10th

42 0 0
                                    


      Nandito ako sa HQ dahil pinatawag ako ni tito Sebastian may importante daw paguusapan

 
     Nakaupo ako sa upuan ng aking ama tuwing nagpupulong sila

    
    "May malaking transaksyon na magaganap sa Palawan na tatagal ng isang linggo Tyler at Dawn kayo ang iaasign ko para mamahala sa transaksyon na iyon malaking pera ang nakasalalay  dito kaya ayoko ng palpak!" Tumango lang ako bilang sagot mukhang nakikiayon sakin ang kapalaran isang linggo akong nasa Palawan ibig sabihin madali ko na lang mapaplano ang lahat

     "Dawn! Sa linggo namin ililibing ang mga magulang mo saktong tapos ng misyon ninyo sa Palawan!" Direktang sabi niya sa akin

   "Kayo na ang bahala ayoko silang makita" tumango lang siya bilang tugon sa sinabi ko

   "Kelan ang alis namin?" Pansin kong nakatingin silang lahat sa akin

     "Sigurado ka bang ipagkakatiwala mo sa isang baguhan ang isang napakalaking transaksyon na ito!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya

     "Matagal ka na dito pero di mo alam kung sino ko? Nakakatawa ka naman palang matanda ka! Ako ang pinaka magaling na reaper ng mafiang ito tapos sasabihin mong bago lang ako?" Nakangising sambit ko sa kaniya

    "Ikaw ang pinaka magaling na reaper? Ngayon nga lang kita nakita! Sumulpot ka lang naman ng namatay ang mga magulang mo parang isa ka ng reyna kung makaasta!" Walang sabi sabing naghagis ako kunai sa harap niya na bumaon sa lamesa tinignan niya ko ng hindi makapaniwala

    "Grey!" Gulat niyang banggit sa CN ko hindi ako nagpapatawag sa code name ko pag nasa HQ ako dahil hindi rin naman ako nagtatagal pero kilala ako ng lahat dahil sa bilis at linis kong trumabaho

      "Kilala mo naman pala ko eh! So it means alam mo kung pano ko trumabaho!" Tumayo si tito Sebastian dahilan para umupo na ako

     "Tama na yan!" Suway sa amin ni tito Sebastian

      Napansin ko ang pagbulong niya ng katagang "hindi maari!" At may pnindot siya sa singsing niya masiadong mabilis ang mata ko para hindi makiita yun

       "Gulat ka bang buhay pa ako!" Diretso kong tanong sa kaniya

     "Anong sinasabi mo?!" Gulat na tanong niya saakin

      "Dec. 13 friday 3 ng madaling araw sa isang park sa Washington itim na Van na may lamang 10 katao na pinaulanan ng bala ang kotse ko!" Halata ko ang tensyon na nararamdaman niya

    "At ang pinaka huli! Ikaw ang huling bumisita sa safe house sa Davao bago sumalakay ang bente katao na tumapos sa buhay ng mga magulang ko!" May diin at puno ng galit na sambit ko sa kaniya

     "Pinagbibintangan mo ba ako!" Galit niyang sabi

    Hinugot niya ang kunai na hinagis ko kanina para ihagis sa akin oero mas mabilis ako sa kaniya at hinagis ko ang huling dalawang kunai na natitira saakin dahilan para bumaon iyon sa magkabila niyang balikat

    "Dawn! Tama na yan!" Pigil sa akin ni tito Sebastian pero di ko siya pinakingan tumayo ako at lumapit sa traydor

    "Sino ka at anong kinalaman mo sa pagkamatay ng mga magulang ko!" Galit na tanong ko sa kaniya

   "Philip Domingo ang Pangalan niya" sagot ni Tyler sa tanong ko

    Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at ng makalapit ako sa kaniya ay hinugot ko ang dalawang kunay na tumarak sa magkabilang balikat niya tinulak ko siya at idiniin ang mukha niya sa lamesa pinapanood lang nila ko at walang nagtatangkang pumigil sakin miski ang magama

    "Huling tatlong pagkakataon para humaba pa ang buhay mo!" Pilit siyang nanlalaban pero sukdulan ang galit na nararamdaman ko kaya kahit sino ay hindi matatapatan ang lakas ko

    "Una! Anong meron sa singsing mo!" Tanong ko sa kaniya habang hinuhubad ang singsing na suot niya na inaayosnniya kanina

    "Wala! Wala! Ibalik mo yan sa daliri ko mas mahal pa yan sa buhay mo!" Sigaw niya saakin hinagis ko ito sa pinakamalapit na speaker at napatakit kami lahat sa tenga dahil sa lakas ng naging feedback nito

    "Mali!" Sigaw ko sa tenga niya at kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagdaing niya dahil sa tinarak kong kunai sa kamay niya na bumaon din sa lamesa

    Kinuha ni Tyler ang singsing at tumingin sa akin "hindi ito magfeedback kung walang piece na nakapalob dito!" Kinuha niya ang collectors knife na nasa bulsa niya at tinanggal ang diamond na nakakabit dito at tumambad ang isang maliit na microphone na nakakabit dito doon biglang napatayo si Tito Sebastian

 
    "Pangalawa! Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng mga magulang ko!" Tumagal ng isang minuto at hindi pa rin siya sumasagot

    "Inuubos mo pasensya ko!" Tinarak ko sa kabila niyang kamay ang isa pang kunai na meron ako

   "Pangatlo! Anong connection mo sa Voltron Mafia!" Nakita ko ang dahan dahang paglapit ni tito Sebastian sa tabi ko

    "Tama na yan! Dawn hindi natin alam kung talagang sa mga Voltron ba talaga siya nakakonekta" suway niya sa akin

   Hindi ko siya pinansin at sinira ko ang coat nitong traydor na ito kasunod ng polo niya at tumambad sa amin ang tatto ng isang vulture na my kagat na Pulang laso  na nakapatong sa gintong tangkay ang tatto na sumisimbolo sa Voltron Mafia


      "Dalin siya sa isang kwarto at kunin lahat ng impormasyon na mapipiga niyo sa kaniya at tska niyo patayin" mahinahong utos ni tito sa kanila

   "Mauna na po ako magaayos pa ako ng mga kakailanganin ko!" Paalam ko sa kanila at tuluyan ng umalis

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster Chick With Black Angel WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon