Part 3

44 7 0
                                    

*Edwin's Pov

(Kinabukasan)

Pumunta ako sa National Bookstore. Binili ko ang lahat ng materials and tools at pagkatapos ay agad akong umuwi.

Mabilis naman akong nakauwi sa bahay. Grabe, nagmamadali lang talaga ako! Bukas na kasi ang birthday ni Zoey! Hindi rin kasi ako mapakali na walang regalong naibibigay sakanya.
--

Pawis na pawis ako sa pagga-gawa. Napuyat pa nga ako at mga alas-dos na, hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko.

Kailangan mo itong matapos, Edwin. Ito na lang ang instrumento na makapag-sasabi ng totoong nararamdaman mo para kay Zoey.

*Tok Tok Tok* May kumatok. This time, hindi na downstairs, kundi sa kwarto ko lang.

"Pasok." Sabi ko habang patuloy pa din ang ginagawa. Pagkakita ko, si mama pala.

"O anak? Ba't hanggang ngayon hindi ka pa natutulog? Gabing-gabi na ah?" Tanong ni mama then tumabi sya sa'kin at pinagmasdan ang gawa ko.

Ako naman, tuloy-tuloy lang.

"...... Ang sweet mo naman, nak. Manang-mana ka sa tatay mo." Sabi nya na halatang malungkot.

Heto na naman tayo kay Papa.

"Ang swerte ng babaeng bibigyan mo nyan, nak! Kung pwede lang sanang bumalik ako sa'king kabataan, nagawa ko na. Teka lang... Sino ba 'yang nililigawan mo, nak? Gusto ko na syang makilala." Sabi ni mama.

Mama, nagkakamali po kayo.

"Ma," napatingin ako sa kanya. "Hindi nya ako kilala, hindi ko sya kaibigan.. at lalong hindi ko sya nililigawan." Sabi ko.

"Kung hindi mo sya kaibigan, at hindi mo sya nililigawan, bakit ka magsusulat sa kanya nito, nak?" Tanong ni mama.

"Gusto ko na kahit isang beses lang po mapansin nyang may nagmamahal PA sa kanya. At ako po iyon." Ngumiti ako na alam ko ding peke. Nagpatuloy ako sa pag-gawa.

"Anong ibig mong sabihin, nak? Hindi ka nya kilala? Hindi din ba nya masusuklian ang pagmamahal mo sa kanya?" Tanong ni mama.

"Mismo." Sabi ko. "Bingo ka dun ma." Dagdag ko pa. Napansin ko na lang na basa ang papel na nasa lamesa. Parang patak lang.

"Wag kang umiyak anak.."
Geez, umiiyak na ako. Niyakap ko si mama. Bakit ba kailangan ko pa syang bigyan ng regalo kung masasaktan lang pala ako?

Idiot talaga ako. Konti na lang aabot na sa outer space ang pagka-fool ko.

"Sa pagmamahal talaga anak, para kang nakikipag-harutan. Hinding-hindi mo maiiwasang masaktan. Basta gawin mo ang naiibigan mong gawin. Gawin mo kung anong nagpapasaya sa'yo anak." Nginitian nya ako. "Sige alis na'ko. Wag ka nang magpagabi, anak ha? Goodnight, I love you, nak."

"I love you too ma."

At dahil sa sinabi ni mama, naganahan pa ako ng loob ng tapusin na ito. At natulog na ako nung matapos ko na itong ginagawa ko.
--

Pagkagising ko, madami na ang mga tao na pumapasok sa loob ng bahay ni Zoey. Sa bahay lang sila naghanda pero hindi na din masama dahil may malaki silang backyard.

Paano kaya kung i-reject nya ako? Paano kung hindi nya ako pansinin at paano kung hindi niya tanggapin ang regalo kong ginawa ko mula pa kagabi?

Paano kung hindi pala nya ako gusto?

Psssh! Nakakainis! Bahala na nga! Kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob para maibigay ko ito ng maayos.

Sumilip ako mula sa bintana ko sa kwarto, nakikita kong nagsisimula na ang party. Naghihintay na lang akong matapos ang buong party. Lalapit ako sakanya kapag natapos na ang party, para ako na lang ang huli nyang bisita ngayong gabi. Nakikita ko din si Anthony na palaging kasama ni Zoey. Naku, wag ko na lang isipin. Mag-iipon na lang ako ng strength.

Wrong ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon