko pa.

"What do you mean?" Tanong ni Anthony. Tumahimik ako saglit.

"Ang pinaka da-best na regalo ay hindi kailangang maging bagay, Anthony. Simple lang naman eh, KASIYAHAN lang sapat na. Ibigay mo sa kanya kung anong nagpapasaya sa kanya at kung anong gusto nya sa araw ng debut nya. Make her happy like no one else can." Saad ko. Naririnig ko pa ba ang sarili ko? Badtrip na bungangang 'to. May sariling utak pagdating sa kung anu-anong bagay.

"Basta itong tatandaan mo, alagaan mo syang mabuti ha? Wag mo siyang pababayaan okay?" Sabi ko pa. Hindi ko na matigilan ang masaktan. Ano ka ba naman!

You chose to stay quiet, Edwin!
You chose to break your heart, now you deserve what is happening right now! Dapat nakinig ako sa sinisigaw ng puso ko. Mali talaga ako. Nagkamali akong manahimik lang sa isang tabi.

Pero wala na eh. Nangyari na. Masaya na si Zoey sa piling ni Anthony. Marapat na maging masaya na din ako para sa kanilang dalawa. Kahit na masakit.

"Sige paalam na, Anthony! Baka hinahanap na ako ni mama eh! Bye!" Tumakbo ako. Hangga't maaari ayoko munang lapitan sya. Para akong pinapatay ng unti-unti sa mga nangyayari.

"Edwin bakit? Heto nga oh, may pandesal ka pa!" Sumigaw sa'kin si Anthony at inalok pa ang pandesal. Magandang bagay na rin na tumakbo ako at 'di na nya ako hinabol pa.

Ang mga mata ko lang ang nagsasalita sa tuwing nasasaktan ako. Hindi na makagalaw ang bibig ko, puro na lang ako iyak. Ito ang way ko kapag hindi ko na maintindihan kung gaano kalaki ang sakit na nararamdaman ko.

Napansin ko na nasa harap na pala ako ng bahay. Hindi ko maiwasang tingnan ang bahay na nasa harapan namin. Yung bahay nina Zoey. Nagtutubig na ang mga mata ko. Nanlalabo na din ang paningin ko nang dahil sa luha.

If you have something worth fighting for, then fight for it! Pero anong ginawa ko?! Hindi ko pinansin kaya ayan... Nasasaktan ako.

Foolish me!

Wala naman talagang kasalanan dito si Zoey eh. Masyado lang akong naging magaling sa pagtago ng nararamdaman.

Nag-assume lang din kasi ako kahit na alam kong wala ako sa lugar.
--

Lumipas ang ilang araw, wala nang kumakatok sa'min sa tuwing gabi. Hindi na nagpaparamdam si Anthony sa'kin. I'm sure escort sya ni Zoey. Siguro, pinaghandaan din ni Anthony ang debut ni Zoey kaya focus muna siya doon.

I'm still hoping, it's you and me until the end. It's going to be hard. But hard is not impossible.

2 days to go before your birthday, Zoey.

Wrong ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon