*PROLOGUE*

885 13 19
                                    

Tut!

Tut!

Tut!

Ayyyy! Pusang gala!

Nakaidlip nanaman pala ako!

Tumunog ang cellphone ko!

Ibig sabihin may nagtext!

Kinuha ko ang 3210 Nokia phone ko na mas matanda pa sa Ninuno ng Lola at Lolo ko.

Kaloka!

Ang dami nang magagara at mamahaling cellphone ngayon, ewan ko ba kung bakit loyal parin ako sa cellphone nato!

Pero wag ka, ilang beses ko na tong ginamit pangbato at pangpukpok,ito buong-buo at matibay parin!

Mas matibay pa nga yata to sa mga latest na phone ngayon eh!

Back to reality muna.

Sino kaya ito? Matignan nga.

Fr: Babe :*

-Babe? Sorry kung hindi ako makakapunta dyan sa inyo para magcelebrate ng Anniversary natin. :( :/ Masyado kasing busy dito sa Office eh!
Babawi nalang ako next time pag nagkita tayo.

Love you Babe! :* ;)

Pagkatapos kong basahin ang text na iyon. Naalala ko na Anniversary pala namin ni Joshua.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pangungulila.

3 years na kami and still counting. Mahal ko siya at nagmamahalan kaming dalawa kaya kampante akong hindi ako lolokohin nun!

To: Babe :*

Okay lang Babe, masyado ka sigurong busy sa trabaho mo.
Naiintindihan ko. Ingat ka ha?

I love you always! :* ;)

Tumayo nako sa higaan ko na sobrang tigas! At nag-ayos para isurprise si Joshua. Kahit ako lagi ang nag-eeffort sa aming dalawa alam ko namang mahal niya ako at hinding-hindi niya ako iiwan kahit kailanman.

Nagsuot ako ng naa-ayon sa gusto ko. Black na pantalon at ang pang-itaas naman ay black V-neck Shirt at black na Vans sa sapatos.

Oh diba? Puro Black?

Hindi talaga ako marunong pumorma dahil simpleng dalagang Pilipina lang ako. Walang hilig sa Fashion. Lumaki kasi akong mahirap, kapos sa pera at mga pangangailangan. Pero masaya naman kami ng Papa at Mama ko, kahit kami lang tatlo ay natutustusan naman ng mga magulang ko ang iba kong pangangailangan lalung-lalo na ang pag-aaral ko.

Halos makuba na nga sila sa kakatrabaho eh. Ayaw ko nang dumagdag pa kaya nga nagsisikap akong makatapos para naman maiangat ko ang pamilya namin kahit papaano.

Malapit na akong matapos sa pag-aaral at working student din ako.

Konting tiis nalang.


Ika nga nila, 'Kapag may HIRAP may SARAP!'



Nagvibrate ang phone ko at sinagot ko agad iyon.

"Hello?" sagot ko.

"Bes? Saan ka?"

"Andito sa bahay Bes. Bakit?"

"Congrats nga pala!" Sigaw niya.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Duhh! Anniversary niyo ni Joshua diba?" Sagot niya.

Lust, Love is like a DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon